Share

Chapter 3

LOGAN

"BOSS, titigan mo lang ba si Miss Calli? Hindi mo ba siya lalapitan man lang?" Dev asked me. Nilingon niya ako. He was sitting in the passenger seat while I was looking at Calli behind the tinted window of my car.

Callista Sandoval– Castillejo.

I mentally grinned. Really Logan? Callista Castillejo? What is happening to me? This is far from my philosophy in life, that women are just born to be fucked. I can't deny that she caught my attention the first time I saw her but she is as fragile as glass. I can't wait to hear her beg that I'll fuck her hard.

Si Grec na katabi ko ay panay na naman ayos ng suot niyang tie. I gave him a menacing look. Napalunok siya agad and immediately looked away.

"Invite her to have dinner with me, Grec. Tonight. You know what to do." I said in my authorative voice.

Dev chuckled. "Ikaw ba 'yan, boss? Si Grec talaga ang pag-iinvite mo kay Miss Calli? Nasaan na ang tapang ng isang Mr. Logan Castillejo sa babae?"

Matalim kong tiningnan si Dev. "Shut up, Dev! Madami lang ako gagawin ngayon."

Fucking reason! Damn it!

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Dev. "Iniiwan mo nga ang trabaho mo, boss para sa mga babae mo."

"Mr. Logan, baka hindi siya—" I glared at him. "Y-es, Mr. Logan. Ako na po ang bahala." His voice is shaking in nervousness.

What the hell is wrong with Grec? Naiintindihan ko pa kapag babae na ang nanginginig. It's either of the two— they have reached their orgasms or they are in heaven while I'm fucking them hard and rough.

"Good," tipid kong sagot at muling binalik ang tingin kay Calli na kausap ang mga madre. I wanted to grab her and pin her on the wall and fuck her. Hindi bagay sa kaniya ang suot-suot niyang bestida. It irritates me. Mas lalo na kapag suot niya na ang abito na katulad na suot ng mga madre na kasama niya ngayon.

Trace calling...

Tiningnan ko lang ang screen ng phone ko saka muling binalik sa bulsa ko. Wala sigurong magawa itong pinsan ko kaya ako tinatawagan ngayon. Hindi naman bagay sa kaniya na tinatawagan ako dahil namimiss niya ako. Baka may bagong babae. Pinsan ko si Trace sa mother side. Dalawa lang sila ang pinsan ko, si Trace at si Paige. Trace is four years older than me. He is 29 and I'm 25.

Hindi pa rin tumitigil si Trace sa pagtawag. His call must be important regarding Foedus. Hindi naman mangungulit si Trace nang pagtawag kung hindi importante sa Isla or sa Foedus.

"Ano na naman ang problema mo, Trace? Alam mo naman na busy akong tao. Naayos ko na ang shipment nina Jake at Elliot." They are smuggling illegal liquors in our town, Sta. Monica.

Napasulyap sa akin sina Dev at Grec. Si Dev ay napangisi sa sinabi ko. I wanna punch him.

"Would you like to say hi to Callista?"

"Pardon?" Nagpalinga-linga agad ako sa gilid and there I saw him. Kumaway pa si gago na nakasandal sa kaniyang sasakyan at nakatingin kay Calli.

"I wanna meet her. She's beautiful. Lalo na siguro kapag wala ng damit."

"Damn you, Trace! I'm on my way to Agrianthropos City."

Narinig ko ang kaniyang malakas na pagtawa. Parang bigla ay kinaiinisan ko iyon marinig. "Callista Sandoval. 23 years old —"

"What do you need?" Putol ko sa mga sasabihin niya.

"I'm bored. Let's have fun in my hotel." The fun that he's referring to is his favorite orgy session.

Minsan lang ako sumasama sa kaniya sa session niya na iyon, pero itong pinsan ko ay parang droga na sa kaniya ang orgy.

"I'm not in the mood to get laid." Narinig ko na lang ang pag-end ng call ni Trace. He's crazy. My eyes widened. Lumalapit na si Trace papunta kay Calli.

"Boss, inunahan ka na ni Master Trace." Tudyo pa ni Dev at tinuro pa si Trace.

