Share

KABANATA 4.

Cameras flash everywhere. Ngunit ang bawat kislap ng camera ay hindi niya napagtuunan ng pansin. Nakapako ang kanyang tingin sa lalaking naka-upo sa kanyang unahan.

Her heart raced its beat as she and Andres's eyes locked with each other. Sumasabay sa bawat tunog ng pag-click ng camera ang pag-tibók ng puso. Ang titig ng binata ay tila may hatid na isang malakas na enerhiya na humihigop sa kanyang buong kamalayan.

Isang malakas na sipol mula sa kung saan ang nagpabalik sa kanyang diwa. She automatically averted her face from Andres and turned her back. Swabe siyang umikot.

Having eye contact with her twin fiance suddenly makes her world stop for a moment and it even makes her heartbeat, beat weirdly. Bakit ganon? Bakit ganun ang epekto ng lalaki na iyon sa kanya?

Despite the tension in her entire being she still managed to compose herself and do her ramp walk confidently. Pagdating sa dulo. Muli ay humarap siya sa lahat ng panauhin na naroon sa gabing iyon.

Lumabas mula sa likuran niya ang iba pang kasamahan na modelo kasama ang sikat na designer na si Luca Bianchi na siyang may obra sa lahat ng damit na inirampa ng mga modelo sa gabing iyon.

Napapagitnaan siya ng lahat. Katabi niya si Luca Bianchi. Kapagkuwan ay sabay-sabay na rumampa muli tungo sa gitna. Tumayo ang lahat kasabay ng umalingawngaw na palakpakan.

Nagbigay ng speech si Luca Bianchi, ngunit wala sa speech ni Luca Bianchi ang kanyang atensyon. Dahil sa muling pagtayo niya sa gitna, ay nararamdaman niya ang pagtitig ni Andres sa kanya. Titig na tila yumayakap sa kanyang buong katawan.

Andres's gaze makes her feel intimidated.

Hinihiling niya na sana matapos na ang event. Ramdam na niya ang pangangatog ng mga binti. Hindi lang dahil sa hindi siya sanay sa pag-suot ng high heels at humarap sa maraming tao kundi dahil narin sa presence ni Andres Montefalcon. Malaking factor talaga sa kaba at pangangatog ng tuhod niya ang presensya ni Andres.

Isa lang ang alam niyang dahilan kung bakit sobrang nate-tense siya sa presence nito. Kinakabahan siya dahil sa pag-aalala na baka hindi niya magawa ng tama ang pagkukunwari sa harap ng binata ayaw niyang mabuko siya nito ng wala sa oras.

Kailangan pa ni Serenity na magpa-chemo. Ayaw niyang matigil ang pagpapagamot ng kambal. Sana lang bago ang nakatakdang kasal nito kay Andres ay bumuti kahit papano ang katawan at pakiramdam nito.

Gusto niyang makita itong masaya na naglalakad sa Altar habang nakasuot ng magandang trahe de boda. Sigurado siyang ang kambal ang pinakamagandang bride kung sakali.

After the event ay agad siyang dinumog ng mga taga press. Hindi siya tinantanan ng nag-kikislapan na camera. Napapa-pikit siya at napapaiwas ng tingin mula sa nakakasilaw na kislap ng camera.

Hindi siya sanay sa ganitong sitwasyon. Ngunit wala siyang magawa kundi ang harapin iyun. Pinalibutan siya ng ilang matitipunong lalaki na sa hinuha niya ay mga gwardiya. The men blocked the press from getting near her.

“You made it! Congratulations, Destiny…” pabulong na ani ni tita Catalina.

Hinawakan siya ni Tita Catalina sa braso at marahan na hinila. Iginiya siya nito tungo sa dressing room. Akala niya pagdating niya sa dressing room ay wala ng press. Ngunit nagkakamali siya.

“Relax, sila ang napili ni Andres na mag interview sayo. Just answer the question confidently, isipin mo nalang na nakikipag-kwentuhan lang ang mga iyan sayo na para lang kayo nasa tabi ng kalsada at nag tsitsismisan.”

