Atanasha Matapos ang unang meeting namin with Lawyer Bueno ay may mga sumunod pa ito, hindi rin naging madali ang mga pinagdaanan namin sa mga nakalipas na linggo at sana ay mapatunayan na, na inosente talaga ako at hinding hindi ko magagawang manduga sa ganoong kalaking patimpalak. Saturday nga pala ngayon at usapan namin ni Red ay tuwing Saturday ay magkikita kami kaya naman maaga akong gumayak at talaga namang pumili ng magandang damit para sa date namin ngayong araw. Excited na ako dahil balak naming mag out of the country ngayon, well alam ko ang iniisip niyo, kung nakapagpaalam na ba kami kila mommy and daddy, the answer is yes! Kaya sobrang saya ko talaga ngayong araw dahil kasabay na rin ito sa celebration ng anniversary namin ni Red. Akalain mo yun? Aabot pa pala kami sa araw na ito. Parang kahapon lang nung una ko siyang nakilala sa bar. Hindi pa rin talaga mawala wala sa isip ko kung gaano siya kagwapo noong mga oras na iyon. Talagang laglag panty, mars! Kaya naman hindi
Gabi na nang makauwi si Red mula sa kanyang inasikasong bagay para sa kaniyang surpresa sa kanilang anniversary ni Atanasha. Nang makauwi ay na upo muna siya sa sofa at isinandal ang likod sa sandalan upang doon ay makapagpahinga muna saglit. Matapos ang mahigit kalahating oras ay napag desisyonan niya ng tumayo at ihanda ang kaniyang maleta na dadalhin sa kanilang magiging out of the country ni Atanasha. Inilapag niya ito sa mesa at isa isang inilagay ang kanyang mga gamit doon. Isang maleta lamang ang kanyang balak dalhin kaya naman maigi niyang pinagkasya ang lahat ng kanyang importanteng gamit. Habang abala sa pag aayos ay bigla na lamang kumalam ang kaniyang sikmura, naisipan niyang umorder mun ng pagkain kaya naman agad niyang kinuha ang kanyang phone at na upo sa sofa at nag hanap na ng pagkaing kanyang kakainin sa gabing ito. Nang matapos ay ilalapag niya na sana ang kanyang phone sa sofa ng bigla na lamang itong tumunog, hudyat na may nag message sa kanya. Napangiti pa siya
AtanashaMatapos kong malaman na umalis na sa hotel si Red ay nag madali agad akong makauwi sa mansion. Habang papauwi ay patuloy ko pa ring sinusubukang tawagan si Red ngunit hindi ko talaga siya matawagan.Ano ba ang nangyayari? Bakit niya kailangang umalis ng walang paalam? Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nangyayari ang mga bagay na ito… at isa lang ang makakasagot sa akin, si Red lang…Nang makauwi ako sa mansion ay agad kong hinanap kung nasaan sila mommy at daddy. Bumalik ako sa massage room ngunit wala na sila roon, "Ate, alam niyo po ba kung nasaan sila mom and dad?" Tanong ko sa kasambahay na nakasalubong ko."Hindi po ako sigurado ma’am pero subukan niyo pong tignan sa office nila,” Sagot naman niya sa akin.“Okay po, than you!” Nakangiti namang pagpapasalamat ko.Nagmamadali kong tinungo ang office nina Mommy at Daddy, nang makarating ako ay hindi nga nagkakamali ang kasambahay dahil nandito nga sila. Mukhang abala ang mga ito sa kanilang pinag uusapan dahil hindi m
AtanashaHindi ko na maintindihan ang mga nangyayari. Lumabas ako ng kotse at nilapitan ang kumpanya. Ngayon, nakakasigurado na talaga akong nakasara ito. Nasaan ang mga tao dito?Kinuha ko ang aking phone sa aking bag at muling tinawagan si Red ngunit hindi ko pa rin talaga siya ma contact.Nasaan ka ba Red Caden Buenavista?Parang may biglang ideya na lamang ang pumasok sa utak. Bigla ko na lamang naalala si Miss Dein, bakit hindi ko nga ba naisip kanina yun? Si Miss Dein lang ang kaisa isang taong pinagkakatiwalaan ni Red bukod sa akin, kaya paniguradong alam niya kung nasaan si Red. Agad kong hinanap ang contact number ni Miss Dein sa aking phone at nang makita ito ay hindi na ako nag dalawang isip pa, pinindot ko ang call icon at taimtim na naghintay na sagutin niya ang aking tawag.[Ma’am Atanasha?] "Thank, God! sumagot ka rin sa wakas, Miss Dein, I know hindi ko na dapat sayo itinatanong sayo to dahil ako ang asawa pero… Alam mo ba kung nasaan si Red? Bigla nalang siyang nawa
