***"Brother, smile na mula. Mamaya mo na pagpantasyahan si Miss Elizza. Dahil kailangan nating gumawa ng plano upang mapakulong ang mga hayop na iyon." Baling ni Kyle Brielle sa kambal na hindi maipinta ang mukha."Tsk! Tsk! Baka ikaw ang may type sa kaniya, kambal? Bakit mo ba ipinapasa sa akin?" Ingos nito sa kaniya."Correction, Kuya. Ang sabi ni Kuya KB ay mamaya mo na pagpantasyahan hindi niya sinabing may gusto ka. Aba'y baka naman mayroon ka talagang gusto kay Miss Elizza?" Panunukso pa ni Owen Liam na agad ding ginatungan ng kambal niya."Elizza Hailey Young, hmmm... Kung hindi ako nagkakamali ay hindi apelyidong Pinoy. Saka wala namang problema kung magkagustuhan kayong dalawa. Well, masungit ka sa kaniya at taklesa naman siyang humarap sa iyo. Kaya't quits na kayong dalawa." Nakangisi rin nitong pang-aasar.Kaya naman ay kahit nasa loob sila ng sasakyan ay maugong na tawanan ang ang pinakawalan nilang apat. Subalit nagseryoso sila. Dahil kailangan nilang makagawa ng maganda
"So, how it did go? I mean, ang mga mapaglinlang na tao," ani Isadora sa anak na sumama sa Camp Villamor.Nang nasa aktong tatakas na sana ang mga ito ay eksakto ring pagdating ng mga taga-Camp Villamor kaya't ipinaubaya na nila sa mga ito ang full investigation ukol dito. Sasang-ayunan at igagalang nila kung ano man magiging desisyon ng mga alagad ng batas."Maari na tayong mag-relax, Mommy. Maghapon lamang naganap pero animo'y ilang buwan. Lintik kasi ang mga iyon eh. Kung humingi na nga lang sana sila ng tulong ay wala namang problema. Kaysa ang idinaan pa nila sa papikot-pikot, huh!" Napailing na sagot ni Ian Jeremiah.Paanong hindi siya mapapailing samantalang animo'y mga sira-ulo ang mga ito na basta na lamang sumugod. Mabuti sana kung totoong nagalaw niya ang kasintahan ngunit hindi naman. Dahil kahit kailan ay hindi sumagi sa isipan niya ang bagay na iyon. Isa pa iyon sa naging depensa niyang inosente siya sa paghahabol ni Mariel.'Hindi man lang sila nag-isip ng mas convincin
Few months later..."Congratulations mga anak. Akala ko ay uunahan na naman kayo ng mga nakababata ninyong pinsan na mag-asawa," masayang pahayag ni Crystal Angela habang nakalahad ang mga palad."Wala naman pong problema kung mauna silang mag-asawa, Mama. Ang mahalaga ay Walang tatandang binata sa lahi natin." Nakatawa ring yumakap si Gabrielle Brix sa tiyahing hindi siya pinatawad. Nasa simbahan pa lamang sila ngunit nangangantiyaw na. Kaya nga yumakap siya rito kaysa tanggapin ang nakalahad nitong palad upang kamayan siya."Hindi na nakapagtataka kung mahuling mag-asawa ang mga anak ni kambal, bunso. Dahil siya naman talaga ang huling nag-asawa sa ating tatlo." Panggagatong pa ni Claudette. Kaya't mas umugong ang tawanan nila. Kahit ang ilang nasa paligid nila ay nakitawa na rin.Kaya naman mas hindi nakapagsalita si Duncan. Dahil totoo naman kasing silang mag-asawa ang huling ikinasal sa kanilang magkakapatid. Kung sino ang bunso ay ito pa ang naunang nag-asawa. Kaso kung kailan n
***"Magandang gabi po, Tita. Maari ko po bang makita si Kylie Rose?" tanong ng bagong dating na babae."Same to you, Hija. Bago ko sagutin ang tanong mo ay magtatanong din ako. Sino ka ba? Bakit mo kilala si baby Kylie? Paano mo nalamang nandito siya sa pagamutan?" sunod-sunod ding tanong ng Ginang."Sure, Tita. At sasagutin ko po ang lahat ng mga iyan. Juliette Joyce Cordova ang pangalan ko. Nakadaupang-palad ko ang mag-amang Kyle Brielle at Kylie Rose sa park few months ago. Ngunit matagal ko ng kilala si KB dahil kamag-aral ko sila ng kambal niya noong nasa sekondarya pa lamang kami. Subalit naghiwalay ng landas noong nagtungo ako sa UK at doon nagpatuloy sa pag-aaral. And accidentally few months ago I met him and his daughter. Nalaman kong nandito ang anak niya dahil ako ang general pediatrician dito sa hospital. Kaya ko nalaman ang room number ninyo ay nakita ko ang admission papers ni Kylie Rose," mahaba-habang pahayag ng dalagang doktora.Natigilan si Isadora dahil sa naging