TINATAHIP ng matinding kaba ang dibdib ni Helena nang mga sandaling iyon. Iyon ang unang gabi na magtatabi na sila ni Markus na silang dalawa na lamang at wala na sa pagitan nila si Baby Amanda. May sariling yaya na ito na nag-umpisa noong isang araw.Makaraan ang mahigit dalawang buwan, kanina ay kinumpirma sa kan’ya ng kaibigang doktor na si Raquel, na puwede na siyang ‘magpatabi’ uli. At sa pagkakataon na iyon ay sa lalaki nang pinakasalan niya.“Ready?” May panunukso pa sa tinig ni Dra. Raquel nang itanong iyon sa kan’ya kanina.Namula si Helena. Biglang nahiya at hindi makasagot sa kaibigan.Natawa si Raquel. “Alam mo, para kang teenager na nag-blush diyan!” natutuwa ang doktora sa kaibigan. Pagkuwa’y hinaplos nito ang pisngi ni Helena. “You deserve to be happy, sis. This time, with Markus. Your husband. Unti-unti, napapalagay na rin ang loob ko sa asawa mo. Mabuti siyang tao. At karapat-dapat din siya sa pagmamahal mo.”Naluluhang napatango si Helena. “I told you, ‘di ba? Na mas
NAGISING si Baby Amanda nang pumasok ang mag-asawa sa nursery. Kumislot agad ito sa higaan na para bang naramdaman ang presensiya ng mga magulang. Ibinuka agad ang bibig at nag-umpisang ‘umuha’ ng mahina.“Aba, ang anak ko, naramdaman agad ang pagpasok ng daddy niyang pogi, ah? Hmmn…o, siya halika na. Kakargahin na ‘yan ni Daddy…!” ani Markus na siyang-siya sa anak na nasa bisig niya na. Idinikit niya ang pisngi sa sanggol bilang paraan ng paghalik niya rito.“Pogi talaga, mahal?” sabi ni Helena na tinawag si Markus sa ibang endearment. “Ang yabang naman ng mister ko…!”Lumapad ang ngiti ni Markus. Ang sarap nang napakinggan niya. ’Mahal’ daw. At kinilig siya. Hindi lang nagpahalata.Kinabig niya si Helena padikit sa kanila ng anak nito. “Tingnan mo, nakasimangot ang anak mo. Kinokontra mo kasi ako, eh…!”Nagtawanan sila. Nakitawa rin ang yaya na si Lorna.“Himbing na himbing na nga po ‘yan kanina. Siguro nga po’y naramdaman na paparating ang daddy at mommy niya kaya ayan, nagising.”
“MAY napapansin ako, apo.” ani Doña Amanda sa harap ng pag-aalmusal nila kinaumagahan.Nagtatanong ang mga mata ni Helena sa abuela.“Ang saya-saya mo ngayon.” nanunukso ang tono ng matanda.“Lagi naman akong masaya lola. Of course with you, with my husband and now, because of my Baby Amanda.”“Hmmn…iba ang saya mo ngayon, apo.” Ayaw paawat ng donya. Sumulyap pa ito kay Markus na ngingiti-ngiti lang sa pagitan ng pagsubo. “Baka masundan agad ang apo ko sa tuhod?!”Nasamid si Markus. Bale ba’y humihigop na ito ng kape.Ang lakas ng tawa ng matanda.“Ang lola talaga, nang-iintriga!” alangang matatawa o maiinis si Helena sa abuela. Hinagod nito ang likod ng asawa. “Okay ka lang, mah – M-mac?” Pinigil niya muna ang sarili sa pagsambit ng bagong endearment sa asawa dahil lalo silang tutuksuhin ng matanda.Tumango si Markus. Pinahid na lang nito ang talsik ng kape sa kan'yang polo shirt at natawa na lamang sa lola ng kabiyak sabay ganti na lang ng biro. “Okay lang po ba lola na sundan aga
KANINA pa pabalik-balik ng lakad sa pasilyo ng ospital si Efraim. Hindi mapakali. Halata sa anyo ang stress. Ang mabigat na dinadala.“Efraim…!” Labyaw dito ng tiyahing si Mary. “Can you calm down? Come here. Instead of worrying, let's pray. Please?” Tinapik pa ng may edad na babae ang bakanteng upuan na katabi nito para maupo doon ang pamangkin. “I’m worried about you too, hijo. Hindi lang kay Glenda. Baka kung mapa’no ka rin diyan!”Napahinuhod si Efraim. Tumabi nga ito sa tiyahin na agad hinawakan ang mga kamay niya at sumambit ng taimtim na dasal.“I c-can’t help it, auntie…” napaiyak na ang lalaki matapos ang panalangin ni Mary. Umiyak ng labis sa sariling mga palad.Hinagod ni Mary ang likod nito. Niyakap ang pamangkin.“It’s been four years. And this is the third pregnancy of my wife. Ano, mawawala na naman ba? Sobra kaming nag-iingat. Sobra ko siyang iniingatan, auntie…!”“Ssshh…! I know, I know.” Napaluha na rin si Mary. “Makakaligtas ang anak ninyo ngayon. Pakikinggan ng Diy
