Share

Ch. 103

Pagkaalis nina Atanasha at Kuya Roy ay napag desisyonan ni Red na mahiga muna sa sofa. Nagpaalam din naman siya kay Maris na iidlip muna saglit dahil sobrang bigat na ng kanyang talukap. Tumango naman si Maris, "Sige po, Kuya. Manonood nalang po muna ako sa TV." Usal ni Maris.

Wala pang sampung minuto ay maririnig na ang paghilik ni Red. Agad na pinatay ni Maris ang TV at nag lakad papalapit kay Red. Pinagmasdan niyang maigi kung natutulog na ba talaga ito. Napasulyap din siya kay Manang Fe at nakitang mahimbing na din ang pagkakatulog nito.

Nakaramdam ng kaba si Maris at nagpalakad lakad sa loob ng kwarto habang pinag iisipan ang kanyang sunod na gagawin. Napakagat pa siya ng kanyabg kuko habang nakatingin pa rin kay Red. Matapos ang tatlong minutong paglalakad ay dahan dahan siyang umupo sa ulonan ni Red. Pinagsiksikan niya ang sarili niya roon at ng maka upo na ay 'saka niya dahan dahang iniangat ang ulo ni Red at ipinatong sa kanyang hita.

"Hmm…"

Bigla na lamang bumilis ang tibo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status