Share

KABANATA 16

Sa isang malit na kubo napiling magpatila nina Isabella at Maximo, kasama ang puting kabayo na si Angela na nakatali sa isang puno ng santol malapit sa kanila. Malakas pa rin ang buhos ng ulan subalit ang kanina'y makapal na ulap ay unti-unti ng nagkakaroon ng liwanag.

Pasimpleng dinaanan ng tingin ni Isabella ang asawa sa tabi niya na kanina pa walang imik nang sumilong sila. Nakapako ang mata nito sa kawalan, tila ba tinatangay ng hangin ang isipan at dinadala sa kung saan. Mayroong parte sa loob ni Isabella na nais buksan ang naudlot nilang usapin kanina ngunit mayroon ring takot sa dibdib niya na baka hind niya mapaghandaan ang maririnig niya.

" Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo na, " unang pinihit ni Maximo ang ulo niya palingon kay Isabella bago sinalubong ang mata nito. " Mukhang matagal pa tayo rito dahil hindi pa tumitila ang ulan. "

" Ha? W-Wala naman. " Inalis ni Isabella ang tingin sa asawa at inilipat ito sa mga pumapatak na butil ng ulan mula sa bubungan ng ku
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status