Share

Chapter 42

Namalayan ko ang aking sarili sa loob ng comfort room. Mabilis ko itong inilock at wala na akong pakialam pa kung may gustong mag-cr.

Nanginginig ang buo kong katawan. Ang mga kamay ko ay sobra sobra ang panginnginig na kailangan ko pang pagsiklupin ang mga ito ng mahigpit upang tumigil ito.

Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin. Maputla ang mukha ko. Kung wala lang pahid ng lipstick ang aking mga labi ay makikita na na kulay puti rin ito. Ang mga mata ko ay sobrang pula sa pagpipigil ng mga luha.

Iiyak ba ako? Hindi ko alam. Sa dami at halo-halo na nararamdaman ko ay hindi ko na alam kung ano ang uunahin doon!

Si Dark... Bakit siya nandito? Siya si Alexander Miller? Ang may-ari ng kompanyang ito?? Paano iyon nangyari? Dark ang pangalan niya at hindi Alexander!

Maaari bang magkamukha lang sila? Pero hindi, hindi ako pwedeng nagkamali! Alam ko ang mga tingin na iyon. At kung ibang tao siya ay hindi ko mararamdaman ang ganito kahit na sabihin na magkamukha lang ang mga ito.

Nguni
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status