Hello, pasensya na po kung ilang araw ako hindi nakapag-update ng aklat na ito. Maraming salamat po sa inyong labis na suporta kina Carmela at Joseph. ❤️ Godbless everyone. Gusto ko lang din po na sabihin na hindi po ako nagdi-distribure ng illegal soft copies. Pasensya na po talaga. Mas maganda po na suportahan po natin ang mga writer o author dahil sila po ang may karapatan sa kanilang mga kwento kaysa naman po sa mga nagbebenta ng ganoon. Malaking tulong din po sa amin ang panonood niyo ng ads upang mag-unlock ng chapter na gusto niyong basahin. Tiyaga-tiyaga lamang po sa pagbabasa, maraming salamat sa inyong pag-unawa. ------ANALIA❤️
Nakasimangot na lamang si Joseph ng biglang tumawag ang sekretarya ng kanyang daddy. Labis ang inis niya, gusto niya ng magwala talaga dahil nabitin siya. Hindi pa nga nagsisimula tapos biglang natapos na agad."Huwag ka ng sumimangot, kailangan maganda ang mood mo para naman mas dumami ang investor ng kumpanya," nakangising sabi ni Carmela. Binigyan tuloy siya ni Joseph ng masamang tingin. Daig pa na may lazer gun ang kanyang mga mata."Hindi pa nga tayo nagsisimula, biglang nawala na? babe, please simulan mo naman," reklamo niya saka nagpa-cute ng todo kay Carmela. Natawa tuloy si Carmela sa kanya."Ganoon talaga at saka akala ko ba para future natin ito?" Walang pakialam na sabi ni Carmela.Napanguso tuloy si Joseph. Hindi niya akalain na walang puso ang kanyang asawa! Hindi ba nito alam kung gaano kasakit ang puson niya sa tuwing nabibitin siya.Hindi ba ito naawa sa kanya na baka siya'y lagnatin o kombulsyonin ng wala sa oras. Wala ba talaga itong pakialam sa kanya?"Babe, ang sa
Lumipas ang ilang oras ng makarating si Joseph at Andrea sa kanilang destinasyon. Nakaramdam ng pagod si Andrea dahil sa mga ginawa niyang design na ilalagay sa kanyang portfolio. Hatak-hatak niya ang kanyang bagahe kaya tinulungan siya ni Joseph upang dalhin ito.Nakaramdam tuloy siya ng hiya at inaakala niya na baka ay nagiging pabigat na siya kay Joseph."Ako na, pasensya na medyo napagod ako sa ginawa kong designs," mahinang sambit niya. Tumango naman si Joseph sa kanya at saka ngumiti."Maayos 'yang ginagawa mo. Mas maganda talaga na gawin natin ang lahat sa pangarap natin," nakangiting sabi ni Joseph. Tumango naman si Andrea sa kanya saka naman sumulyap sa ibang direksyon. Napakunot ang kanyang noo ng nakita niya ang kanyang kapatid ngunit biglang nawala iyon."Andrea!" malakas na tawag ni Joseph sa kanya. Bumalik tuloy ang tingin niya kay Joseph."Hey! Okay ka lang ba? Kanina pa kita tinatawag eh kaso nakatulala ka lang sa isang tabi," mahinang sabi ni Joseph kay Andrea. Mahin
Napasulyap si Carmela sa kanyang cellphone dahil malapit ng matapos ang kanyang klase ngunit hindi man lang nagmensahe si Joseph sa kanya. Nakaramdam siya ng kaba at baka at napaano na ito ngayon. Hindi niya alam na nakatingin pala si Ezekiel sa kanya kanina pa."Ano na naman ba ang iniisip mo?" biglang tanong ni Ezekiel na ikinagulat niya. Napalunok si Carmela dahil nag-aalala siya sa kanyang asawa.Hindi ugali ni Joseph na hindi mag-text sa kanya kapag nakarating na ito sa airport o kaya ay sa meeting place nito. Pakiramdam niya ay may mali sa nangyayari. Pakiramdam niya ay may hindi magandang mangyayari na hindi niya inaasahan."Nagtataka lang ako kasi hindi nag-text sa akin si Joseph. Ang alam ko kasi ay ilang oras lang naman ang meeting nila," sagot ni Carmela ko. Naging seryoso naman ang mukha ni Ezekiel saka umupo sa katapat na upuan niya."Carmela, ganoon talaga. At saka malay mo nagpapahinga lang si Joseph ngayong araw? Isipin mo na lang na pinipilit niyang mapapapayag ang
Ilang araw ang lumipas ngunit walang paramdam si Joseph sa asawa niyang si Carmela. Halos nanglumo na si Carmela habang iniisip niya na baka masyadong busy si Joseph sa babae nito na si Andrea. Pinunasan agad ni Carmela ang kanyang luha ng pumatak na naman ito. Ito ang pangalawang beses na umiyak siya sa lalaki ngunit mas masakit ang ipinaramdam ni Joseph sa kanya.Gusto niyang malaman ang side ni Joseph ngunit mukhang wala itong balak na magpakita. Kahit ang pagtawag niya sa kumpanya ng mga Villanueva ay hindi na sinasagot ng sekretarya nito.Pakiramdam niya ay basta na lamang siya iniwan ni Joseph sa putikan. Naii-stress na siya sa lahat kasama na ang pag-aaral niya na dumadagdag sa kanyang pasanin."Miss Dela Rosa," tawag sa kanya ng propesor nila. Mabilis na lumapit si Carmela sa kanyang propesor habang nakayuko."Miss Dela Rosa, sa totoo lang natutuwa ako dahil matalino ka at alam ko na magiging isa kang magaling na doctor," panimula ng kanilang propesor. "Ngunit masyadong naapek