Upang matapos na ay sinunod niya ang sinabi ni tita Catalina. Humarap siya sa press kasabay ng pilit na ngiti sa mga labi. Malawak ang dressing room na iyon at samu’t-saring bouquet ng bulaklak ang naroon. Mga bulaklak na nanggaling pa sa kanyang mga tagahanga.

Tulad ng sinabi ni Tita Catalina. She faced the press with confidence. Ngunit sa loob-loob niya ay tila may libo-libong daga ang nagrarambulan sa dibdib.

‘Sana hindi makita ni tiya ang interview na ito. Lalo na ang tiya Rosa.’

Piping dalangin niya.

Alam niyang pwede siyang magkunwari bilang si Serenity sa harap ng ibang tao. Ngunit hindi sa tiya Rosa at tiya Rina. Siguradong mag-aalala ang mga iyun lalo na si tiya Rosa.

“Miss Serenity, totoo ba na ito na ang panghuling rampa mo sa fashion runway?” Tanong ng babaeng reporter.

She smiled. “Yes, ito na po ang huli.” Tugon niya na nilakipan ng tango habang nakapagkit sa labi ang ngiti.

“Dahil po ba ito sa nalalapit niyong kasal ni Mr. Andres Montefalcon? Hindi na po ba magbabago ang isip niyo? Alam naman natin na isa kayo sa mga modelo na hinahangaan sa ating bansa. Hindi lang sa ating bansa kundi international.” Tanong uli ng isang lalaking reporter.

She took a deep sigh and then smiled. She maintains a smile on her face. Ngunit sa totoo lang. Nangangawit na ang mga panga niya. Ang hirap magkunwari. Ang hirap manloko ng kapwa.

Ang pagbuka ng labi ay naudlot ng bumukas ang pinto ng dressing room. Iniluwa sa bumukas na pinto ang taong isa sa naging dahilan ng matinding kaba na kanyang nararamdaman.

Andress was standing next to the door. Isinara nito ang pinto at sumandal doon. Pinagkrus nito ang mga braso sa dibdib at pagkatapos ay tuwid na tumitig sa kanya.

God.

Here is her heart again. Bumilis muli ang tibok ng dibdib. Tibok na nagpabagal ng kanyang paghinga. Nanlamig ang kanyang buong katawan at tila muling tumigil ang pagpitik ng orasan at muling tumigil ang pag-ikot ng mundo para sa kanya.

Those eyes.

Those pairs of icy-blue eyes were so deep, deep as a blue ocean. Tila iyon magnet na humihila sa kanyang kamalayan. She felt hypnotized while staring back at those pair of icy-blue eyes.

“Miss Serenity!”

Napapitlag siya. Ang pagtawag ng isa sa mga reporter ng pangalan niya ang dahilan upang mapukaw ang na hipnotismong diwa.

Umangat ng kusa ang kanyang kanang palad at dumapo iyon sa dibdib sabay marahang hinilot ang dibdib. Naghuhurmintado ang sa pagtibok ng mabilis at malakas ang puso.

“S-Sorry!” Utal na hingi niya ng paumanhin.

“Forgive my fiance, hindi pa rin siya sanay sa kagwapuhan ng mapapangasawa niya.” si Andres.

His voice. His voice was deep and baritone and it sounded euphonic in the ear. Mahina itong tumawa ng hindi inaalis ang pagtitig sa kanya. Maging ang mga mata ay sumasabay sa pagngiti ng mga labi.

Ipinilig niya ang ulo at pinilit na iwinaksi ang kung ano man ang nasa-isip. Bakit ba lahat nalang na galaw ng lalaking iyon ay iba ang hatid sa kanyang sistema? Bakit ba siya nakaramdam ng ganito?

‘Kinakabahan ka lang, Destiny! Umayos ka, baka mahalata ka na hindi ikaw si Serenity. Umayos ka!’

Kastigo niya sa sarili.

“W-What's the question again?”

Everyone laughs. Umalingawngaw ang tawanan sa loob ng silid na iyon. Nakaramdam tuloy siya ng hiya. Nararamdaman niya maging ang pag-iinit ng magkabilang pisngi.

