Pasado alas nuwebe na nang makarating si Sandra sa condominium niya pagkagaling niya sa restaurant na pinagdalhan sa kanya ni Jann. Para hindi na gaanong mag-isip pa ay agad na rin siyang naglinis ng katawan para maghanda para matulog. Halos ilang oras lamang din kasi ang naitulog niya dahil mag-uumaga na rin siya nakauwi kagabi at 'yon at dahil din sa lalaking ayaw na niyang makita pa, ang binatang nagpakilalang si Jann.
Habang nasa byahe siya kanina ay tila hinahatak ang mata niya sa sobrang antok mabuti na lamang at nalabanan niya iyon lalo na at nagmamaneho pa naman siya. Ngayon naman na nasa condo na siya ay 'di na siya dalawin ng antok dahil sa samu't-saring nagsusulputan sa isip niya tungkol sa nangyayari sa ama niya at kay Jann sa siguro'y umiinom pa rin sa mga oras na 'to.
Ayaw naman niyang tawagan ang Daddy niya dahil baka kung ano lang ang isipin nito at mapunta na naman kay Jann ang sagot nito. Hindi kasi maikakaila na gusto ng kanyang ama si Jann par
Pasado alas diyes na nang matapos ang monthly meeting ng Cardiology Department na in-attendan ni Sandra. Naglalakad siya pabalik ng kanyang opisina nang sabayan siya ng kaibigang si Ella."What is your problem, Ellaiza Marie?" Sita ni Sandra sa kaibigan ng tingnan siya nito ng nakakaloko."Come on, tell me something about this Jann De Vaux guy. How did you two meet again?""What about him?" Kunwa'y balewala na sagot niya sa kaibigan.Halos 'di siya nakatulog kagabi sa kakaisip sa mga sinabi ni Jann sa kanyang ama nang aksidenteng makita sila nito na kumakain sa isang restaurant. Nadagdagan pa iyon ng tawagan siya ng kanyang Mommy para magtanong ng tungkol kay Jann at sabihin na nasa bahay daw ito na malamang ay kinaladkad ng kanyang ama para doon uminom.Big deal iyon sa kanya dahil alam niya kung paano mag-isip ang mga magulang lalo na ang kanyang ama na siyang gustong gusto nang ipakilala at ipakasal siya sa kung sino. Lalong sumakit lang ang kan
Pabalik balik na naglalakad si Sandra sa kanyang kwarto na tila asong naiihi habang kagat kagat ang pang-ibabang labi.Umuwi siya nang mas maaga kaysa sa usual na oras niya dahil talagang antok na antok siya kanina at nakakailang balik na rin siya sa cr dahil sa pagduduwal. Dahilan iyon ng pagkain ng matalik na kaibigang si Ella na naiwan pa ang amoy niyon sa kanyang opisina. Nagdahilan na lamang siya kanina at mabilis na umalis ng ospital.Habang nagmamaneho ay kabang kaba siya dahil sa samu't-saring punapasok sa isip niya. Tila baliw na rin siya dahil tila sirang plaka na nagpi-playback sa tainga niya ang sinabi ni Ella na baka buntis siya.Marami na siyang nilagpasang drug store ngunit talagang mas pinili niyang magtungo sa bandang Las Piñas para doon maghanap ng drug store kung saan niya puwedeng bilhin ang pakay niya. Karamihan kasi ng drug store sa paligid ng Parañaque area ay kilala siya ay ayaw niyang may makaalam nang nais niyang bil
"Bes, sige na. Kahit first name nga lang no'ng kung sino mang Adan na 'yon na napakaswerteng nakakuha nang virginity mo at naka one point pa. Masaya na ako sa first name." Pangungulit ni Ella sa matalik na kaibigan na ngayon naman ay abala pa ring nakatutok ang mata sa laptop nito."Huwag ka ngang magulo, Ellaiza Marie. Baka may makarinig pa sa 'yo." Pinandilatan nito ang kaibigan.Tatlong araw na rin simula nang malaman ng kaibigan ni Sandra ang pagbubuntis niya nang aksidente nitong makita ang pregnancy kit sa banyo niya. Nagkausap ang dalawa na isekreto na muna ang lahat habang hindi pa halata ang tiyan niya.Nakiusap rin si Sandra sa matalik na kaibigan na wala na muna sanang makaalam kahit sa mga kaibigan at lalo na sa pamilya niya hanggat hindi pa siya nakakaisip ng dahilan at kung paano iyon maitatago.Wala naman talaga siyang balak itago ang pagbubuntis sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang mga magulang. Kailangan lang talaga niya ng tamang tyempo
