Share

Chapter 14

NAGING masaya ang relasyon ng dalawa at wala nang mahihiling pa si Kaye, binigyan siya ng guwapo, mabait, mapagmahal at bunos na ang pagiging mayaman ng boyfriend niya. Hindi siya nito nakaliligtaang bigyan ng bulaklak at kung minsan ay pinapadeliver pa nito. Araw-araw din siyang kinikilig dito. Paminsan-minsan ay lumalabas din sila. Nakilala na rin nito si Pinky, na tulad niya ay kinikilig din kay Earl.

Mag-isa ngayon siya sa condo, maagang pumasok si Earl at kapag mag-isa siya'y inaabala niya ang sarili sa paglilinis at kung anong gawain ang inaatupag niya. Kahit nalinisan na niya ang bawat sulok ng unit ay inuulit niya para lamang hindi mapansin at mapadali ang takbo ng oras. May sabik sa kanyang puso ang muling pagbalik ni Earl.

"Hmm, ano kaya ang masarap para sa hapunan?" tanong niya habang pinagmamasdan ang loob ng freezer.

Nang maisip na kung ano ang lulutoin ay agad niyang inilabas ang karne, inihanda ang mga sangkap kahit alas-tres pa lang ng hapon. Habang naggagayat ng mga
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status