p
"Huwag n'yong sabihing excluded ako sa misyong binabalak ninyo?" tanong ng tinig na nagmula sa kanilang likuran."Kuya!""Kambal!"Sabayan nilang sambit saka patakbong lumapit dito. Saka mag-unahan sanang yayakap kaso pabiro rin itong tumakbo sa hagdan upang aakyat sana sa ikalawang palapag ng kabahayan."Wait for your turns, my dear brothers. Dahil ako ay yayakap muna kina Mommy at Daddy," saad pa nito.Kaya naman ay nagkatinginan silang tatlo. At bago nito mahulaan ang nais nilang sabihin ay tinawid na rin nila ang pagitan saka ito hinila pabalik sa upuan."Tsk! Tsk! Huwag kang mag-isip na nasa alapaap ka, brother. Dahil alam mo namang sa ganitong oras ay tulog na sina Mommy at Daddy with my beloved kid," nakangising ani KB."Kami na muna ang makibalita sa iyo, Kuya. Alright, ano may nabuo na ba?" mapang-asar ding saad ni Ian Jeremiah.Kaso sa tinuran nito ay agad na sinapak ng kambal."Tsk! Tsk! Ano'ng akala mo sa bagay na iyan, kambal? Porke't nagpulot-gata na sila ay nakabuo agad
"Why you people are following my Boss?" tanong ng lalaking humarang sa magkakapatid."Ha? Sigurado ka? Aba'y public cemetery ito ah...!" Taas-kilay ding hinarap ni Ian Jeremiah ang humarang sa kanila."I know and I am aware of it. And I also know that you are not here to visit any grave. Since you entered this place you directly came here," anitong muli."Alam mo naman pala eh! Tumabi ka kung ayaw mong samain sa akin. Mali ka dahil pumarito kami upang dalawin ang Mommy ng pamangkin ko!" singhal na rin ni Owen Liam.Hindi naman sa hindi siya marunong mag-english dahil mas mataas pa ang grado niya sa English kaysa Filipino. Ngunit naaalibadbaran siya sa pagkakataong iyon. Aba'y English ito nang English samantalang tagalog naman sila."Bro, ako ang ama ni Kylie Rose Brielle Gomez De Luna. At tama ang mga kapatid ko, nandito kami upang dalawin ang puntod ng Mommy niya. Huwag kang mag-alala dahil mga propesyonal kaming kausap." Alam niyang nawawalan na ng pasensiya ang mga hapatid niya kay
ACCIDENT, SHADOW AND ISKALAWAG"Huwag, anak. Huwag mong gawin iyan. Dahil oras na gamitin mo ang pagiging general mo upang gantihan ang nagkasala ay wala ka na ring ipinagkaiba sa kanila!" Mariing pagsalungat ni Duncan sa pamangking si Prince Tommy nang ipinahayag nitong tanggalin sa trabaho ang mga suspek sa pagka-ambushed ng anak niyang si Kyle Brielle."I'm sorry to tell you these words too, bayaw. Ngunit hanggang sa huli ay makatao ka pa rin. I mean it, bayaw. Anak mo ang agrabyado ngunit si Tommy pa rin ang iniisip mo," ani Allick Francisco sa pinsan ng mahal na asawa."Wala naman kasing mangyayari kung pananaigin natin ang galit, bro. Tama, bilang magulang ni Kyle Brielle ay masakit at shocking news ang nangyari sa kaniya samantalang hindi naman siya pala-away na tao. Ngunit kagaya nang sinabi ng asawa ko ay wala na tayong ipinagkaiba sa mga suspek kung gantihan natin sila kagaya nang ginawa sa atin. Instead, gawin nating legal. Advantage na rin nating si Prince Tommy ang genera
"Damn that man! Let's go!" Sa galit ay biglang napatayo si Duncan. Ngunit dahil nasa pagamutan ay agad naharang ng mga anak."Daddy, hayaan mo na ang youngsters na kumilos. Si insan General na ang bahala sa hayop na Major Kernel na iyon. Dahil kung kikilos tayo as family ay revenge ang tawag doon. Ngunit kung si General ay hindi kundi military disciplines---""Tsk! Tsk! Mali ang ginamit mong salita, kambal. Military action kamo or punishment for being a greedy traitor." Nakangising pamumutol ni Ian Jeremiah sa kambal na humarang sa amang namumula sa galit.Tuloy! Ang pasyente nilang sightless ay napahagikhik. Kahit hindi ito nakakakita ay nauunawaan naman ang usapan. Kaya't hindi nila ito masisisi kung nakitawa sa kanilang harutan.Kaso!"Daddy! Kylie Rose Brielle is here!" Bigla na ngang bumukas ang private room door ay tumili pa ang maglimang taong gulang na bata."Grabe naman ang energy mo, baby girl. Did you sleep well with your Mama Elizza?" masayang salubong ni Isadora sa apo.