Share

Chapter Twenty Four

Chapter 24

Nagising ako dahil sa malakas na sigawan at bangayan. May nag-aaway sa labas ng kwarto kung saan ako tinatago ni Caden. Sinubukan kong makatayo, ngunit masakit ang katawan ko at tila namamanhid ito.

Hanggang kailan pa ba ako mabubuhay?

Hanggang kailan pa ako papahirapan ng pamilyang 'to?

Pagod na ako, mentally and physically. Hindi ko akalain na ito ang kapalarang naghihintay sa akin.

Kung alam ko lang na maraming buhay ang kukunin sa akin, e di sana hindi ko na lang tinanggap ang kaso ni Leo.

Pati ang mga mahal ko sa buhay nadamay.

"Gising ka na pala." pumasok si Caden sa kwarto at nakangiti pa ito.

Walang nakakatawa sa sitwasyon ko ngayon.

"Oo, gising na ako. Caden, iuwi mo na ako sa amin. Nagmamakaawa ako." saad ko.

"Alam mo namang hinahanap ka ni Leo. Papatayin ka niya!" nagsimula na naman siyang magalit.

Hays!

Paano ba ako makakagawa ng paraan para makatakas ako sa impyernong 'to?

Paano na si Mama?

Sobrang namimiss ko na siya. Maraming nadamay dahil sa pagkakamali na g
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status