Share

CHAPTER 73: ONE SHOT STORY

PAPALUBOG NA ang araw nang maka-balik sa pampang sina Mr. Aldrin at Sapphire, basa at tunay na giniginaw ang dalawa subalit halata sa kanilang mukha ang saya habang nagtatawanan pa. Yakap ng isang tuwalya ang katawan ni Sapphire, sa gilid niya'y si Mr. Aldrin na umaalalay sa kaniya.

Pinasalamatan nila ang bangkero bago magpatuloy ang mga ito sa paglalakad. Abala pa si Mr. Aldrin sa kaniyang mga kuwento tungkol sa grupo ng makukulay na isdang nakita nito nang maligaw ang mga mata ni Sapphire sa taong naka-pamulsa at bagot na naka-sandal sa puno ng matayog na buko.

Maagap na tumayo nang tuwid si Will nang malingunan ang pagdating ng dalawa. Sa kamay niya'y may puting tuwalya na tila ibibigay nito sa dalaga ngunit bago pa'y nilampasan na ito nang nagmamadaling si Ms. Dina. May dala rin itong puting roba na kaagad niyang isinuot kay Sapphire. Naagaw ng presensiya nito ang atensyon ni Sapphire

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status