Share

Chapter 11

TARAH

After entering the code I pushed the door open. Ginabi ako ng kaunti sa pag-uwi dahil dinaan ko pa ang Cafe kanina para abisuhin si Neana na papasok na ako bukas. Wala pa akong inom mula kaninang alas dos. Deretso ang lakad ko sa kusina. Uhaw na uhaw na ako!

Naestatwa ako nang marinig ang boses ni Ezekiel. Nakauwi na siya? Kalahati palang ng kusina ang nakikita ko. Bigla ay sumulpot siya may dalang tasa na agad niyang ibinaba sa mesa. Nakaipit ang telepono sa kaniyang tenga at balikat. Lalo akong nanigas nang dumapo ang aking tingin sa kaniyang hubad na katawan.

Nabingi ako. Nilamon ng malakas na pintig ng aking puso ang kaniyang boses. Unti-unting nanuyo ang aking lalamunan sa paglandas ng aking tingin mula sa kaniyang leeg pababa sa kaniyang matipuno at mabalahibong dibdib, napabilang sa kaniyang pumuputok na walong abs at nanghina nang dumulas ang aking tingin sa kaniyang V line.

Hinila ko ang mga mata at ang aking ulirat pataas bago pa kung saan mapunta iyon at tuluyang lu
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status