Tahimik ang naging biyahe namin pauwi. Hindi ko alam kung bakit pa siya nag-abala na ihatid ako sa aking apartment.Tumigil kami sa tapat ng apartment building ni Aling Marites. Nalilito man kung bakit dito niya ako itinigil pero bumaba na rin ako.Nagsitahulan ang mga tao sa kalsada dahil sa pagdating naming dalawa."Salamat sa paghatid ulit Dark. Ito na ang pangalawa," wika ko at bahagyang tumawa upang maibsan ang tensyon sa pagitan namin.Tumango lang siya saka kinuha ang kanyang helmet na hawak ko."Hmm. Una na ako?" Turo ko sa daan.Nang wala akong nakuhang sagot sa kanya ay naiilang akong ngumiti at tumalikod na. Hindi pa ako nakakahakbang palayo nang tinawag niya ang pangalan ko."Bakit?"Matagal bago siya sumagot. Bumuntong hininga siya. "Gusto mo bang magmeryenda muna?"Medyo natigilan ako sa sinabi niya. Gabi na at gusto ko nang magpahinga pero malaki ang utang na loob ko sa kanya kaya bilang pasasalamat ay sumang-ayon ako. "S-Sure. Doon na lang tayo sa apartment ko," wika
Lunes ng umaga ay napagpasyahan kong ihatid si Avi sa kanyang paaralan. Wala lang, gusto ko lang maglakad-lakad tutal at wala akong klase sa umaga dahil nagkaroon ng emergency meeting ang mga professor namin.Salita nang salita si Avi. Ang dami niyang kwento kaya kahit na hindi na ako magtanong tungkol sa kanya ay kilala ko na siya. Umagang-umaga pa lang ay parang wala na akong lakas dahil sa ingay niya. Hindi ko rin maiwasan ang hindi maalala ang aking kapatid na naiwan doon sa bahay namin.Bisitahin ko kaya siya sa susunod na linggo?"Dito na ako Ate Cassandra. Salamat sa paghatid!" aniya saka niyakap pa ako.Hinaplos ko ang buhok ni Avi. "Galingan mo sa klase.""Of course! Kailangan kong magkaroon ng matataas na grade para makapag-aral ako sa Harvard sa College!"Natawa ako sa sinabi niya.Pagkatapos kong maihatid si Avi sa kanyang paaralan ay napagpasyahan kong mag-agahan na lang dito sa labas. Wala na akong stock sa apartment. Maggogrocery na lang ako pagkatapos ng klase ng mga k
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa nakikitang tagpo sa aking harapan. Ang babaeng kinaiinisan ko ay mapangahas na nakakandong kay Clark at malawak ang pagkakangisi. Wala dapat akong pakialam pero sa dinami-rami ng mga babae, ang makitang si Alice pa ang kasama ni Clark ay nakakagalit. Tiyak na ako na naman ang lalabas na masama dito katulad ng ginawa niya sa akin noon."Are you serious Clark? You're with this Alice?" ani Denise. Hindi na ako magtataka kung bakit kilala ni Denise ni Alice. Katulad ko rin siya, yun nga lang ay mas malaki ang impluwensiya niya at mas madami siyang mga kakilala."May problema ka ba sa akin Denise?" tanong naman ni Alice na nakataas ang kilay. Si Clark ay tahimik lang na umiinom ng whiskey. Nakapagtataka lang dahil hindi niya ako napapansin. Kadalasan ay wala pang isang segundo ay nakita na niya ako."You look mad Cassandra," puna ng lalaking kasama ko.Umiling ako saka nagmartsa palabas ng kusina dala ang baso ng tubig. Umalis na ako bago ko pa
"Cassandra!"Sinenyasan ko si Dark na magtago pero ang walang hiya ay humalukipkip lang at naghihintay na buksan ko ang pintuan."Magtago ka!" madiin kong wika sa nanlalaking mga mata. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari kapag nagkita at nagkaharap ang dalawang ito lalo na at lasing at galit si Clark."Cassandra!" Nang makita ko na nagcrack ang pintuan ay binuksan ko na ito, hindi na iniisip kung ano ang pwedeng mangyari sa dalawa.Marahas na pumasok si Clark sa loob at matalim ang kanyang mga mata na tumingin sa akin."Where is that man? Nasaan na ang lalaking sumundo sa iyo kanina?" Inilibot niya ang kanyang matatalim na mga mata sa loob ng aking apartment. At nang makita si Dark na prenteng nakaupo sa sofa ay kagyat na bumagsik ang kanyang mga mata.Mabibilis ang mga hakbang ni Clark at tinawid ang distansya sa pagitan nila ni Dark at malakas niya itong sinuntok sa mukha."Bastard!""Clark!" sigaw ko at lumapit sa kanya upang awatin siya.Tinabig ni Clark ang kamay ko at padasko