"Finally, may kung anong hangin ang tumulak sa 'yo para naman umuwi ka dito sa mansiyon. Akala ko ay nakalimutan mo na kami ng Mommy mo." Seryosong sabi ng ama ni Jann na nakatayo sa harapan nito.Kararating lang niya pagkatapos ng halos tatlong araw na business trip sa US. Limang araw dapat 'yon pero mas minabuti niyang ipaasikaso na lamang ang natitirang site visitation sa matalik na kaibigang si Lance. Business partners din kasi silang dalawa at mabuti na lamang at pumayag itong mauna siyang bumalik ng Manila."Ilang buwan ka na ba namin huling nakita ng Mommy mo? Ilang beses sa isang taon?" Tanong muli ng kanyang ama."Come on, Dad. I'm right here," nakangiting sagot niya."Kung hindi ka lamang nag-iisang anak namin ng Mommy mo, baka matagal ka na naming itinakwil." Seryoso pero pabirong sabi naman nito uli.Jann knows his father. Strict ang kanyang ama at hindi rin maitatanggi na ilang beses na silang nagkakasagutan. Halos magkaparehas kasi si
Nagising si Sandra sa sunod-sunod na chime ng kanyang doorbell.She tried to ignore what she heard pero sadyang napakakulit ata ng kung sino mang nang-iistorbo sa kanya ng pagka-aga aga. Nakapikit na kinapa niya ang ilaw ng lampshade at binuksan iyon.Naisip niyang baka ang matalik na kaibigan na naman niyang si Ella ang may lakas loob na gisingin siya ng ganoong oras. Nanlaki pa ang mata niya nang makita ang oras sa cellphone niya nang pindutin niya iyon."I will kill you, Ellaiza Marie! It's only 5am and you know that it's my off today!" Nagdadabog na bumangon siya.Hindi na niya inayos pa ang sarili na tinungo ang pintuan habang nakayapak pa para huminto na ang kaibigan sa pagpindot niyon."What is your problem Ell---" namilog ang kanyang mga mata."Hi, good morning, Doctor." Bungad ng nakangiting si Jann. Nakasandal pa ito sa gilid at titig na titig sa kanya."W-what are you doing here? How...""You look more... beaut
Katatapos lang ni Jann gumawa ng sandwich. Napangiti na lamang siya nang hindi na niya narinig ang mga reklamo at pagbubunganga ni Sandra habang nasa dining area siya.Inabala niya na lamang ang sarili niya at nagdahilan ng kung ano ano para lamang madistansya siya sa dalaga. The truth is, kanina pa naninikip ang kanyang suot na jogger pants dahil sa tensyon kanina habang nililinis nito ang bukol niay sa noo.Totoong halos maalog talaga ang utak niya nang tumama ang pintuan sa noo niya pero nang masilayan niya ang ganda nito kahit gulo gulo pa ang buhok nito ay tila nawala iyon. Tila nawala din pati ang kirot ng kanyang bukol nang matitigan niya ito ng mas malapit habang abala itong naglilinis ng kanyang noo na tinamaan ng pinto.Maayos na sana ang lahat kung hindi niya aksidenteng mapansin ang makikinis at mapuputi nitong legs na bahagyang nakalabas kanina na 'di na nito napansin.Dahil doon ay bigla siyang nag-init. Pinagpawisan siya at tila gusto
Lulan sina Sandra at Jann ng Ford Everest na sasakyan ng binata habang binabaybay ang daan ng Alabang. Papunta sila ngayon ng Batangas kung saan may family outing ang pamilya ng dalaga.Noong una ay ayaw talaga niyang magpunta ng Batangas lalo na at kasama ang lalaki pero wala na rin siyang nagawa ng tawagan siya ng kanyang Mommy Josephine at sinabing magkita kita na lamang sila doon. Na ini-expect na sila parehas ng kanyang mga kapatid. At kapag hindi siya pumunta ay ayos lang daw naman na si Jann na lang ang tumuloy. Alam naman niya na sinabi din iyon ng kanyang Daddy dahil alam nitong hindi rin siya papayag.Ayaw din naman niyang hayaang si Jann lamang ang pumunta doon at wala siya. Siguradong gigisahin ito ng buhay ng kanyang mga kapatid. Kinausap na rin naman niya ito na 'wag nang tumuloy pero hindi ito nagpapigil sa kanya.Sinabi pa nitong kesyo nangako na daw ito sa parents niya na pupunta silang dalawa kaya naman wala na rin siyang choice kung hindi ay s
"Hey, wake up. We're here." Naulinigan ni Sandra ang boses ni Jann.Nang maimulat niya ang mga mata ay naramdaman niya na hindi na umaandar ang sasakyan. Si jann naman ay nakatitig lang sa kanya habang nasa driver seat pa ito."Where are we?" Pupungas pungas pang tanong niya."Nasa resort na tayo dito sa Batangas. 15 minutes na tayong nakaparada dito." Sagot nito sa kanya."Bakit hindi mo ako agad ginising?" Sita niya dito habang inaayos ang sarili."You are in a deep sleep, love. I don't want to wake you up. Don't worry. Tinawagan ko na si tito kanina para itanong ang mga kailangan. Kaya nakabili na rin ako kanina. 'Di na kita ginising para naman makabawi ka ng tulog." Paliwanag nito. Hindi nito inalis ang pagkakatitig nito sa kanya."D-don't look at me that way." Tila nakaramdam siya ng bahagyang pagkailang. Pakiramdam niya ay napapaso siya sa mga titig nito na hindi niya alam kung kailan pa siya tinititigan."I can't help it. You a