Share

Kabanata 60 Huwag Mo Na Siyang Distorbohin Ulit

“Hindi ako makapaniwala. Model couple kayong dalawa.”

“Totoo ka ba? Nagbibiro ka, tama?”

“Napaka gwapo at devoted ni Jake. Bakit kayo naghiwalay?”

Hindi makapaniwala ang grupo. Sa sandaling yun, sumingit naman ang sarkastikong sagot ni Emily. “Oo, nagloko lang naman ang devoted niyong Jake, at ang kabit niya ay ang half-sister ni Chloe.”

Nagpalitan ng tingin ang grupo at hindi makapaniwala, hanggang sa ang ex-class monitor na si Peter ay binago ang usapan, inudyok niya ang lahat na ituon ang atensyon sa pagkain. Natigil na rin ang usapan, pero may mga ilang coursemates nila ang lumapit para pagaanin ang loob ni Chloe.

Pagkatapos makainom ng tubig, tumayo si Chloe para magpunta sa banyo. Napansin yun ni Peter at sinundan siya. Nang lumabas siya sa banyo, nakita niya si Peter na naghihintay sa hallway. Tinanong niya ‘to, “Magba-banyo ka rin ba, Peter?”

“Hindi, hinihintay kita.”

“Hinihintay mo ako?”

Nakainom na rin si Peter, at mabagal na ang pagsasalita niya habang sinasabi, “Chl
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status