Atanasha"Well, well, well, look who's here!" Nakangising sambit ng mama ni Red."Madam Buenavista, hindi ako nag punta dito para gumawa ng gulo. Gusto ko lang makausap si Red at masiguradong ayos lang siya," seryosong usal ko."At sino ka naman para pagbigyan kita sa bagay na iyan? Burol ito ng asawa ko at may karapatan ako kung sinong tao lang ang pwedeng makapasok dito, at ikaw Atanasha, wag ka ng umasa na hahayaan kitang makapasok ni katiting niyang sandals mo rito sa loob. Umalis ka na!" Inis na usa ni Mrs. Buenavista ngunit hininaan niya ito ng kaunti upang hindi marinig ng ibang tao."Bingi ka ba, Atanasha? Auntie said na umalis ka na." Dagdag naman ni Sofia.Hindi ko siya pinansin at iniwasan na lamang ito at nag lakad papasok ngunit bigla na lamang siyang humarang sa aking harapan at itinulak ako ng malakas. Mabuti nalang at agad akong nasalo ng aking bodyguard. Agad itong humarang sa amin ni Sofia, "Gawin mo pa ulit yun at makakatikim ka sa akin." Hindi ko alam pero parang
Lumipas ang mga araw at dumating araw kung saan kailangan ng ilibing ang papa ni Red. Nais ni Red na ipa cremate ang kanyang ama na hindi naman na tinutulan ni Mrs. Buenavista. Ang mga labi naman ni Mr. Buenavista ay nais ni Red na mailagay sa mansion, dahil para sa kanya ay ito ang lugar kung saan lumaki ang kanyang ama kaya naman nararapat lamang na roon din iyon mailagay. Pinagawan nila ng pwesto ang abo ni Mr. Buenavista at sa likod naman nito ang napakalaking portrait niya.AtanashaKakatapos lamang ng pari sa pag dadasal dito sa mansion para sa papa ni Red. Kanina pa siya nakatayo sa harap ng kanyang ama at hindi manlang niya nagawang gumalaw o ma upo na muna. Nilapitan ko siya at hinawakan ang kanyang balikat bago siya bigyan ng isang mahigpit na yakap. Alam kong sa mga oras na ganito ay kailangang kailangan niya ng mga yakap galing sa akin."Are you okay, Love?" Bulong na tanong ko sa kanyang tenga.Ngumiti naman ito ngunit kitang kita pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata. T
"Yung kapatid ko, Love. Paano ko na mahahanap ang kapatid ko ngayong wala na si Dad?" "What? Oh my God! Nawala sa isip ko yun…" Agad akong napabangon at kumalas naman si Red sa kanyang pagkakayakap sa akin. Nagpabalik balik ako sa paglalakad sa harap ng aming kama habang iniisip ang napaka seryosong bagay na ito. Paano nga ba nawala sa isip ko na isinekreto nga pala ng kanyang ama ang lugar kung saan itinago ang kapatid niya upang ilayo sa demonyita niyang ina… "Kaya ka nagkakaganyan…" usal ko habang hindi pa rin tumitig sa paglalakad. "Paano ko na siya mahahanap? Ilang beses ko nang sinubukang hanapin siya pero palagi akong bigo. Hindi ko alam kung gaano kalayo rito ang lugar kung saan niya tinago si Dalia," problemadong usal ni Red. Tinitigan ko naman siya at halata sa mukha niya na kailangan niya muna talagang asikasuhin ang sarili niya. "Love, alam kong napakalaking problema nito pero kung gusto mong mahanap pa ang kapatid mo ay kailangan mo munang unahin ang sarili mo. Look
"I want you to give me everything that you know about his sister, Dalia?" Sambit ko kay Miss Dein. Natahimik ito ng saglit na para bang ikinagulat pa nito ang biglang pag banggit ko ng pangalan ni Dalia, ang nawawalang kapatid ni Red. [Ma'am, pwede ko po bang malaman kung para saan niyo gagamitin ang mga impormasyon na ibibigay ko sa inyo? Iniutos po ba ito ni Sir?] Balik niya namang tanong sa akin. "May kailangan lang kasi akong gawin… Alright, ganito kasi, si Red gusto niyang mahanap kung saan itinatago ng Daddy niya ang kapatid niya at gusto ko sana siyang tulungan sa bagay na iyon." Sagot ko naman sa kanyang tanong. [Hinahanap po ni sir si Dalia? Kaya po pala may hiningi siyang number ng private investigator kagabi sa akin… Ipapadala ko agad sayo kapag nakalap ko na lahat ng impormasyon. Susubukan kong mabigay agad bago matapos ang araw.] "Great, isesend ko ang email ko sayo. Ikaw na ang bahala, okay? Thank you, Miss Dein!" Pagpapasalamat ko sa kanya bago pinatay ang tawag. N