MATAGAL NA TINITIGAN NI TRINI ANG SCREEN NG CELLPHONE KINABUKASAN. Nakahiga siya sa kama at hawak sa isang kamay ang cellphone. May hinihintay siyang text message—o tawag.
Hindi galing kay Deewee, kung hindi kay Gene.
Matapos siyang ihatid ni Deewee kagabi ay kaagad siyang lumipat sa kabilang bahay upang silipin kung naroon ang kaibigan. Mahigit isang oras pa silang nanatili sa pub bago niya niyaya si Deewee na umuwi na.
Base sa narinig niyang usapan nina Gene at Capri sa telepono kagabi ay aalis si Capri kaya hindi niya inasahang may tao. Gamit ang duplicate niya ay pumasok siya sa bahay ng kaibigan at hinanap ang cellphone. She found it in the kitchen, and she was about to go upstairs to check on Gene when she heard an odd sound comi
THE PLACE WAS CALLED SUMMER SALT RESORT. Bagong tayong resort iyon na hindi pa gaanong napupuntahan ng mga turista. Isa si Deewee sa mga naunang nakapag-pa-reserve sa pamamagitan na rin ni Phillian. Nang malaman ng manager ng resort na kapatid ni Phillian si Gene ay nagbigay pa ito ng dinner and drinks on the house.Alas-sinco ng hapon na sila nakarating doon, Biyernes. At sa Linggo pa ang kaarawan ni Trini.They had a nice dinner on the balcony of the restaurant, overlooking the white-sand beach along the coast of Batangas.Habang nasa harap ng hapag ay ramdam ang pagkailang ni Deewee. Wala pa itong ideya sa takbo ng isip ni Gene, pero ramdam nito ang bakod na inilagay ni Gene sa pagitan nila. Trini would often open a topic, si Gene ay
UMAGANG NAGISING SI TRINI NANG SUMUNOD NA ARAW. Bumangon siyang magaan ang pakiramdam—she was ready for the day!She wore her new one-piece white bikini and wrapped a black see-throughmalongaround her waist. Sa kaniyang mga paa ay ang pares ng white sandals. Ang kaniyang buhok ay tinali niya ng kung paano na lang. Bitbit ang summer bag na may lamang essentials ay humakbang siya patungo sa pintuan— balak niyang katukin muna si Gene bago si Deewee. Hindi niya alam kung gising na ang mga ito dahil wala siyang natanggap na kahit anong mensahe mula sa dalawa.It was only seven; and the sun was perfect for their skin. Yayayain niya ang dalawang magbilad sa ilalim ng araw.Pagbukas niya ng pinto ay kaagad siyan
NATATAWANG SINUNDAN NG TINGIN NI GENE SI DEEWEE NANG SANDALI NAGPAALAM ANG HULI UPANG BUMALIK SA HOTEL. Biglang sumakit ang tiyan nito dahil sa nakaing almusal. Doon nila nalaman na alergic ito sa crustacean, at ang soup na ni-order at pinatikim dito ni Trini ay may crab meat na bawal dito. Hindi iyon nalasahan kaagad ni Deewee dahil sa creamy soup, at saka lang nito nalamang inaatake na ng allergy nang mangati ang katawan at biglang humilab ang tiyan. He had to hurry back to his room before it was too late."'Ta mo 'to, nagawa pang tumawa," suway ni Trini kay Gene bago ito umayos sa pagkakaupo. Nagpresenta itong sumama kay Deewee, pero tumanggi si Dee dahil nasa kalagitaan pa lang daw ng pagkain si Trini at ayaw makaabala. Ayon pa rito'y minor lang naman daw ang allergy nito at laging may baong gamot sa bag. Nagsabi itong babalik kaagad kapag nakainom
PARASAILING, JET SKIING, AND BANANA BOATING were a couple of activities that Gene and Trini tried when they got to the activity area. Inaliw ni Gene si Trini upang hindi nito maalala si Deewee na sandyang iniligaw ng binata.He encouraged Trini to do the parasailing with him, at noong una'y nagsabi itong mamaya na kapag dumating si Deewee, pero kalaunan ay nakombinsi niya ito nang sabihin niyang pagdating ni Deewee ay ang mga ito naman ang sunod na sasakay roon. She conceded, at nang makababa ay naging hyper hanggang sa tuluyan na ring nawala sa isip nito ang isa.Pagkatapos ng parasailing ay nag-karera naman silang dalawang sakay ang jetski. Trini won the race and bragged about it. She was so proud of herself because she beat him, and he couldn't help but laughed at her. Kung alam lang nito na sadya si
"WHAT'S HAPPENING, GENE?"Ang akmang pagdadala ni Gene sa mug na puno ng beer sa bibig ay nahinto nang marinig ang tinig ni Trini sa likuran. Lumingon ito nakita ang paglapit ng kaibigan.It was six thirty in the evening. Naroon pa rin sila sa buntot na isla ng resort.Mag-a-alas dos na nang matapos ang tanghalian nila kanina. Si Trini, nang makabalik sa mesa ay pinasadahan ng masamang tingin ang dalawa dahilan upang tumigil ang dalawa sa iringan. Gene chose to keep quiet as he waited for their food to come, while Deewee digressed Trini's attention by opening up a topic. Ginawa nito ang lahat ng makakaya para makuha ang buong pansin ni Trini at hindi kausapin ang kaibigan.
