Share

Chapter 120: Ang cellphone

Hindi naman umimik si Carmela ng niyakap siya ni Joseph habang umiiyak. Narinig niya lang ang hagulgol nito habang itinatago sa kanyang dibdib ang mukha nito.

"H-Huwag mo ng uulitin ito please, hindi ko alam bakit ka nagkakaganito pero ayaw ko na umalis ka sa akin," umiiyak na sabi ni Joseph. Tumingala si Carmela saka pinigilan ang kanyang luha.

Pakiramdam niya ay ang sama niyang tao upang paiyakin ang asawa niya. Gusto niya lang malaman ang totoo kailangan niyang mahanap ang cellphone ni Joseph.

"Oh, tumigil ka na kakaiyak," alo ni Carmela sa kanya, umiling naman si Joseph saka mas niyakap siya ng mahigpit.

"Mahal kita, babe!" hirap na sabi ni Joseph. Hinaplos naman ni Carmela ang buhok niya.

Huminga siya ng malalim at pilit kinakalimutan ang lahat ng narinig niya sa eskwelahan ni Joseph.

Iniisip niya na baka hindi Joseph 'yon, na hindi nito magagawa ang lahat ng iyon sa kanya.

"Oh, hindi ka man lang magsabi na mahal mo rin ako? Ano ba talaga!" inarte na sabi ni Joseph. Napasigaw na
Analia Faith

Maraming salamat sa inyong pagsuporta. God bless everyone. --------ANALIA ❤️

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status