Nasa sala kami ni Avi. Nanunuod siya ng TV habang ako naman ay nililinisan ang aking mga kuko. Nakabihis na ako at mamaya lang ay darating na si Dark. "Ate Cassandra," untag sa akin ni Avi maya-maya."Hmm?""Ayaw mo ba kay Kuya Dark? Magandang lalaki naman siya at mas mabait kaysa dun sa manliligaw mong si Clark."Natigil ako sa ginagawa at binalingan siya. Nakapangalumbaba siya na nakatingin sa akin at hinihintay ang sagot ko.Bumalik ako sa aking ginagawa bago nagsalita. "Gusto ko siya.. pero bilang isang kaibigan lang."Nakita ko ang pagsimangot niya na para bang hindi natutuwa sa sinabi ko. Kahit ako rin naman ay hindi sang-ayon sa sagot ko. Friendly date lang ang lakad namin pero heto at bihis na bihis ako na para bang totoong date talaga ang pupuntahan namin.Maya-maya lang ay nakarinig na kami ng katok sa pintuan. Mabilis na tumayo si Avi at siya na ang nagbukas nito."Kuya Dark!" magiliw niyang bati dito at niyakap pa sa bewang. Hindi ko talaga alam pero sobrang close nilang
Hindi ko man lang namamalayan na natapos na pala ang date namin. Sobrang bilis ng oras. Gusto ko pa sana siyang makasama ng mas matagal pero kailangan din ng restaurant na magsarado.Ganun talaga siguro. Kapag masaya ka ay hindi mo napapansin ang oras, magugulat ka na lang na tapos na pala."Ang tahimik mo. May problema ba?" untag ni Dark habang nasa daan kami pauwi.Tumingin ako sa labas ng sasakyan. "Wala. May iniisip lang ako."Hindi agad siya sumagot. Ang dami namin napagkwentuhan kanina pero ang tanging tumatak at patuloy kong iniisip ay ang sinabi niya kaninang gusto niya ako. Sa totoo lang ay nalilito ako kung ano ba ang dapat kong gawin. Hindi maipagkakaila na gusto ko rin siya pero naroon pa rin yung pag-aalinlangan. Gusto ko sanang kausapin si Margie pero alam ko na kung ano ang magiging sagot niya."Seryoso ako sa iyo, Cassandra kung iyon ang inaalala mo," seryoso niyang wika maya-maya.Hindi iyon ang inaalala ko!Hinarap ko siya. "Alam kong maganda ako pero—"Mahina siyan
"Oh? Bakit magkasama sila ni Alice? At.. mukhang sobrang close nila. Wala na kayo ni Clark?" Biglang lumipad ang tingin sa akin ni Kayla.Kumunot ang noo ko at iniiwas ang tingin sa banda nila Clark. "Hindi naman kami. Alam niyo namang hindi ko siya boyfriend.""Alam namin. Ang ibig kong sabihin ay hindi na ba siya interesado sa iyo? Alam ng lahat kung gaano siya kabaliw sa iyo," dagdag pa niya.Hindi ako umimik. Wala akong pakialam. Ang problema ko ay hindi ako nakaabot bago magcut off. "Teka, si Alice ba ang kasama niya? Sa lahat ng babae ay siya pa talaga? Hindi ka ba naiinis Cassandra?" tanong ni Emman.Sa totoo lang ay naiinis ako. Nagsama pa talaga ang dalawang taong kinaiinisan ko. Malamang na baka pinagtatawanan nila ako o kung ano na namang kabalbalan ang mga pinagsasabi ni Alice tungkol sa akin.Magakakasama kami noon nina Alice at Emman sa dating agency kung saan ako napatalsik dahil sa mga paratang sa akin noon ni Alice. Alam na alam ni Emman ang tunay na ugali ng babae k
Mabilis na natapos ang pagrampa ng mga lalaking modelo. Kaunti lang kasi ang kailangan nila kumpara sa aming mga babae na madami talaga.Napatingin ako sa mahabang lamesa sa gitna kung nasaan ang mga personalidad na pipili ng mga modelo para sa summit. Anim sila. Nag-uusap ang mga ito at kitang kita ko, sobrang linaw sa paningin ko ang lalaki kanina na tinawag akong stupid. Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang sa ngayon na isa siya sa mga pipili. Buong akala ko pa naman ay isa siyang modelo, ang malala pa doon ay ang ginawa kong pagsagot sa kanya kanina. Natampal ko ang aking noo. Paniguradong hindi siya papayag na makapasa ako dito."May problema ba?" tanong ni Emman na katatapos lang magbihis."Kilala mo ba ang lalaking iyon? Yung nakaitim na damit at mukhang masungit," nguso ko."Si Sir Alleje?""Alleje?""Zenon Alleje. Hindi mo siya kilala? Can't blame you though. Kagagaling niya kasi sa Canada. Siya na ang magtatake over sa textile business na naiwan ng kapatid niya.""Textile