Share

KABANATA 71

Marahang ipinarada ni Maximo ang kotse sa garahe ng mansyon nang siya'y makauwi. Isang malalim na buntong hininga muna ang pinawalan niya bago niya napagpasyahang bumaba. Dire-diretso siyang lumakad, hindi na nagawang pansinin ang presensya ng mga kasambahay na nakasalubong niya sa pagpasok dahil pumanhik agad siya sa taas para makapagpahinga. Wala sa plano niya ngayon ang makipag-usap sa kahit na sino ngunit napahinto siya sa paglalakad sa pasilyo nang makita si Catriona.

" N-Nandito ka na pala..." Nakangiting pagbati ni Catriona na nakasuot na ng manipis na pantulog. Nakaladlad ang mahaba at makintab nitong buhok habang humahalimuyak ang pabango nitong maihahalintulad sa banilya. " Napagabi ka yata ng uwi? Marami bang trabaho sa farm? "

Walang buhay na inalis ni Maximo ang tingin sa babae saka siya nagpatuloy sa paglalakad patungo sa kuwarto habang isa-isang inaalis ang butones ng suot niyang polo. Hinubad niya ito at binuksan ang aparador para kumuha ng damit pamalit. Naramdaman ni
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Catalina Tacusalme
wow ito na siguro yon!lagot na simula na ng totoong laba .....️...️...️...️...️...️...️...️...️thank you ms A ...️happy new yr po.........
goodnovel comment avatar
Skhyrine
oh my god nakakaalala na sya ..yes hintayin nyo ang pagbabalik ni isabella
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status