****Hindi napansin ni Lia na dalawang counter meron ang bar at ang napagtanungan nila ay bago at hindi talaga alam kung sino ang may ari ng bar. Tinutukoy nito ay ang kasama na may kausap din kanina lang sa phone kaya inisip ng bartender na ito ang hinahanap nila ang lalaking dinala sa loob ng opisina.. Balisang tinawagan muli ni Lia ang number ni Kurt pero ngayon out of coverage na to kaya mas lalo siyang naiirita. Kung anu anu ng pumapasok sa isip niya sa mga oras na to. Iniisip niya na baka may nangyayari na ngayon kay Kurt at duon sa babaeng kausap niya kanina sa line.. " Lia.. tara may isa pa duon.." akay ni Noah sa kamay niya saka siya hinila sa kabilang parte ng bar. Malawak ding hamak ito kaya nakakalito.. [TIFFANY POV] Ibinagsak ko agad ang lasing na to sa kama ko nung makapasok kami at banyo agad ang punta ko.. Hinubad ko ang blouse ko.. Kinuha ang towel, binasa ito saka pinunas ang dibdib kong malagkit. Shit... Basa ang damit ko at hindi na pwedeng masuot.. napatin
****Nasa sasakyan na sina Lia ng magtanung muli ito kay Noah patungkol duon sa babae kanina na tila kilala niya.. "Anu mo siya? Ex?!" prangkang tanung ni Lia kay Noah na nakatingin sa daan ng paandarin nito ang sasakyan.. " Yeah.." simple at mabilis na sagot ni Noah. Wala ng naging paligoy ligoy pa. " Oh.. I see.." " Don't ask anything more Lia.." nauna ng paalala ni Noah rito.. Ayaw niyang pinag uusapan ang nakaraan na.. " Don't worry if mag tatanung ako hindi tungkol sa past nyu kundi tungkol duon sa babae.." " What? Why are you afraid she might like Kurt?" " No!" Nagkibit balikat lamang si Noah tapos naging tahimik.. Habang si Kurt naman ay nakahiga sa likod at wala pa din malay.. sa sobrang kalasingan.. " So anung plano? Dadalhin ba natin siya senyu or ihahatid sa kanila?" naging seryoso ang mukha ni Lia at panandaliang hindi nakasagot. Huminga ito ng malalim.. "Sa bahay na lang, Noah.. hindi ako handang makita ang mommy niya..Baka kung anu lang ang masabi kong hindi
KINAUMAGAHAN>>> ****Minulat ni Kurt ng dahan ang kanyang mga mata bago tumingin sa kanyang paligid. Hindi ito pamilyar sa kanya, wala siya sa kanyang bahay. Tumayo siya ng buong pagtataka ang kanyang mukha at sinubukang balikan ang mga pangyayari kagabi. Iniling niya ang kanyang ulo sa pagbabakasakaling may maalala pero wala talaga. Muli niyang tinignan ang palibot. Nasaan ba siya. Anung ginagawa niya sa kwartong ito? Bumalin siya sa kanyang suot at ito pa rin iyon. Naalala niya nasa bar siya pero hanggang duon lang at hindi niya na alam ang sunod na nangyari. Inisip niya kung bakit siya nagpunta ng bar at dahil nga ito kay Lia. Lumabas ng kwarto si Kurt para umalis na sana pero namukhaan niya ang sala nito. Bahay ito ni Lia. Anung ginagawa niya rito? Ang pagkakaalam niya sa bar siya huling nawalan ng ala ala. Napapaisip siya ngayon kung paanu siyang napunta roon. Dahil nalaman na bahay ito ni Lia ipinagpaliban niya ang pag uwi at hinanap si Lia ng tahimik. May dalawang kwarto la
"Iba naman ang samin ni Kurt.." pagdadahilan ko sa kanya.. "magkaiba man parehas pa din namin kayong nasaktan." pagkontra niya. "May dahilan ka kaya mo yun nagawa sa kanya Noah." "He might have as well, Lia. You should let him explain his side." Napaisip ako sa sinabi niya. Anu nga bang dahilan ni Kurt para gawin yun sakin. "Sorry Noah.. Magluluto pa lang ako ng breakfast.." umiling lang si Noah. "Walang problema. We can order online.. Ako ng oorder." tumango lang ako bilang pag sang ayon. Naalala ko ang kuya ko kung anu na bang nangyayari sa kanya ngayon. Tinatawagan ko si Hiro pero hindi ito sumasagot. Hindi na ako makakapag antay makita ang kuya ko at malaman kung sino ang gumawa nito sa kanya. Sana lang talaga walang kinalaman dito ang Dad namin dahil hindi ko talaga siya mapapatawad. [HIRO POV] I want to call Lia to let her see her brother pero andito lagi ang Dad niya malapit sakin. Hindi ako makabwelo. Baka kung kuhanan ko naman ito ng litrato mag isip ito ng kakaiba.