"SORRY, BUT I DON'T REMEMBER ORDERING SOME DRINKS," ani Deewee nang ilapag ng lady bartender ang baso ng ginger ale sa harap nito."Si Sir po ang um-order para sa inyo," sagot ng bartender sabay sulyap kay Gene na naupo na rin sa bakanteng upuan sa tabi ni Trini.Salubong ang mga kilay na binalingan ni Deewee si Gene. "Why would you get me this, Acky? You know I'm allergic to alcohol, right?""Don't stare at me as if I gave you poison. That is just pure ginger ale; you'll be fine because it has no alcohol content." Inilapag muna ni Gene ang baso ng beer sa mesa bago kinuha ang menu mula sa lumapit na waitress. Tinanguan at pinasalamatan din muna nito ang bartender na naghatid ng inumin ni Deewee, and the lady bartender smiled back to Gene before walking
APAT NA METRO ANG HABA AT DALAWANG METRO NAMAN ANG LAPAD NG PRIVATE HOT SPRING SA BAWAT COTTAGE. Tanging ang glass sliding door ang pumapagitan sa bedroom at sa hot spring area. Ang nakapaligid sa hot spring ay mga bilog at malalapad na mga bato na nagsisilbing sahig ng area, at ang pader na nakapaligid ay natatakpan ng mga Chinese bamboo na ang taas ay umaabot sa tatlong metro. Ang apat na malalaking outdoor lamps lamang ang nagbibigay liwanag sa area na iyon, at ang mga tropical plants na organisadong naka-tanim sa paligid ay nakadadagdag ng magandang ambiance."OK, I'm ready to hit the water," anunsyo ni Trini na ikina-lingon ni Gene.He was staring at the four-meter long pool while waiting for Trini to wear her bikini. She was wearing the one she wore earlier; nilabhan at pinatuyo iyon ng dalaga matapos nitong maligo sa dagat kasama si Deewee kanina. May baon itong manipis na t-shirt at maong na shorts at iyon ang suot nito kanina habang nagdi-dinner sila.Gene could only let out
LALONG NAPABUNGISNGIS SI TRINI NANG MAKITA ANG PAGDILIM NG ANYO NI GENE MATAPOS MARINIG ANG HULING SINABI NIYA. Sigurado siyang lalo itong napikon. Lagi naman, eh. Kapag ganoon ang sinasabi niya rito ay laging umiinit ang ulo ni Gene hanggang sa ipagtabuyan siya.At base sa anyo ngayon ni Genesis, mukhang iyon ang mangyayari."Be careful what you wish for, Trinidad..." ani Gene makaraan ang ilang sandali. Ang tinig nito ay mababa, subalit naroon ang diin sa bawat salitang binitiwan nito."Why would I?" sabi pa niya. "Ilang buwan ko nang inu-ungot sa'yo ang tungkol sa bagay na iyan. Sabi ko sa'yo dati, kapag hindi pa talaga ako nakapag-asawa hanggang sa lumampas ako ng treinta ay anakan mo na lang ako, 'di ba?"Sa loob ng mahabang sandali ay natahimik lang si Gene, habang siya naman ay pigil-pigil ang pagbungisngis."Don't joke about something like that, Trinidad." Walang pagbabago sa tinig ni Gene. "It's not funny; it's nerve-wracking.""Come on," aniya sabay tawa. Sabi na nga ba at m