HANGGANG NGAYON nasa isip ko pa rin ang lahat ng sinabi sa akin ni Marcus nang nagdaang umaga. Dahil sa mga sinabi niya, nagkaroon ako ng confusion. Napaisip ako at napatanong sa lahat ng mga narinig ko na hindi ko alam kung ano'ng tamang sagot doon. Kahit ipilit ko sa sarili ko na baka sinabi lang iyon ni Marcus para linlangin ako, hindi iyon tinatanggap ng bahagi ng isip ko. Nandoon pa rin ang confusion na hindi ko maalis.
Parang ang dami ko pang hindi na alam na kailangan kong malaman tungkol sa mga bampira, maging sa mga lobo.
Bumuntong-hininga ako at saka pumikit. Hindi ko alam ang dapat kong isipin. Natatakot ako na baka tuluyan ng lumambot ang puso ko sa mga lobo. Habang tumatagal ako sa village na ito, nararamdaman ko ang simpatiya sa kanila. Nakikita ko ang kasiyahang nararamdaman ng bawat isa na gusto ko ring maramdaman.
"Hello, Ate Syrie."
Mabilis na nagmulat ang mga mata ko ng marinig ko ang boses na iyon ni Yena. Sumampa siya sa kama at a
DAHAN-DAHAN akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa kama at sa pagkakataong iyon hindi na ako nakakaramdam ng matindi sakit, bahagya na lang iyon. Napangiti ako dahil alam kong bukas makalawa maaaring bumalik na sa normal ang lakas ko."Kumusta na ang pakiramdam mo, Syrie?"Napaangat ako ng tingin at nakita ko si Marcus sa pintuan habang nakatingin sa akin. Humakbang siya palapit. Tiningnan niya ang mga paa ko."Pakiramdam ko bumabalik na ang lakas ko," masaya kong pagtatapat.Nag-angat siya ng tingin sa akin, mula sa pagkakatingin mula sa paa ko hanggang sa suot ko na pinahiram lang sa akin ni Rossa. Mabuti nga at halos magkasing laki lang kami ng katawan kaya nagkasya sa akin iyon."Mabuti naman kung ganoon, Syrie ibig sabihin lang niyon na nawawala na ang lason sa katawan mo," paliwanag niya. Hindi ko alam pero may naramdaman akong lungkot sa boses niya. "Alam kong gusto mo na ring makauwi sa inyo."Bumaling ako sa kaniya at kita ko s
HINDI KO pa rin alam kung ano'ng dapat kong isipin sa mga bagay na narinig ko mula kay Marcus at sa lalaking iyon na nagngangalang Trigo. Dapat ko ba silang paniwalaan sa lahat ng sinabi nila tungkol sa bampirang tinuring kong mga magulang at sa sinasabi nilang magulang ko? Ang hirap niyon dahil may bahagi sa isip ko na nagsasabing subukan kong pakinggan si Marcus at ang lalaking iyon.Napabuntong-hininga ako. Tahimik na lumingon ako sa harap ng bintana habang nakaupo ako sa kamang iyon. Maayos na ang pakiramdam ko. Sa totoo nga kaya ko ng bumalik sa bahay pero may kung ano'ng pumipigil sa akin at nagsasabing manatili pa ako sa lugar na iyon. May lungkot akong nadarama sa isiping aalis ako at iiwan ang lugar kung saan nakita ko ang tunay na saya at ang pagtanggap ng mga lobo."Kumusta ka na, Syrie?"Napalingon ako sa lalaking nagsalitang iyon at ganoon na lang ang gulat ko ng makita ko si Colby doon. Hindi ko nakita ang pagkagulat niya na makita ako roon.
HINDI KO NA hinintay pa na magising si Yena sa tabi ko, maging ang iba pang mga lobo bago ako umalis. Maayos na ang pakiramdam ko ngayon at bumalik na sa normal ang lakas ko. Nagsisimula ng lumiwanag ang paligid pero tahimik pa rin ang lahat sa village. Muli akong lumingon kay Yena na mahimbing pa rin na natutulog. Nilapitan ko muli siya at marahang hinaplos ang kaniyang buhok. Alam kong pananabikan ko ang batang ito at ang lugar na ito na nagparamdam sa akin ng mga bagay na hindi ko nararamdaman sa lugar kung saan ako namulat. Bigla na lang pumasok sa isip ko si Marcus. Umiling ako para alisin sa isip ko na pananabikan ko rin siya. Tumayo ako at lumayo na sa kamang iyon. Huling tingin ang ginawa ko kay Yena bago ko tuluyang nilisan ang silid na iyon. May nararamdaman akong bigat habang inihahakbang ko ang mga paa ko palayo sa village na iyon. Sa mahigit pitong araw na pananatili ko roon, napalapit na sa akin ang lugar na nagparamdam sa akin ng tunay na pagtanggap. N
KATULAD NG inaasahan ko, inulan ako ng mga tanong mula kay Vernon at Persuz nang bumalik sila sa bahay ng araw ding iyon kung kailan ako bumalik. Katulad ng isinagot ko kay Trina, iyon din ang sinabi ko sa kanila. Bakas din sa mukha ni Vernon ang pag-aalala sa akin habang hindi ko mabasa ang emosyon sa mukha ni Persuz.Seryosong nakatingin lang sa akin si Persuz na animo'y binabasa ang mukha ko. "Kung sinasabi mong napulot ka ng taong iyon mula sa gubat bakit hindi ka agad bumalik o kaya nama'y gumawa ng paraan para ipaalam sa amin ang nangyari sa 'yo?" patuloy na pag-uusisa ni Persuz na halatang hindi kumbinsido sa mga sinabi ko.Nanliit ang mga mata kong bumaling kay Persuz. "Pinagdududahan mo ba ako, Persuz? Gustuhin ko mang bumalik agad o ipaalam sa inyo ang nangyari, hindi ko iyon magawa dahil wala akong lakas dulot ng lasong nasa katawan ko dahil sa palasong iyon na tumama sa akin," inis kong paliwanag uli sa kaniya."Sino ang lalaking iyon na tumulong sa
