Share

CHAPTER 12

"Hey mga turista!", bungad niya at tumingin sa aming mga dala.

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay ngumiti ito sa amin na parang nang-aasar at umikot ang kanyang ulo. Ang buhok niyang nakalugay kanina ay bumuhaghag. Lalo siyang nagmumukhang nakakatakot na demonyong nilalang. 

Ang mga mata niyang plastic ay nanglilisik. Para itong luluwa sa kaniyang mga mata. At ang kanyang kamay ay mahigpit na nakahawak sa isang matulis na itak.

 "Saan kayo pupunta? Uuwi na ba kayo? Hindi pa tayo nagsasaya ah?", nakakatakot niyang sabi at akma kaming tatagain sa hawak niyang bagay.

Napasigaw kaming lahat sa takot. Buti nalang ay nakadistansya si Nicholas kaagad. Siya kasi ang malapit sa puwesto niya.

Medyo may kahabaan at napakatulis na itak ang dala ni Barbara habang kaharap kaming lahat na handa na sanang lumikas at pumunta sa safe na lugar. 

"Aalis na kami Barbara, ang pangit nang isla niyo", pang-aasar ni Cathy na hinarap ang nakakatakot na manika

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status