“Halata nga na inlab si Miss Serenity sayo, sir, Montefalcon!” Umiiling na wika ng lalaking reporter na bahagyang nilingon pa si Andres. “Pati tuloy ang tanong ko nakalimutan ko na rin.” Reklamo pa nito na napakamot sa batok.

Mas lalo tuloy siya nakaramdam ng hiya.

“Kaya po ba kayo tumigil sa pagmomodelo ay dahil po ba sa nalalapit nyong kasal kay Mr. Montefalcon? Hindi na po ba magbabago ang isip nyo?” Muling tanong ng reporter.

“Ahmm, I've been in the industry for thirteen years. I started my modeling career at a young age. Mahal ko ang pag-momodelo ngunit mas mahal ko ang pamilya ko.” She pauses for a moment.

Lumingon siya kay Tita Catalina at ngumiti. Kapagkuwan ay nilingon niya si Andres na ngayon ay nanatiling nakasandal sa pinto at nakatitig sa kanya. Kung kanina ay nakangiti ito, ngayon ay hindi na. Malamlam ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Nag re-reflect sa asul na mga mata nito ang matinding pagmamahal at paghanga.

Paghanga at pagmamahal para kay Serenity. Deep inside her. Sobrang nagpapasalamat siya dahil mayroong isang Andres Montefalcon na nagparamdam sa kapatid ng tunay at wagas na pagmamahal.

“I am a person who is willing to set aside everything for the sake of my family and for the sake of the man I love. They are my real happiness and the most important things in this lifetime.” Sinabi niya ang mga katagang iyon bilang si Serenity at hindi bilang si Destiny.

Habang binibigkas ang mga katagang iyon. Nagawa niyang hindi alisin ang pagtitig kay Andres. She saw him swallowed. Kapagkuwan ay malapad itong napangiti.

He then mouthed the word. “I love you!”

Natapos na ang maikling presscon. Kasabay ng pagkatapos ng presscon ay tuluyang pagbigay tuldok sa modeling carrier ni Serenity.

‘Nagawa ko Serenity, nagawa ko!’

Piping sambit niya.

Lumapit sa kanya si Tita Catalina. Niyakap siya nito. “You did it well, I am proud of you!” Bulong nito sa kanya. “Pagkatapos nito. Babalik na tayo sa bansa, upang makasama si Serenity. Kailan ako ng anak ko. Iiwan na kita sa kanya. Remember. Sa oras na ito. Hindi ikaw si Destiny. Ikaw si Serenity!” Wika pa nito.

Halos takbuhin niya si Tita Catalina ng bumitaw ito sa kanya at humakbang palayo. Hindi niya alam kung ano ang gagawin sa mga oras na iyon.

She was left alone with Andres in the room. Nanlamig ang buo niyang katawan. Hindi niya alam kung ano ang gagawin sa mga oras na ito.

Halos magiba ang dibdib niya dahil sa malakas na tibók ng puso ng makitang humakbang papalapit sa kanya si Andres. Gusto niyang humakbang paatras ngunit ang paa ay tila ipinako sa kinatatayuan.

“I miss you, love. I miss you so, so bad!”

In the blink of an eye. She found herself caged in the arms of Andres. Napahakbang siya paatras habang ito ay pasulong na humahakbang. Hanggang sa ang kanyang likuran ay tumama sa matigas na pader.

Bumitaw si Andres sa pagyakap sa kanya. Ngunit ang mga malapad na mga palad ay dumapo sa kanyang magkabilang pisngi. He cupped her face and with a second thought, he claimed her lips.

Bigla ang pagtigil muli ng mundo para sa kanya. Naimulat niya ng malaki ang mga mata at tila tuod sa kinatatayuan. Masuyo ngunit may panggigil na hinalikan siya ni Andres. His lips were soft and sweet, marahan nitong s******p ang kanyang labi. He kissed every inch of her lips and nibbled them sensually.

Napahawak siya sa magkabilang tagiliran ni Andres. He wanted to push him. “Mali ito. Hindi ito pwede!” Sigaw ng utak niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status