Share

Chapter 27

CELINE

"Ano'ng ginagawa mo ditong babae ka, huh? Bakit ka nandito sa burol ng daddy ko?! 'Di ba sinabihan na kita na huwag kang pupunta dito? Bakit ka nandito, huh?! Ang tigas talaga ng bungo mo. Hindi ka marunong umintindi sa sinasabi sa 'yo!" singhal niya sa akin. Galit na galit siyang nakatingin sa akin. Wala akong pakialam kung galit siya.

Bago ako sumagot sa kanya ay huminga muna ako nang malalim. Alam ko na magtatalo na naman kaming dalawa nito kaya hindi ako papayag na insultuhin na naman niya ako. Sasagot-sagutin ko siya. Sobra na 'tong ginagawa niya sa akin.

"Kailangan mo pa ba akong tanungin kung ano ang ginagawa ko dito, David? Talagang 'yon pa ang tanong mo?! Hindi mo ba nakikita kung ano ang ginagawa ko dito, huh? Nandito ako para makita ang asawa ko na daddy mo kahit patay na siya. Asawa niya ako at may karapatan akong pumunta dito. Hindi ako puwedeng hindi pumunta, David! 'Wag mo akong pagbawalan, okay? Wala kang karapatan na gawin 'yon kahit anak ka nga niya. May pina
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status