"Damn it, Trace!" I cursed. Agad akong bumaba ng sasakyan at mabilis ang hakbang na ginawa ko upang makalapit sa kanila. Sumunod din agad sa akin sina Dev.

Nilahad ni Trace ang kaniyang kamay kay Calli. Bago pa natanggap ni Calli ang nakalahad na kamay ni Trace ay ako ang nakipagkamay sa kaniya. Hinarangan ko si Trace.

Calli was surprised to see me. Maging ang katabi nitong madre ay nagulat din sa biglaang pagsulpot ko sa harapan nila pero umalis din dahil tinawag kaya naiwan sa amin si Calli.

Tila napaso si Calli nang pinisil ko ang kamay niya. Her hands are as soft as the hands of a baby. Ang sarap hawakan.

"L-ogan. Hi." Tipid na ngumiti si Calli sa akin. Ang dalawang kamay niya ay tinago niya sa kaniyang likuran. "You're here. Kasama mo si Tita Dorcy?" She asked in her angelic voice. Bigla niyang kinagat ang ibabang labi at hindi makatingin sa akin dahil sa pagkakatitig ko sa kaniya.

Nasundan ko ng tingin ang natural na mapula niyang labi. I'm not a saint, and right now I want to kiss her lips.

"No, I'm with Dev and Grec. Mom is with Dad right now. Do you want to see her again? You can come to our house if you're not busy."

Napatingin nang tuwid sa mga mata ko si Calli.

"By the way I'm Trace, Callista. Logan's cousin." Singit ni Trace sa pag-uusap namin ni Calli.

"Hi, Trace. How did you know my name? Tumutulong ka rin ba sa foundation? Hindi kita nakita noong nakaraan."

"Sa files ni Logan about you." He grinned like a devil to me.

Napakunot ang noo ni Calli. "Ano'ng files?" Tiningnan din ako ni Calli ng may pagtataka sa mga mata. "Logan?"

"About this orphanage, Calli. We are supporting orphanage by the way. Mayroon kaming sinusuportahan na orphanage ni Logan, and this one, we will support this also. Nagkataon na isa rin pala ito sa mga sinusuportahan mo at sinabi sa akin ng pinsan ko na nagkakilala na kayong dalawa. What a coincidence, right Logan?"

"Yes." Tipid kong nasagot. Nagpipigil nang tawa si Trace sa sinagot ko. Paano niya kaya nalaman ang ginawa ko? At talagang siya pa ang nagsabi na susuportahan ko itong bahay ampunan at sinama pa niya ang sarili niya.

Iyong orphanage na tinutukoy ni Trace ay doon namin nakilala sina Jake at Lev, ang kasama namin na founders ng Foedus.

Nakahinga pa rin ako nang maluwag. Relax na relax lang si Trace. Ang galing talagang mang-asar nitong pinsan ko.

"Ah... Kaya pala nandito kayo ngayon. Kayo pala ang sinasabi ni sister Reth kanina na pupunta ngayon. Kanina pa kayo hinihintay ng mga bata. Napakabuti ninyong dalawa, Trace at Logan. Ngayon pa lang ay labis-labis na kaming nagpapasalamat sa inyong dalawa. Sana ay marami pa kayong matulungan. Napakilinis ng inyong mga puso."

Sabay kaming napalunok ni Trace at nagkatinginan. Inayos ko ang suot ko na tie dahil bigla ay parang naninikip iyon. Now I understand Grec why he keeps doing it.

Hindi ko alam na may naniniwala pa palang mabait itong pinsan ko. As much as I want to agree with her, sa dami ng ginawang katarantaduhan ni Trace kay Tito, I wonder kung wala bang social media or television man lang si Calli at hindi kilala ang isang Trace na puro laman ng scandal.

She's one of a kind. Hindi pa niya kami kilala.

"Excuse me, tulungan ko lang si sister Reth." Paalam ni Calli nang makita ang isang madre na may dalang mga plastic.

"Sina Grec na ang bahala." Sinenyasan ko si Grec at Dev na tulungan ang mga madre na agad naman na sinunod ng dalawa.

"Salamat, Logan. Lalapitan ko lang si sister Reth. Maiiwan ko muna kayong dalawa sandali."

