Share

Chapter twelve

Napangiti ako ng makita ko si nanay na nakaupo dito sa balkonahe ng bahay namin kaya tinabihan ko siya.

"Nay bakit ka po nandito?" Tanong ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin.

"Mainit kasi sa labas kaya umupo muna ako dito." Sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko kaya napangiti lang ako.

Pero mayamaya pa ay tumayo siya kaya napatingin ako dito at tumayo rin.

"Saan ka po pupunta nay?" Tanong ko sa kanya pero hindi niya ako sinagot at nagpatuloy lang ito sa paglakad kaya sinundan ko na lang siya pero patungo siya sa dagat kaya kinabahan ako.

"Nay!" Tawag ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin kaya napilitan ako na sundan siya kahit may kalaliman na ang dagat sumigaw ako at pilit siyang inaabot pero hindi ko magawa.

"Nanay!" Isang mainit na bisig ang yumakap sa akin habang iyak ako ng iyak kaya dito ako natauhan.

"God Heart akala ko hindi na kita magigising." Nanginginig na turan ni Raphael kaya napaiyak ako lalo.

Nanginginig pa ako ng abutin ko kay Raphael ang gatas na tinimpla
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status