Share

KABANATA 4

Ilang sandali natapos ko na ang pagaayos ng napamitas. Tumuloy na ako sa hapag, nahagip ng mata ko si Don Griyego nagbabasa ito ng dyaryo. Matapos akong bumati ay bumaling ang paningin nito saakin.

“Hija, namitas ka ba ng mga bunga sa hacienda?” tanong nito. tumango ako at dumugtong.

“Mga hinog ho ang kinuha ko upang hindi na maghintay bago kainin.” napangiti ito.

“Napakatatamis ng mga bunga ng prutas roon, noong kabataan ko’y hindi pa man sa akin ang lupa iyon ay lagi akong pumupuslit upang makapasok para lamang makakuha ng mangga.” kumikislap ang kaniyang mga mata na animo’y binabalikan ang matamis na nakaraan.

“Ipasabi mo lang kung kailan mo nais bumalik roon, napakasariwa ng hangin at napakaganda ng tanawin mula doon.” dugtong pa niya, tama siya gugustuhin ko ngang bumalik sa hacienda. Wala ang mahaba-habang lakbayin kung ganoon kaganda ang tanawing maabot ng iyong pantingin.

“Sige ho, ngunit ayaw kong makaistorbo sa mga tao doon kaya bibisi-bisita nalang ako kung may libreng oras.” sagot ko, habang pinagpapatuloy ang pagkain. May biglaang pumasok na katulong animo’y hingal na hingal sa pagtakbo.

“Don Griyego narito na si Augustin.” pagabot hininga ng babae. May bahid pagaalala ang mga mata ni Don Griyego ngunit sumilay ang isang nakakakilabot na titig nito.

“Papasukin mo, sabihing kumain kasabay namin.” anas ng matanda. dali-daling sumunod ang babae. Pagdaka’y may iniluwa ang lagusan patungo sa hapag-kainan. Isang lalaki. Sugatan ito ngunit hindi tawag pansin ang mga pasa at galos nito kundi.

Ang katangkaran nito, ang pagtindig na animo’y perpekto, ang itim na itim na buhok, may napakagandang hugis ng katawan, may mga matang asul na napakalalalim tila nakakalunod ito kung tumingin, ang matangos niyang ilong, maninipis na labi, at morenong kulay ng balat. Ni ayaw kong pakatitigan ito, nakalulunod ang lalaki. ramdam na ramdam ko ang pintig ng aking puso sa ‘di malamang dahilan.

“Magtigil ka.” marahang paalala ko sa aking isipan, nakakawala sa wisyo ang presenya ng lalaki.

“Augustin, saan ka nanggaling?!” may pagaalalang tinig ni Donya Felicidad kanina’y hindi ko halos napansin ang matandang babae.

“Griyego ang anak mo. Flora tawagan mo ang doktor!” hindi mapakaling sambit nito.

“Ayos lang ho ako, wag ho kayong magalala. Malayo ito sa bituka.” asal ng lalaki. bago umupo sa hapag at nagsimulang maglagay ng pagkain sa kaniyang plato.

“Hindi ko inaakalang mapapaaga ang luwas mo. Augustin” kaswal na imik ng matanda. tila nagbabanta ang bawat kataga nito.

“Marahil may pagtawag dito sa nayon kaya ako naparito ngayon, Ama.” umiiling na balik ng binata. Napakatindi ng hangin sa loob ng hapag ngayon.

“Bakit ka naririto Pablo? tapos na ba ang pagaani sa hacienda?” dugtong pa ni Augustin.

“Tapos na, nagdala kami ng mga manggang napitas sa Hacienda.” sabat ni Pablo. Umikot ang paningin ni Augustin sa buong hapag, tumigil ito saakin. Wala itong sinabi at pinagpatuloy ang pagkain.

“Amelia, magpakilala ka.” utos ng matandang babae.

“Bagong kasambahay ninyo, Amelia.” buong galang kong pagpapakilala. Sumabat ang

matandang lalaki.

“Bisita ka Amelia hindi katulong.” asal nito. May pagtataka akong sumangayon.

“Ganoon, magandang araw binibini. Ano ang mga kaya mong gawin?” sabi ni Augustin at kumindat pa. Bahagyang lumaki ang aking mga mata, hindi ko inaasahan ang tanong nito.

“Augustin, wag kang bastos.” anas ni Don Griyego.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status