Share

Chapter XXIV

LUMABAS NGA SI Jake at dumaan sa bintana niya para makatagos sa balcony at makatawid mula sa gilid ng hotel building na tila akala mo siya si Spiderman. Mabuti't wala naman nakakita sa kanya dahil gabi naman.

Maingat itong tumatawid sa bawat balcony dahil konting pagkakamali niya ay maaari siyang mahulo roon. Halos hindi naman din siya makatingin sa baba dahil sa taas ng kinalalagyan niya. Hindi niya rin maunawaan ang sarili bakit pinapahirapan niya ng ganito ang sarili para lang sa isang babae.

Nang makarating siya sa balcony ni Lovely, napansin niyang patay na ang ilaw sa kwarto nito at tila wala ito roon. Napansin niya kaagad ang ilaw sa banyo ng kwarto at inaakalang naroon siguro ito. Dahan-dahan niyang binuksan at pumasok sa pinto ng balcony.

Tinanggal naman niya ang towel na nagsilbing tapis niya at suot nga niya nag thongs na binigay nila Prim. Palundag naman siyang nahiga sa kama nito at pumuwesto kung saan makikita kaagad siya kung sakaling lumabas na ito ng banyo.

Hindi naman din maitago ni Jake ang excitement dahil hindi niya akalaing may ganitong side si Lovely.

Buong ngiti siyang ngumiti ng mapansing nagbukas na ang pinto ng banyo.

Tila nagkagulatan naman sila ng makita ang isa't isa.

"Aaaaahhhh!!!"

Sigaw pa nito ng makita si Jake sa kama niya.

"Waaaah!!!"

Sigaw din ni Jake ng mapagtanto kung sino ang lumabas ng banyo.

Kaagad siyang umikot pahulog sa kabilang parte ng kama para makapagtago rito.

Nagalit naman si coach Shera ng makita si Jake na nasa kama niya at nakasuot ang ng thong. Kaagad niyang sinugod ito at natakot naman si Jake rito.

"I'm - I'm sorry! Sorry coach!" -tila pagpigil at iwas pa ni Jake rito dahil naghahanap siya ng itatakip sa sarili. Nakuha lang naman niya ang telephone at tinakip sa ibabang parte niya.

Nahawakan naman ni caoch Shera ang kaliwang tainga ni Jake na tila pinipingot ito. "Tara!" galit nitong utos kay Jake at walang nagawa ang binata kundi sumunod rito.

Lumabas sila ng kwarto ni coach Shera na hawak pa rin ang tainga ni Jake. Pumito ito ng malakas at tila naglabasan rin ang mga tao sa kani-kanilang kwarto at nakikita ngayon ang ginagawa niya kay Jake.

"Oh, Jake? What the f*ck are you wearing?"

"Oh my God, Jake!" 

Tila gulat at kantyaw naman kay Jake ng mga kaklaseng naroon habang galit pa ring naglalakad sila ni coach Shera.

"Susko naman pre, sabi ko maghinay-hinay kayo!" gulat ring komento ni Tommy ng makasalubong sa hallway sina Jake at coach nila.

Nagtungo sila sa isang kwarto at malakas itong kinatok ni coach Shera hanggang sa lumabas ang isang coach nilang si coach Tony.

"Oh what the -- hell?" halos magulantang din ito pagkalabas at makita sina Jake sa harap niya.

"I think this one is belongs to you coach. I found it in my bed!" sarcastic namang saad nito sa kapwa coach niya habang hawak pa rin ang tainga ni Jake. Hindi naman malaman ni Jake kung papaano tatakpan ng dalawang kamay niya ang sarili. Hindi niya akalaing aabutin niya ang ganitong kahihiyan.

Halos nagkumpulan naman ang lahat ng estudyante sa hallway at pinapanood ang eksena na yun. Maraming pinagtatawanan siya at pinagkakatuwaan. May mga kumuha rin ng videos at pictures niya.

"Coach, pakisabing bitawan na ko." pakiusap pa ni Jake na hindi halos hingalin na sa hiya.

"Please, coach Shera, bitawan mo na ang tainga niya."

Papitik namang binitawan nito ang tainga ni Jake na tila ininda niya ang sakit.

Lumapit naman si coach Toni kay Jake at pumaatras naman siya sa takot rito.

"Mr. Carter, palagi kong sinasabi sa inyo na live your life to the fullest. You must do your best to everything. Pero hindi yung ganitong katarantaduhan lalo na't bukas na ang game finals!" sigaw nito kay Jake bago galit na iniwan toh roon.

Hindi naman malaman ni Jake kung papaano lulusutan ang hiya na ito. Tila gusto na niyang magpakain sa lupa.

Bukod sa halos nakita na ng buong school niya ang pwet niya, napahiya pa siya sa mga coaches nila.        

Gusto niyang manakbo sa hiya pero hindi rin siya makakalayo dahil sa suot niya. Napabalik siya sa kabilang side ng hallway dahil maraming nakaharang at nakita roon si Lovely.

 "Akala ko 504, 503 lang pala. Sorry." tila malungkot at nahihiya ring saad nito kay Jake pero tuluyan na lang pumasok si Jake sa kwarto niya.

"Alright, show's over! Go back to your rooms! Now!' sigaw naman ni coach Shera sa mga estudyante pang naroon at tila pinagpipyestahan ang pwet ni Jake. "Now!"   

Pagpasok naman ni Lovely sa kwarto niya ay biglang bukas ni Agnes ng bote ng champagne at tila naging popper ito na ikinagulat niya, naghiyawan din sila sa tuwa. Natawa na lang din si Lovely sa ginawa ng mga kaibigan.

Isa-isang nilagyan na ni Agnes ang mga champagne glass nila nito.

"Congratulations, Lovely!" pagabot pa ni Irma ng champagne kay Lovely.

"Here's for us girls! Good job!" pagtaas pa ni Prim ng glass niya at gayun din ang ginawa nilang lahat.

"I still can imagine his face habang mamatay-matay sa hiya kanina!" natatawang saad pa ni Agnes sabay inom sa mismong bote ng champagne.

"Ako rin! Para siyang hindi matae! Hahahaha!" halos hindi naman na makahingang saad pa ni Prim dahil sa pagtawa.

"This is so amazing girls, we're only one step away to break his heart!" pagtaas ulit ni Irma ng glass niya.

"Cheers!" sigaw naman nilang lahat at nag-toast nga sila ng mga glasses at bottle.

"SURE, good night!" pagpapaalam pa nila at lumabas na sina Irma, Agnes at Prim sa kwarto ni Lovely. Maingat pa silang lumabas at tingin sa hallway kung mayroong taong naroon.

"What the hell are you doing there?" halos mapabalikwas naman silang tatlo sa narinig. Tila hindi naman nila malaman ang gagawin dahil may nakahuli sa kanila pero hinarap pa rin nila ito.

"Stephen! Hi!" masayang bati ni Prim rito at tiningnan lang sila ito ng masama na tila nagdududa na kung bakit magkakasama silang tatlong lumabas sa kwarto ni Lovely.

"Bakit sa tuwing may disaster, lagi ko kayong nakikitang tatlo?" pagdududa pa nito at pinaikutan niya ng braso ang tatlong babae sa harap.

Tila natuod naman ang tatlo sa kinakatayuan dahil hindi malaman kung anong palusot ang sasabihin nila kay Stephen.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status