Malakas ang kabog ng dibdib ni Joseph kahit nahihilo siya. Ang akala niya ay si Carmela ang kahalikan niya ng mga oras na 'yon. Mas lalong nagkaroon ng takot ang kanyang dibdib ng nakita ang sakit sa mga mata ng kanyang asawa na si Carmela.“B-Babe, saglit mag-eexplain ako,” nauutal niya na sabi. Marahan tumulo ang kanyang luha dahil pakiramdam niya ay tuluyan ng mawawala si Carmela sa kanya. Napalunok siya ng naisip ang bagay na 'yon. Hindi niya kaya! Hindi niya kaya na mawala si Carmela. “A-Anong i-eexplain mo?” galit ngunit may diin na tanong ni Carmela. Lumingon ito kay Ayana na tumakbo upang takpan ang kanyang katawan. Napahilot si Joseph sa kanyang sentido, hindi niya alam kung bakit parang nakita niya si Carmela kanina ang akala niya ay si Carmela ang kanyang kahalikan kanina ng magising siya sa pagkakahiga. Pumasok siya sa kwarto ng oras na 'yon dahil bigla siyang nakaramdam ng hilo ng oras na 'yon.“K-Kasi, natulog ako rito tapos pagkagising ko ay akala ko ikaw siya,” dahila
Napatingin si Carmela ulit sa camera at saka ngumiti ulit ng mag-focus sa kanyang magandang mukha ang camera. Masyado na siyang sanay kung paano siya titingin sa camera kaya hindi na siya naco-conscious katulad dati.“I knew Matthew; we were close. We cherished one another. I enjoy being in his company, and he treats me like I'm his little sister. Matthew and I are not interested in a relationship,” Carmela answered, making the audience sighed in confusion.“What, exactly, can you say about the popular photo of the two of you? Matthew kissed you on the forehead when you were both dining at the same restaurant, and one of the photographers saw it. We find it too sweet, but we do like how Matthew treated you,” The emcee added another question.Napangiti na lamang si Carmela sa narinig niya. Marami naman ng naka-witness kung gaano nga ba kalambing si Matthew sa kanya ngunit alam naman niya na mali ang iniisip ng mga manonood sa kanilang dalawa.Naging successful ang interview ni Carmela
Nanglaki ang mga mata ni Bernadette sa kanyang narinig. Hindi niya alam kung ano ba ang sinasabi ni Lance dahil hindi siya aware.“What are you talking about, Lance? Bernadette was not married,” hindi na napigilan na sumabat ni Matthew dahil sa sinabi ng kanyang kaibigan.“I'm not talking to you, so stop talking,” galit na sabi ni Lance. Hindi niya talaga inakala na limang taon ng parating kasama ni Matthew si Bernadette. Nagseselos siya dahil kaibigan niya ito.“Woah! Nagulat lang kami sa sinabi mo, at saka kahit si Bernadette, hindi niya alam na kasal siya,” biglang sabi ni Matthew.Tumingin naman si Lance kay Bernadette na may pagtataka sa mukha nito. Nakaramdam siya ng sakit sa kanyang dibdib. She is sorely missed by him. He is constantly questioning whether or not he treated her improperly. Why did Bernadette leave him? They were bound by a contract! He was also inwardly proud of what he accomplished three years ago. Lance convinced Bernadette to marry him while she was drunk beca
Nagkaroon ng katahimikan ngunit hindi napansin ni Joseph at Wendy iyon. Masyado silang focus sa isa't isa kaya hindi nila napansin ang pasimpleng tingin nila Darwin kay Carmela.Naging matured ang mukha ni Joseph. Dati ay mahilig itong ngumiti at magpa-cute kung kani-kanino ngunit ngayon ay walang makikita na kahit ngisi sa mukha nito. Malaki ang kanyang pinagbago at isa na roon ang pagkakaroon ng malaking pangangatawan. Halatang iniingatan nito ang figure niya na mas kitang-kita sa suot nitong pang-business suit.“Nakita ko kasi si Lance kaya lumapit ako rito. Hindi ba kasi niyayaya natin siya kanina,” malambing na paliwanag ni Wendy kay Joseph. Ngumiti pa ito ng matamis sa seryosong si Joseph na nakatingin lamang sa kanya.Nang narinig ni Joseph ang paliwanag ni Wendy saka naman siya sumulyap sa mga kasama ni Lance sa lamesa. Nakita niya sa gilid si Carmela ngunit hindi niya na lamang binigyan pansin. Masyadong malamig ang mga mata ni Joseph ng nakita sila.“Mas maganda na huwag na