Tama ang naging hinala ng Donya na nasa ospital si Kurt hindi pa man nasesend sa kanya ang address. Sa salitang binitiwan pa lang ng lalaki sa kabilang line alam na agad na nasa ospital ito. Mabilis na pinahanda ng Donya ang sasakyan kay Mang Canor at agad na tinungo ang nasabing hospital. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating sila sa lokasyon. Agad na bumaba ang donya at dumiretso sa loob ng hospital. "Asan ang anak ko??!! Kurt Morgan.. Kurt Morgan ang pangalan niya.." nanginginig ang mga boses niyang tanung sa nurse sa lobby. Tumingin ito sa list at agad sinabi ang room number. Lumakad agad ang donya patungo ng elevator para puntahan ang kwartong nasabi. "Anung nangyayari?!" hysterical na tanung ng Donya ng maabutan niya ang ginagawang pagrevive sa kanyang anak. Bago pa man makalapit ay pinigilan na siya ng mga nurse."Kurt!! Anak ko!! Kurt! Parang awa mo na anak! Wag mo kong iwan.. Mag isa ko na lang anak kung pati ikaw mawawala... Kurt!!" walang humpay na sigaw at pagwawa
[LIA TANAKA POV] "Anu hong sinasabi nyu? Anung ikagagalit ni Kurt sa pamilya ko?!" basag ang boses kong tanung sa kanya. "Bakit hindi mo alamin sa kuya mo?! Bakit dimo alamin sa demonyo mong ama??" Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa mga pinagsasabi niya.. "Patay na ang kuya ko!! Wala na siya kaya sabihin mo na sakin kung anung tinutukoy mo.. Kuya Aki was dead now.." Nakita ko na bahagya siyang kumalma pero patuloy pa din ang pagpatak ng luha niya sa kanyang mga mata. Lumitaw ang punit sa mukha nito sanhi ng iyak bago siya muling magsalita. "Nagpakamatay ang anak ko dahil sa kuya mo!" Tumangis ito ng husto, humawak sa bibig para pigilan ang malakas na pag iyak.. Anung ibig niyang sabihin roon.. Bakit magpapakamatay si Natalie ng dahil kay kuya. "Ang kuya mo ang kaisa isang minahal ni Natalie, ang pinakamamahal na kapatid ni Kurt.." Nagsimulang mas bumilis ang kaba sa dibdib ko. Inaantay ko ang sunod niyang sasabihin pero hinimatay siya. "Donya.!" sigaw ni Manang G
[LIA TANAKA POV] End of the month at ang dami kong need tapusin pagkatapos ay sasabayan pa ng babaeng yun.. Minadali ko talagang makauwi para pumunta ngayon dito kela Noah. Gusto kong pagsabihan niya ang ex niya sa pagdamay sakin sa issues nila. "What is it so important na pag uusapan natin? Hmm nag dinner ka na ba? Dito ka na kumaen." "About sa kinababaliwan mong si Tiffany.. How dare she is.." iritang sabi ko at sakto naman ang dating ni Charlotte at Oscar.. "Oh! Lia andito ka din pala?!" Excited na sabi ni Oscar. "Sakto! Kumpleto tayo." singit ni Charlotte. Hindi ko naintindihan ang mga sinabi nila dahil mas naging interesado ako sa pagdating nila ng sabay.. Teka ang dalawang halos isuka ang mukha ng isa't isa magkasama ngayon? Totoo ba to o nananaginip lang ako? "Edi tamang tama, sabay sabay na tayong mag dinner.." pahayag ni Noah. "Wait! Hindi pa tayo tapos mag usap Noah.. Wag mo ibahin ang topic natin." "Later na yan.. Handa na ang pagkaen kaya kumaen na muna tayo.."
" Ah yeah may bet kami.. Kasi trip ko lang kaya hinumok ko siya. Hahaha." may kasamang tawa ang sagot ni Charlotte. [Charlotte Jones POV] I don't know kung sasabihin ko bang hinalikan ko si Oscar kaya nauwi sa bet. Malakas kasi talaga ang pakiramdam kong may natitira pang lalaki sa pagkatao niya kasi kung wala man bakit gumanti siya sa ginawa ko. Supposed to be kapag mga gay talaga hindi yan papayag mahalikan sila ng babae. So it's either he's a gay or bisexual.. Oo nga pala hindi ko yun pwede sabihin kahit kanino pa. Nangako pala ko kay Oscar about dun kasi hindi siya papayag sa bet. Ako naman hindi ko alam kung bakit ako nag tithrill. It's like I want to find out kung may chance pa nga bang maging tunay na lalaki pa siya.. He's handsome and smart. Hindi imposibleng magustuhan ko siya kaysa naman sa Migz na yun na presko.. Akala mo kung sinong gwapo.. Mukha namang maliit.. "So anu may balak ka bang ishare sakin? Paanu nauwi sa bet?" tanung uli ni Lia ng hindi na ako umiimi