“MARKUS…!” may tumawag sa pangalan ni Markus habang papalabas na siya ng building ng P&A Corp.,matapos ang nakakapagod na maghapong pagta-trabaho sa opisina.Nilingon ni Markus ang tumawag sa kan’ya. Nasorpresa siya nang malamang ang dating kaibigan na si Lester ang nagtawag. Kasunod niya ito na kalalabas lang mula sa elevator.‘Dating kaibigan,’ dahil umpisa nang ma-involved siya noon kay Helena, at inisip nitong binalewala niya ang pagkakaibigan nila dahil sa hindi niya pagsasabi rito ng mga naging ganap sa buhay niya, umiwas na ito sa kan’ya at maging siya man, hindi nag-reach out na ibalik sa dati ang samahan nila.Huminto siya sa paghakbang upang makaantabay ito sa kan’ya.“S-sir Markus ---” ani Lester na nag-aalangan.Kumunot ang noo ni Markus. “Makoy, Lester. Kagaya ng dati. Ako pa rin si Makoy na kaibigan mo. Dati…”Napayuko si Lester. Napahiya. Nahalata iyon ni Markus. “N-nakakailang nang tawagin kita ngayon sa pangalan mo lang. Boss na kita.”Natawa ng mahina si Markus. “Da
MARAMI nang nangyari sa buhay nina Markus at Helena sa loob ng halos apat na taon nilang pagsasama bilang mag-asawa. Sa kabila ng sa maling paraan sila nagkaroon ng kunwari’y ‘relasyon,’ nauwi naman iyon sa totohanan at nasumpungan nilang mahalaga sila sa isa’t-isa.Si Markus ay nakatapos ng kolehiyo at nagkaroon ng degree. At dahil alam niya na’ng deserving na siya para tumaas ang lebel ng trabaho niya sa kumpanya ng mga Montenegro, tinanggap niya ang posisyong ibinigay sa kan’ya ng kabiyak niyang CEO ng P&A Corp. Siya na ang Marketing Director ngayon sa kumpanya na responsible sa direction, guidance at leadership ng marketing. Ang tanggapan niya ang tipikal na namamahala sa marketing strategy ng kumpanya pagdating sa kanilang mga produkto. Bagay na nagagampanan niya nang buong husay kaya naman napabilib niya ng husto si Helena. Anito, hindi siya nagkamali ng pagtitiwala kay Markus. Si Doña Amanda’y ganoon na lamang din ang paghangang nabuo sa kabiyak ng kan’yang apo.Hindi na rin tu
HINDI naikubli ni Helena ang pagiging matamlay kahit pilit nitong pinasisigla ang sarili habang pinapalitan ng disposable diaper ang anak. At hindi iyon nakaligtas sa pakiramdam ni Markus.Habang binabagtas nila ang daan pauwi, lalo itong tumamlay nang makatulog na sa kandungan nito si Mandy. Malungkot ang mga mata nitong nakatanaw lang sa bintana ng kotse. Paminsan-minsa’y kumukunot ang noo at tila kaylalim ng iniisip.Ginagap ni Markus ang isang palad ng kabiyak at marahan iyong pinisil. “Okay ka lang, mahal?” ani Markus na dinala pa sa labi niya ang kamay ng asawa.Pilit na ngumiti si Helena. “Napagod lang ako, mahal…”Tumango si Markus kahit hindi kumbinsido sa narinig. “Gusto mong dumaan muna tayo kay Dra. Raquel? Sa bahay niya?”Umiling si Helena. “Nothing to worry, mahal. Pagod lang talaga ako.”Nagkibit balikat na lang si Markus. “Okay. Malapit na naman tayo sa bahay. Magpahinga kang mabuti. Hindi kita iistorbohin.”Mahinang tumawa si Helena. “What do you mean na hindi mo ako
SINALUBONG si Efraim nang araw na iyon ng mga kasambahay nilang nag-aalala.“Kanina pa po kami kumakatok sa silid ninyo Sir, para pakainin sana si Ma’m Glenda pero hindi po niya kami pinagbubuksan. Wala rin po kaming naririnig na anuman mula sa loob.”“Then get the duplicate key para nabuksan n’yo sana ang kuwarto!” Galit si Efraim.“H-hindi po namin makita ang mga duplicate na susi, Sir…!”“What?!”“B-baka po, itinago ni Mam Glenda, para hindi po namin siya ma-monitor katulad ng lagi ninyong ibinibilin.”Napahugot ng malalim na hininga si Efraim. Sunod-sunod itong kumatok ng malalakas sa pinto. “Glenda sweetheart, I’m here. Buksan mo ang pinto…!”Walang tugon.“Sweetheart, please? Open the door…!” sunod-sunod uling katok ni Efraim.Wala pa ring tugon.“Glenda, ano ba? Buksan mo ang pinto!” nauubos na ang pasensiya ni Efraim. Lagi na lamang bang ganito? “Sweetheart, please? I will break this door down if you don’t open it!”Wala talagang sumasagot.Nagpasya na si Efraim. Bum’welo siya