HAPON na nang lumabas ako ng silid. Nakatulog pala ako kanina at nakalimutan ko na ang kumain ng tanghalian. Tinatamad akong bumaba ng kama at balak ko na sana'ng lumbas nang biglang bumukas ang pinto.Buong akala ko ay si Iñigo ang dumating ngunit nalungkot ako ng si Diane pala 'yon.''Ate, sabi po ni Aling Flor ay kumain ka na lang daw po kapag nagutom ka na. Nasa mesa na daw po 'yong pagkain, pati na rin 'yong gamot.''''Mmm...salamat Diane. Si Sammuel naglalaro ba siya?''''Hindi po ate. Kinuha siya sa'kin kanina ni Kuya Iñigo. Tapos nakita ko pong magkakasama silang umalis kanina.''"Huh? Sinong kasama nila?''''Si Mr. President po saka si Ellie. Ang dinig ko po ay mamamasyal sila.''''Ah sige. Salamat Diane.''''Sige po ate. Babalik na po ako sa baba. Tinutulungan ko po kasi si Aling Flor sa pagtutupi ng mga damit.''Nakangiti'ng tinanguan ko na lang si Diane.Nang makalabas na si Diane ay naisipan kong tawagan si Nicole at agad naman itong sumagot.''Nicz, busy
HALOS maubos ko na ang bond paper na naroon sa table ko. Lahat kasi ng design na sinimulan kong iguhit ay hindi ko kayang buohin. Kaya't naiinis na nilamukos kong lahat 'yon.Hanggang ngayon kasi ay okupado pa rin ang isip ko ng bwisit na halik na 'yon ni Iñigo. Hindi rin ako makatulog ng maayos kagabi. Kaya naman sinadya ko na lang na agahan ang pagpasok sa opisina, baka sakaling makapag-isip ako ng tama. Subalit taliwas iyon sa nangyari. Dahil mas lalo lamang akong napa-praning sa kakaisip kay Iñigo pati na rin sa halik na aming pinagsaluhan kagabi.''Hoy! Kanina pa akong kumakaway dito sa harap mo frenny!'' Ani Nicole na hindi ko man lang namalayan'g dumating.Nag-angat ako ng tingin. Kapagkuwa'y isang malalim na buntong hininga muna ang aking pinakawalan bago ko siya kinausap. "Sorry, busy ksi ako sa-''''Tsk, naubos mo na 'yong bondpaper pero wala kang nabuo'ng design? Hmm...si Iñigo na naman ba?''Tumango ako at nangalumbaba.''Hay naku, mag-usap na kasi kayo ng maayos. Ako 'yo
PAGDATING namin sa mansiyon ay dumiretso agad sa kanyang silid si Aling Flor. Antok na antok na raw ang matanda kaya naman nagpresinta akong alalayan ito paakyat ng hagdan. Habang si Ellie naman ay hindi na nalabanan pa ang antok. Tulog na tulog ito sa bisig ng kanyang ama kaya't muli akong bumaba nang sa gayo'n ay maalalayan ko rin si Iñigo ngunit tinawanan lang ako nito."Sam, hindi ako lasing. Hindi mo ako kailangan'g alalayan." Nakangising sambit nito."Alam ko. Worried lang naman ako kasi-""C'mon! Okay lang ako. Kayang-kaya kong buhatin si Ellie." Giit pa nito."Tsk...diyan ka na nga! Matutulog na rin ako!""Goodnight baby!" pahabol na sigaw nito."Letse ka! Umaga na!" nakairap kong sagot bago ako dumiretso sa aking silid.Pagkapasok ko pa' lang ay agad na akong humilata sa kama. Pakiramdam ko ay sobrang pagod na pagod ako buong maghapon. Marahan ko ng ipinikit ang aking mga mata ngunit bigla na naman'g nang istorbo si Iñigo. Sunud-sunod ang ginawa nito'ng pagkatok."
