“Kasalukuyan akong nakatayo dito sa harap ng gusali nang kumpanya nila Marjorie, nag half day lang muna ako sa trabaho upang pagbigyan ang kahilingan nito at para na rin hindi siya matanggal sa trabaho. Ganyan kô kamahal si Marjorie kahit pride ko ibababa ko para lang sa kanya.“Babe, nandito na ako.” Anya sa kabilang linya, kausap ko ngayon sa cellphone si Marjorie upang ipaalam sa kanya ang pagdating ko.Makalipas ang ilang minuto ay bumaba si Marjorie sa lobby at nakangiti na lumapit sa akin.“Let’s go?” Anya kaya tumayo na ako at nilagay ko ang kanang braso ko sa baywang nito upang alalayan ito. Napansin ko lang na panay ang tingin sa akin ng mga tao sa aming paligid marahil dahil sa tomboy ako? Hindi ko na lang pinansin ang mga ito at nagpatuloy na lang sa paglalakad patungong elevator.Pagpasok sa loob ng elevator ay sinuri ko ang aking ayos, disente naman akong tingnan sa suot kong baby blue na long sleeve na nakatuck in pa sa maong pant’s na suot ko at nangingintab din ang iti
Naiwang tulala si Marjorie sa labas ng opisina ni Zac hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari at labis siyang naguguluhan kung bakit siya na-assign kay Mr. Emerzon, ang tiyuhin ni Zac, bilang secretary nito. Walang nagawa ang dalaga kung hindi sundin ang naging desisyon ng kanyang boss. Anya mas mainam na sa kanya ang ganito kaysa naman ang makulong si Vernice. Sinimulan na niyang iligpit ang kanyang mga gamit at maghanda sa paglipat sa kumpanya ni Mr. Emerzon.Samantala sa loob ng elevator ay nanatiling tahimik ang dalawa na tila nagpapakiramdaman sa isa’t-isa. Ngunit hindi lingid sa kaalaman ni Vernice na kanina pa sinisipat ng tingin ni Zac ang kabuuan ng kanyang fiancee habang tahimik na nag-iisip ng paraan kung paano niya makakapalagayang loob ang dalaga. Tahimik lang si Vernice na nakatayo ng tuwid habang nakasilid ang dalawang kamay nito sa bulsa ng kanyang pantalon. Iniisip niya ng mga sandaling ito kung paano pakikitunguhan ang kanyang bagong boss ng hindi sila nito nagbab
“You know, you are wasting our time,” anya ng lalaki sa unahan, halatang nababagot na ito. Maging ang ilang empleyado at board member ng kumpanya ay hindi na rin maipinta ang mga mukha habang nakatingin silang lahat sa akin. Sa palagay ko ay hindi pa naman ganun katagal simula ng putulin ko ang report nito.Ilang sandali pa ay biglang nagliwanag ang mukha ko ng makita ko ang butas sa report ng Audit department.“Got you!” Anya bago matamis na ngumiti saka hinarap ang lalaking nagrereport sa unahan. “You know Mr.?” Ani ko na bahagyang huminto at hinintay ang sagot nito.“Larry.” Tipid niyang sagot sa akin na nanatiling seryoso ang mukha, halatang napipikon na siya sa akin ngunit sinisikap pa rin nito na maging kalmado sa harap ng lahat.“Mr. Larry, there’s a one million missing from your report, I’m sure for an ordinary person na walang hilig sa numbers ay hindi kaagad ito mapapansin pero sa mga katulad nating specialty na ang mga numero, it’s a very simple to determine to which part
Pagdating namin sa Villa na pag-aari ni Veronica ay nakabibinging tugtog ng isang rock music ang sumalubong sa amin ni Mr. Hilton. Napakasimple lang ng venue nang party nito ngunit may pagka classic ang dating ng lahat. Kung susuriin mo ang mga bisita ni Veronica ay halos kaedaran ko lang din ang mga ito. Halatang mayayaman ang mga ito dahil makikita sa namimilantik nilang mga daliri at sa kanilang kasuotan na batid kong puro mga branded. Katulad ng suot ko ngayon na binili sa akin ni Mr. Hilton, simple mang tingnan ang aking suot na light brown, long sleeve polo at maong pants ngunit ang halaga nito ay umabot na sa halagang twenty thousand.Pagpasok namin sa gate ay napalingon sa aming direksyon ang mga kababaihan na mukhang nabighani sa kagwapuhan ng boss ko. Nakadama ako ng hiya dahil hindi ako sanay sa ganitong klaseng tingin na ibinibigay ng lahat sa amin. Ngayon ko lang natuklasan kung gaano kasikat si Mr. Hilton dahil kahit saan kami magpunta ay halos kilala siya ng lahat ako la
