Share

Chapter 32

Tagaytay. Base sa daan at ruta na tinatahak namin ay papunta kami sa Tagaytay. Hindi ko na sinundan pa ang tanong ko kanina dahil may tiwala naman ako kay Dark. Ngunit hindi ko inakala na lalabas kami ng siyudad at pupunta dito.

Sa totoo lang ay hindi pa ako nakakapunta ng Tagaytay. At ngayon ay nandito na ako! Hindi ko maalis- alis ang tingin ko sa taal volcano. Sa picture ko lang siya nakikita noon pero heto na siya ngayon at sobrang ganda niya sa personal!

Mabuti na lang at nagdala ako ng sweatshirts. Magjo-joyride pala kami. Gusto kong patigilin muna si Dark upang kumuha sana ng larawan pero pinigilan ko ang aking sarili. Sa haba ng biyahe ay paniguradong pagod siya at gusto nang makarating sa kung saan man ang destinasyon namin.

Pinagmasdan ko ang rest house kung saan kami tuluyang tumigil. Dalawang palapag ang bahay at mula dito sa ibaba ay alam kong may swimming pool sa labas ng second floor. May iilang lamesa at upuan sa paligid at meron pang maliit na kubo sa dulo ng stone pa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status