공유

Kabanata 18 Ikaw ang the best, Jojo!

Alas nuwebe na ng gabi nang makauwi si Joseph.

Madilim at tahimik ang villa. Nagpalit siya ng kanyang pambahay na tsinelas sa entrance, naglakad at nilampasan ang kwarto ni Chloe, tumigil nang sandali bago itinaas ang kanyang kamay para kumatok nang ilang beses.

Narinig niya ang paos na boses ni Chloe sa loob, “Sandali lang.”

Nang siya ay magsalita, may liwanag na lumabas sa uwang sa ilalim ng pintuan. Makalipas ang ilang segundo, lumapit si Chloe sa pintuan. Maya-maya, inikot niya ang hawakan at matunog na bumukas ang pintuan. Gayunpaman, ang karaniwang maaliwalas niyang ekspresyon ay nawala, ito ay napalitan ng namumugto, mapulang mata at ilong, isang maliwanag na indikasyon na matagal na siyang umiiyak.

Nakakapanibago para kay Joseph ang makita si Chloe nang ganito. Mukha siyang nawalan ng lakas ng loob tulad ng isang bulaklak na nahulog dahil sa malakas na bagyo.

“Umiiyak ka ba?” Kaniyang tanong.

Napasinghot si Chloe at inikot ang kanyang mukha sa gilid. “Hindi.”

“Hindi ako
잠긴 챕터
앱에서 이 책을 계속 읽으세요.

관련 챕터

최신 챕터

DMCA.com Protection Status