Share

Pagkailang

KINABUKASAN ay tila wala pa rin ako sa sariling katinuan habang naglalakad papunta sa banyo. Muntik ko pa nga'ng masagi ang kape ni Nicole na nakapatong sa gilid ng mesa.

"Hoy, Samantha! Tulog ka pa ba?" Aniya. Buong akala ko ay nakaligtas na sa kanyang paningin 'yon ngunit hindi pa rin pala.

"Inaantok pa ako." Tinatamad na palusot ko sa kanya.

"Sus, anong petsa ka na kasi inihatid ni Daddy Iñigo kagabi eh. Hayan tuloy, para kang lasing diyan!"

"Oo nga eh." Tanging nasabi ko na lang.

"Naku, bilisan mo na diyan at ipagtitimpla na kita ng kape para mawala 'yang antok mo!" Dagdag pa ni Nicole habang naroon ako sa loob ng banyo.

Maya-maya pa ay magkaharap na kami sa hapag. Siya na rin ang nagluto at naghain ng almusal namin. Pati ang masarap na kape ko ay siya rin ang nagtimpla kaya wala na akong ibang gagawin kundi ang umupo na lang at kumain.

"Hmm...Sam, hindi mo ba nagustuhan ang pagkain?" Anang kaibigan ko nang mapansin na kakaiba at malamya pa rin ang kilos ko.

"Huh? Syempre, nagustu
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status