Share

Chapter 49

DAVID

Hindi ako mapakali at makatulog kinagabihan. Walang ibang laman ang isipan ko kundi ang tungkol sa batang lalaki na nakita ko na yakap-yakap ni Celine kanina. Dahil sa hindi ako mapakali at makatulog kinagabihan ay nagpasya akong lumabas sa kuwarto na tinutulugan ko para magpahangin sa labas kung bukas pa ang bahay ni Celine. Kung hindi ay doon na lang ako sa sala magmumuni-muni.

Pagkababa ko sa hagdan ay sakto dumaan si Mia na isa sa mga kasambahay nila. Naisipan ko na tanungin ito tungkol sa batang lalaki na nakita ko kanina na yakap-yakap ni Celine.

"Mia, saglit lang..." tawag ko sa pangalan niya at mabilis naman na lumingon siya sa akin pagkasabi ko.

"Bakit po?" tanong niya sa akin.

Nagpakawala muna ako nang malalim na buntong-hininga bago magtanong sa kanya ng itatanong ko na tanong.

"May gusto lang sana akong tanungin sa 'yo..." mahinang sabi ko sa kanya. Kumunot ang noo niya.

"Ano po ang itatanong mo sa akin?" tanong nga niya sa akin.

"Sino ba 'yung batang lalaki na kasam
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status