“Woahhh! Amazing…” narinig ko na komento ng ilang mga tao sa aking paligid, makikita sa kanilang mga mukha ang labis na paghanga hanggang kalaunan ay sinasabayan na nila ako sa pagkanta. Nakapaskil ang isang magandang ngiti sa labi ko kaya naman kita ko kung paano kiligin ang mga babae habang ang kanilang mga mata ay nagniningning. Ngunit imbes na matuwa ay tila nakakaramdam ako ng inis ng mahagip ng aking mga mata ang kinaroroonan ni Mr. Hilton.Hindi na kasi umalis sa tabi nito ang babaeng lumapit sa kanya kanina at mukhang nagka-palagayan na ng loob ang mga ito. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang kamay ng babae na masuyong hinihimas ang pagitan ng mga hita ni Mr. Hilton. Hindi ako innocente sa kung ano ang nais mangyari ng babae.Nang magawi ang aking tingin sa mukha ng binata ay bigla akong napalunok, dahil ng ngumiti siya sa akin ay pakiramdam ko tumalon yata palabas ang puso ko.”“Every color and every hueIs represented by me and youTake a slide in the slopeTake a look
Vernice Point of view “Kasalukuyan akong naglalakad sa pasilyo ng building patungo sa opisina ni Mr. Hilton. Sa totoo lang ay wala na sana akong balak na magpakita pa sa kanya dahil sa nangyari ngunit alang-alang kay Marjorie ay titibayan ko ang aking loob. Pagdating sa loob ng opisina nito ay kaagad kong inayos ang mga gamit na nasa ibabaw ng table nito. Maging ang mga files na kailangan nito at ang mga dokumento na kailangan ng kanyang pirma ay nakahanda na rin. Dinouble check ko rin ang lahat ng kanyang schedule para sa mga importanteng meeting ni Mr. Hilton at ang lahat ng iyon ay maayos na nakaorganize sa ibabaw ng table nito.Nang matapos ay hinarap ko naman ang tungkol sa record ng kumpanya maging ang mga previous record nito. Sinuri kong mabuti ang sale’s ng kumpanya pati ang lahat ng ongoing and outgoing transactions nito. Masyadong mabusisi ang pag-iimbestiga sa ganitong case lalo na at hindi ko naman linya ang trabahong ito. Kaagad na hinagilap ang listahan ng contact numb
Galít na hinagis ni Vernice ang tatlong folder sa ibabaw ng kanyang table habang nakatayo siya sa likod ng kanyang upuan at mahigpit na nakakapit sa sandalan nito. Naiimbiyerna siya sa mga balance sheet at income statement na ibinigay sa kanya ng team ni Larry mula sa Audit department. Labis siyang pinahihirapan ng mga ito dahil hindi sila nakikiisa sa pag-iimbestiga na ginagawa niya sa record ng kumpanya na ayon sa report ay nawawala ang mahigit isang milyon sa kita ng kumpanya para sa nakaraang taon. Mayroon namang nag-iimbestiga sa nakawang nagaganap sa loob mismo ng kumpanya ngunit nais ng kanyang boss, si Mr. Hilton, na magkaroon ng personal investigation dahil wala itong tiwala sa mga tao sa kanyang paligid.Kakat’wâng ang baguhan na tulad niya ang higit na pinagkakatiwalaan nito kaysa sa mga datihang empleyado, na maging siya ay labis na nagtataka kung bakit ganun na lang siya kung pagkatiwalaan nito. Hindi na kinaya ni Vernice ang tinitimping galit kaya personal na siyang tumu
Vernice Point of view “Kararating ko lang galing trabaho at pagod na pagod ako, hindi lang ang katawan ko kundi maging ang utak ko. Dahil sa pagreresolba sa nawawalang halaga mula sa kita ng kumpanya at konting kembot na lang ay matatapos ko na ang lahat. Lalo na at natuklasan na kung kaninong account pumapasok ang mga outgoing transaction na illegal na ginagawa ng mga ilang empleyado na involve sa case na ‘to.Naudlot ang pag dukot ko ng susi mula sa bulsa ng aking pantalon ng makarinig ako ng mga kaluskos na nagmumula sa loob ng bahay.Pagpihit ko sa seradura ng pintuan ay hindi ito nakalock kaya tama ang hinala ko na may tao sa loob ng bahay. Impossible naman na si Marjorie ang dumating gayung masyado pang maaga. Nakausap ko kasi ito kanina sa phone at nagpaalam sa akin na malilate daw siya ng uwi.Pagbukas ko ng pintuan ay tumambad sa aking harapan si Alex na mag-isang nag-iinom sa may sala’s. Bigla itong lumingon sa akin at isang tipid na ngiti ang ibinigay niya sa akin ngunit h