"Sige pa 'nay hilutin mo pa likuran ko, ayan nga diyan nga! Sus, grabe ang sarap sa pakiramdam." pipikit-pikit pa na wika ni Aula habang minamasahe siya ng kanyang inay sa kanyang likuran. Nakadapa kasi siya sa ibabaw ng sofa."Umuwi na tayo sa probinsya namimiss ko na ang mga kalabaw ko." sabi ng kanyang itay habang malungkot na nakatanaw sa bintana sa condo na kinaroroonan nila.Si Nicolo kasi ang nagpresenta na mag-stay muna sila sa isang condo na sila lang apat na mag-anak. Hinayaan muna siya nito na makasama ang pamilya niya pero isang linggo lang habang nagpapagaling siya.Kinarir na lang niya pagpapagaling bago ulit siya magtrabaho dahil makulit si Nicolo. Para siyang babasaging kristal kung ituring nito!Huh! Nunca naman na ituring siya 'nun na ganyan. Siguro dahil kasama niya ang mga magulang kaya nagpapakita na mabait na naman ito."Uwing-uwi na ba talaga kayo satin?" tanong niya."Hintayin na lang muna natin ang isang linggo. Matikman man lang natin ang buhay ng syudad." s
Mabilis na lumipas ang dalawang araw ay naroon na nga sina Aula at ang pamilya nila sa Tarlac.Nagpasalamat muna ang mga ito kay Nicolo bago sila umuwi at hinatid sila ng driver ni Nicolo sa van na ginamit nila pauwi. Laking tuwa ng mga magulang niya nang makabalik ang mga ito sa probinsya nila.Lalong-lalo na ang kanyang itay na miss na miss na nito ang alaga nitong kalabaw lalong-lalo na si Isko.Biruin mo dalawang araw lang ang mga ito sa Manila pero uwing-uwi na agad.Talaga nga naman na simple at payak na pamumuhay lang ang gusto ng mga magulang niya.Sa mga sandaling iyon ay kasalukuyan siyang nasa sala ng bahay nila.Medyo nanibago siya sa sikip ng bahay nila.Ikaw ba naman ang hindi manibago ei sa tagal ba maman niya sa manila. Kahit isang buwan pa lang ang pamamalagi niya doon parang ang tagal na niya sa Manila. At mas malawak na di hamak ang kwarto niya sa condo ni Nicolo kumpara sa bahay nila.Maging siya man ay namiss din niya ang probinsya nila na malayo sa kabihasnan.N
Kinaumagahan ay maagang nagising si Aula para maghanda ng almusal.Nang lumabas siya sa kanyang silid ay nakita niyang wala na sa sala si Nicolo. Maging ang mga gamit nito ay wala na rin doon. Maliban lang ang electricfan nito sa gilid na malamang iniwan na lang nito iyon.Hmn, baka napagtanto din nito na hindi talaga maganda na tumira ito sa kanila at malamang hindi naging komportable ang naging higaan nito sa sofa nila na yaring kawayan pa naman.Humigikhik siya.Ano ka ngayon Nicolo, sinasabi ko na sayo hindi mo kaya ang buhay ng probinsya!Grabe hindi talaga siya makapaniwala kagabi na nagtungo ito sa bahay nila. Biruin mo naman, isang artista nakikitira sa bahay nila? Hindi lang iyon baka may makakita dito na taga bukid at malaman nilang naroon sa kanila si Nicolo.Pagkatapos nilang kumain kagabi at tumulong sa kusina ay nagtungo agad siya sa kanyang silid. Ayaw niyang harapin si Nicolo dahil nagagalit at naiinis siya rito.Mabuti na lang at napasarap naman ang tulog niya kagabi
Kanina pang hindi mapakali si Aula habang titig na titig sa hawak niyang cellphone. Gustong-gusto na niyang pindutin ang mensahe na ipapadala sana niya kay Nicolo. Babatiin lang naman niya ito ng bagong taon pero umuurong lagi ang utak niya na huwag na lang.Na-extend kasi ang bakasyon niya na umabot pa hanggang sa pagsulabong niya ng bagong taon. Tinext na lang siya ni Nicolo may ilang araw na ang nakalipas na huwag muna siyang pupunta ng Manila.Laking pagsisi ni Aula dahil bago magpasko ay umalis din si Nicolo. Hindi niya mawari sa kanyang sarili kung bakit naawa din siya sa binata.Magbabagong taon na mukhang malungkot niyang sasalubungin iyon.Huh!? Siya malulungkot? Siguro nako-konsensya lang siya dahil sa pagtataboy niya kay Nicolo!Tumingin siya mula sa kalawakan, maraming mga bituin iyon at mamaya-maya'y samu't-saring paputok na naman ang makikita niya.Napabuntong-hininga siya bakit ba pakiramdam niya sobrang lungkot niya? Hindi naman siya ganun kapag sumasapit ang bagon
