Share

KABANATA 19

Hanggang saan kaya ako dadalhin ng mga lihim kong pagnanasa? Hanggang saan ako lulunurin ng mga hangarin kong malalim? Hanggang saan?

KABANATA 19

Lumipas pa ang tatlong buwan, ang mga tagpong iyon sa amin ni Lhyeon ay nasundan pa ng nasundan. Ang bagay na pilit kong iniiwasan ay parating nagaganap sa aming dalawa. Ano nga ba ang gagawin ko? Ako ‘y isang babaeng babad, at sadlak na sa putik. Nasa putik na ako, pero hindi na ako makakaahon pang muli rito.

“Lhyeon, bukas na ang kasal niyo ni Carla, bakit nandito pa tayo?” tanong ko sa kanya habang magkatabi kaming nakahiga sa kanyang kama. Doon sa dati niyang apartment na kami lang ang nakakaalam. Sa lugar na una naming ginawa ang mga pagkakasalang iyon. Ewan ko pero tila parte na yata ng mga kasinungalingan ko ang relasyong iyon. Hindi ko na naiwasan pang hindi mahulog kay Lhyeon. Mahal, hindi ko alam kung mahal ko ba siya? Basta ang alam ko, masaya talaga ako kapag kasama ko siya, pakiramdam ko, buo ang paggiging babae ko, isang bagay
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status