BUONG maghapon ay hindi talaga sa'kin humiwalay si Ellie. Ni hindi ko na nga halos makarga si Sammuel dahil palagi siyang nakadikit sa'kin. Gayunpaman ay labis ang aking nadarama'ng saya dahil sa wakas ay nagbago na rin ang pakikitungo niya saakin. Mabuti na lang at hindi napagod si Iñigo na ipaintindi sa anak niya kung sino at ano nga ba ako sa buhay nila.Gabi na nang umalis sa tabi ko si Ellie. Kaya naman matapos namin'ng maghapunan ay saka lamang kami nagkaroon ng pagkakataon ni Iñigo na magkasama.Nilapitan ko ito. Tinabihan ko sa couch at tahimik kaming nanood ng tv. Maya-maya lang ay bigla itong nagsalita"Hey, baby! Wala ka pa bang balak na matulog?" Aniya habang nakatuon pa rin sa tv ang kanyang paningin."Ah, maya-maya pa ako matutulog. Tatapusin ko muna 'tong pinapanood natin. Pero kung inaantok ka na, eh pwede ka naman'g umakyat na at mauna ng matulog.""Wow! Ang harsh naman! Talagang ipinagtabuyan mo na ako huh." Reklamo ni Iñigo at ngkunwari na naman ito
TATLO'NG buwan na rin ang lumipas buhat nang maging kami ulit ni Iñigo. At sa bawat paglipas ng mga araw ay mas lalo kong nararamdaman kung gaano niya ako kamahal.Maging si Ellie ay tuluyan na nga'ng napalapit saakin. Sa totoo lang ay parang totoong ina na rin ang turing niya saakin. Kaya nang sinabi niyang ako ang gusto niyang maghahatid palagi sa kanya sa school ay wala na akong nagawa kundi sundin na lang ang iyon.Subalit isang umaga ay hindi kami natuloy sa pagpasok sa eskwela dahil may babaeng bigla na lang humarang saamin sa labas ng mansiyon.''Who is she tita mommy?'' Ani Ellie habang pinagmamasdan ang babaeng nakatayo ngayon sa aming harapan.Maganda ito, sexy at matangkad. Animo'y isa itong sikat na artista. Subalit nang mga sandaling iyon ay hindi ko nagawang sagutin ang tanong ni Ellie. Dahil kahit ako ay hindi ko rin kilala ang babaeng 'yon.''Tita mommy, sino po siya?'' muling tanong niya.'' Baby, hindi ko rin siya kilala eh.'' Pabulong na sagot ko sa
KANINA pa akong hindi mapakali. Alas nuwebe na ng gabi ay wala pa rin si Iñigo. Ilang beses ko na itong tinawagan pero hindi niya man lang 'yon sinasagot."Tito, wala bang nabanggit sa'yo si Iñigo na pupuntahan niyang event ngayon'g gabi?""Huh? Wala. Alas siyete pa 'lang nang maghiwalay kami kanina sa parking lot. Akala ko nga eh nandito na siya eh. Kasi mas nauna siyang umalis kaysa sa'kin." Anang presidente na kanina pang alas otso dumating."Uhm...baka may dinaanan lang po siguro. ""Sinubukan mo na bang tawagan?""Yes tito. Pero hindi niya naman po sinasagot.""Oh, baka maya-maya ay dumating din. Teka, okay ka lang ba, Sam? Kanina ko pa napapansin na para kang balisa ah!"''O-okay lang po ako. Na-nag-aalala lang po ako kay Iñigo.""Haist, nasaan na kaya 'yon?" naihilamos pa ng presidente ang dalawa niyang palad. "Sorry Sam pero hindi na kita masasamahan sa paghihintay kay Iñigo. Hindi ko na talaga kayang labanan pa ang antok ko eh." Dagdag pa nito dahilan upang mapilitan
HINANG-HINA ako habang nag-uusap kami ni Nicole. Nandito kami ngayon sa isang coffee shop."Nicz, anong gagawin ko? What if magkabalikan sila ni Iñigo?" kaagad na tanong ko sa kanya nang tuluyan na kaming makaupo."Alam mo, kung ako sa'yo...hindi muna ako mag-oover react at mag-ooverthink diyan." Aniya na busy sa pagtingin ng menu book."Nakakainis ka naman! Akala ko pa naman may mabuti kang maipapayo sa'kin." Reklamo ko."Frenny, dapat kasi kinausap mo muna si Iñigo. Malay mo naman may mabigat na dahilan 'yon kaya hinayaan niyang tumuloy sa mansiyon 'yong Melissa na 'yon." Kibit balikat na paliwanag ni Nicole."Sinubukan ko siyang kausapin kagabi, Nicz. Pero dinaan niya lang ang lahat sa init ng ulo. He told me na wala siya sa mood para pag-usapan ang mga gano'ng bagay. So, anong gusto mong isipin ko sa naging reaksiyon niya? Tapos kaninang umaga ay biglang susulpot sa harapan ko ang mukha ng ex niya. Alangan naman'g matuwa ako di'ba?""Oh, I'm so sorry frenny. Akala ko kasi
NAULINIGAN ko ang matinis na boses ni Sammuel kaya naman dali-dali akong lumabas ng silid. Patakbong bumaba ako ng hagdan at nakahinga lamang ako ng maluwang nang makita kong naroon na si Diane. Karga na pala nito ang anak ko.Ang dami nilang mga pinamili'ng damit. Kaya naman enjoy na enjoy sina Iñigo at Melissa habang magkatabi sa couch.Gustong-gusto kong batuhin ng tsinelas si Iñigo nang makita kong isinusuot sa kanya ni Melissa ang isang polo shirt.Tiim bagang na nilapitan ko ang mga ito."Look honey, kasyang-kasya pala 'yan sa'yo eh." Nakangising sambit ni Melissa habang si Iñigo naman ay ngiting-ngiti rin."Hi baby! Oh, i missed you so much! Finally, nakauwi na rin kayo!" Pumagitna ako sa kanila. Sinadya ko rin'g halikan sa labi si Iñigo nang sa gayo'n ay mainis sa'kin si Melissa.''Yeah, i'm sorry, Sam kung hindi ako nakapagpaalam sa'yo." Ani Iñigo.''Nah, it's okay. Ang mahalaga, safe kayong nakauwi. Siya nga pala, sabay-sabay na tayong maghapunan. Tinulungan ko si