Two months later...Marahang tinignan ni Troy ang relong pambisig nang huminto ang sinakyang nilang van sa kung saan ang kaganapan. At alas otso na nang gabi. Nalate pa nga siya ng ilang minuto.It was a big event for him because big actors would come together for the premier night.He doesn't want to attend such events because it really bores him.Pero wala siyang choice kung hindi ang umattend.He decided to go outside the van and as he stepped his foot on the floor, the flash of the camera hit his face.Ganun na ganun na naman ang pakiramdam na nababalandra ang mukha niya sa publiko.Maraming mga camera man ang kumuha ng litrato sa kanya."Troy!" sabi ni Via Barbara at kinuwayan siya nang makita siya nito at nilapitan siya."You look stunning tonight!" bati niya sa kapwa niya artista.Via is the queen of dramas on their network.Well bagay naman iyon sa character nito and he thinks that she's perfect.She was prim and proper na alam niyang maraming artista ang nanliligaw sa dalag
Galit na galit si Aula habang papalayo kay Nicolo.Hindi lang iyon nagngangalit na din ang sikmura niya kasi hindi pa siya kumakain. At nang namataan niya ang mga pagkain na nakaharap sa gilid ay mabilis nag mga hakbang niya na tinungo iyon.Iyon talaga ang punterya niya sa isang party dahil alam niyang may pa-foods! Pero siyempre hindi siya VIP kaya doon lang siya sa pagkain ng mga middle class lang. Pero si Nicolo malamang doon sa pang VIP iyon kakain.Kumuha siya ng pinggan pero platito lang ang mga naroon at peste mukhang walang pinggan.Ganun ba ang mga middle class? Pati plato parang kalahati lang? Mukhang konti lang makakain niya pero di bale na babalik-balik na lang siya hangga't mabusog siya.Grabe takam na takam talaga siya sa kanyang nakikita!Kompleto ang lahat ng iyon, may salad, pork steak, letchon, manok na prito at iba't-ibang klaseng dessert. Basta napakarami iyon para na ngang piyesta iyon sa kanya!Si Nicolo kaya hindi pa ba nakakaramdam ng gutom iyon?Iwinaksi
"Take your hands off her." mahinahong sabi ni Nicolo kay Troy.Hindi niya alam kung bakit kinabahan siya bigla!Nagsukatan na muna ng titig ang dalawa bago siya binitawan ni Troy.Binalingan naman siya ni Troy."Huwag kang mag-alala pananagutan kita sa susunod na magkita tayo." bulong na sabi nito sa kanya atsaka umalis.Nahati ang mga reporter dahil sa pagsunod ng mga ito kay Troy.Nagbibiro lang naman siguro siya? Gaya nang pagbibiro niya kanina na panagutan siya nito. Paano naman kasi parang nawalan siya ng dangal sa ginawa nitong pangbitbit sa kanya sa dilim."She's my P.A and she has nothing to do with him." paliwanag ni Nicolo sa mga tao sa kanilang paligid.Marami ang napanganga sa sinabing iyon ni Nicolo.Pero ang media men hindi pa rin sila tinigilan."Nicolo, totoo ba na magpinsang buo kayo nitong si Troy?" tanong ng isa habang pilit silang sumusuksok ni Nicolo papasok muli sa event at ang mga media ay hindi pa rin pala talaga sila nilubayan."Just leave us alone!" galit na
"Good evening, mom!" bati ni Cherub sa ina nang makita ito siya sa dining table at hinalikan ito sa pisngi.Umupo siya kaharap nito.It was seven in the evening when she came home after launching her new business in New york. She was also a model and ambassador of a well known fashion brand. "Did you hear the news?" "Hear what?""That news!" galit na wika ng ina sa kanya habang kumakain ito ng steak.Yeah, how could she not know that?"So what do you want me to do?""Of course, go back to the Philippines and win his heart again!"She was sitting on her bed when she came inside her room."Mom...""What!?""You know, I can't.""And why not!?""You know the reason why I can't go there.""Tignan mo ang balitang iyan. Hindi ka pa rin ba kikilos?" "How could I do that? Alam niyong galit na galit sa akin 'yong tao.""Pwes, gumawa ka ng paraan. Umuwi ka sa susunod na linggo at ipapakuha kaagad kita ng ticket pauwi ng Pilipinas.""Mom!"Pinanlakihan siya nito ng mga mata."That Bernales is