TAHIMIK AKONG nakatingin sa maingay na batis na umaagos ang tubig pababa sa kung saan ang tungo niyon. Nalala ko ang mga sinabi ni Volter sa akin. Tama siya, nakakalimutan ko na ang totoong pakay ko. Ang paghihigante. Nawawala ako sa pokus na dapat nandoon lang ang sentro ng isip ko. Dahil sa kakaibang pakiramdam na ipinaparamdam sa akin ng mga lobo, nakakalimutan ko ang pakay ko sa kanila.Bumuntong-hininga ako. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa malaking tipak ng bato. Umihip ang malakas na hangin, pumikit ako at nilasap ang sariwang hanging iyon na yumayakap sa akin na naghahatid ng bahagyang kaginhawahan.Nagmulat ako ng maramdaman kong may ibang tao roon. Nagulat ako at halos hindi makagalaw ng tumambad sa akin si Marcus na halos isang dipa na lang ang layo ng mukha sa akin. Parang tumigil ang paligid. Naririnig ko ang malakas na tibok ng puso ko dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Naaamoy ko na nga ang mabango niyang hininga at ang mainit na h
MULI KONG pinag-isipan kung tama ba ang ang sinabi ko kay Marcus nang nagdaang araw. Handa na ba akong kilalanin ang mga lobo sa likod ng pagkatao ko? Pero sa huli'y naisip kong iyon marahil ang tama kong gawin para tuluyang masagot ang mga tanong sa isip ko tungkol sa pagkatao ko.Bumuntong-hininga ako habang nakatingin sa berdeng paligid mula sa bintana. Nasa sala ako ngayon habang nasa mansyon ang magkapatid na sina Trina at Vernon. Si Persuz naman hindi ko alam kung nasaan. Simula nang mag-usap kami at pinagdudahan niya ako, hindi ko na siya inimikan pa. Matagal ko ng alam na wala sa akin ang loyalty niya at kung pwede ko nga lang siyang pabalikin sa mansyon ginawa ko na, pero alam kong hindi papayag si Volter dahil mawawalan siya ng mata sa bahay na ito. Hindi ko pa rin makuha kung bakit hanggang ngayon kailangan pa rin niyang bantayan ako at pagdududahan, gayong alam naman niya kung gaano ko kagustong ipaghigante ang mga magulang namin.'Hanggang ngayon ba iyon p
HINDI NA akong nagdalawang isip na sumama kay Marcus para bumalik sa village. Ito na ang simula ng hakbang sa pagtuklas ko sa totoong pagkatao ko. Kung sino ang mga lobong magulang ko at ang katotohanan kung bakit ako napunta sa mga bampira na naging tanong sa akin dahil sa sinasabi nila Marcus na katotohanan na gusto ko ng nalaman. Bukod sa kabang nararamdaman ko sa maaari kong malaman, lumitaw din ang pagkasabik ko na muling makatapak sa village na iyon at makita roon si Yena at Rossa na naging malapit na sa akin. "Syrie!" nagulat na lang ako ng bigla akong dinambahan ni Marcus daan para matumba kami at magpagulong-gulong. Naramdaman ko ang paghaging ng palasong iyon na patungo sana sa akin. Nagulat ako nang mapansing nasa ibabaw niya ako. Para akong napapaso dahil sa ramdam ko ang katawan ni Marcus sa akin. Nang akmang tatayo ako, bigla niya akong hinila pabalik. "Shh!" aniya habang nakaharang sa labi niya ang kaniyang hintuturo. "May hunters sa paligid,"
HANGGANG NGAYON hindi ko pa rin lubos maisip na pinsan ko pala si Rossa. Hindi lang talaga pumasok sa isip ko na konektado siya sa pagkatao ko. Kaya pala ganoon na lang ang pagkagaan ng loob ko sa kaniya, dahil parte siya ng buhay ko. Mayamaya pa'y dumating naman si Yena mula sa paglalaro sa kaibigan niya. Hindi niya inasahan na nandoon ako kaya ganoon na lang ang pagkagulat niya ng makita akong naroon. "Ate Syrie!" sigaw niya, sabay takbo sa patungo sa akin. Sinalubong ko naman siya at niyakap ng mahigpit. Muling napunan ang pananabik na iyon sa puso ko ng mayakap ko si Yena. "Nandito ka uli," masayang sambit ng bata. "Kumusta ka na, Yena?" tanong ko rito Humiwalay si Yena sa pagkakayakap sa akin at kinalong siya sa mga binti ko. Inayos ko pa ang buhok niya na bahagyang gulo at inipit iyon sa likod ng tainga niya. "I'm glad to see you again," dagdag ko pa. Kita ko ang pagsilay ng masayang ngiti at ligaya sa Mukha ni Yena. Hindi maikakaila roon ang pananabik niya na muli akong maki