"Go ahead, Calli. Don't worry about us," sagot ni Trace. Bahagyang ngumiti lang si Calli at sinulyapan ako.

Sumipol-sipol si Trace sa tabi ko at humalukipkip habang nakasunod ang tingin namin na dalawa kay Calli. "May tama ka na sa puso. That woman will be the cause of your death." Mahinang saad ni Trace sa gilid ko. Siniko ko siya. "Fuck you! Gago!" Namilipit nitong pagmumura sa akin.

Hindi ko naman sinadya na matusok ng siko ko ang tagiliran niya at napalakas.

"Are you okay, Trace?" Nilapitan ni Calli si Trace at itong pinsan ko ay lalo pang namilipit. Kahit hampasin ng dos por dos itong pinsan ko ay malakas pa rin.

Hinarang ko ulit ang sarili ko bago malapitan ni Calli si Trace kaya naman si Trace ay nasiko ko ulit.

"Tang ina mo talaga!"

Nilingon ko si Trace. I just smirked. "Malayo sa bituka iyan. Convince me more, Trace," sabi ko sa kaniya sa mahinang boses. He raised his middle finger at lumayo sa akin. Kinuha ang phone sa bulsa at may tinawagan. Narinig ko na si Chase ang tinawagan. Magrerequest na nga siya ng babae kay Chase.

Muli kong hinarap si Calli pagkaalis ni Trace.

"I think he's hurt. Hindi mo dapat ginawa iyon, Logan. Mag-sorry ka kay Trace." Malumanay nitong saad. Hindi niya nakita ang ginawa ni Trace.

"He's fine. Balak lang niyang maging artista. He's my cousin kaya alam na alam ko ang pangarap niya."

Again, Calli just smiled at me. "Bagay naman sa kaniya. He's handsome."

My jaw tightened hearing her praising Trace. Napansin ko ang matandang babae na nasa bandang likuran ni Calli at may kausap na madre rin kanina. Ang sama ng tingin sa akin.

Tinawag ko si Grec at nagpa-order na lang ng pagkain para sa mga bata at mga madre. Tuwang-tuwa sila pero ang matandang iyon ay hindi pa rin ngumingiti. Si Trace ay kinausap ng isang madre at hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila.

"Thank you, Logan. Napakabuti niyo talaga. Madaming bata ang napasaya mo ngayong araw."

"If you need anything here, just call me."

"Salamat ulit, Logan." She smiled.

My eyes feasted again on her lips. I'm dying on the inside to taste it. One of these days, I will fuck her hard.

"Let's go, Logan!" Sigaw ni Trace.

Kahit ayaw ko pa sanang umalis pero kailangan kong iwan muna si Calli.

"We'll go ahead, Calli. Babalik na lang ulit ako rito."

She just nodded and smiled.

"Tang ina mo, Logan! Saan mo tinatago iyang sungay mo kapag kaharap mo ang babaeng iyon?" Natatawang tanong ni Trace habang nasa sasakyan kami at papuntang isla. Sumabay na ako sa kaniya habang sina Grec ay nakasunod lang sa amin.

"Saan mo rin tinago ang buntot mo kanina? Mabuti at hindi ka nag-aapoy habang kausap mo ang mga madre kanina." I scoffed.

He smirked.

Kinuha ko ang sigarilyo at lighter niya na nasa glove compartment. Binuksan ko ang bintana ng kaniyang sasakyan at sinindihan ang sigarilyo at humithit.

Ginaya rin ni Trace ang ginawa ko. Binuksan niya ang bintana sa gilid niya at kumuha rin ng sigarilyo at saka humithit.

"Are you in love with her?" Mayamaya ay seryosong tanong niya.

Nagsalubong ang kilay ko sa tanong niya. "No." Mabilis kong sagot.

"Good. Because she's no good for you."

"There is no such thing as love for me, Trace. I just wanted to taste her. Nothing more, nothing less." I said with a devilish smile.

"Then don't act like a crazy man stalking her," seryosong sabi ni Trace. Parehas kami na hindi naniniwala sa love na iyan. Magkaiba lang kami ng rason kung bakit hindi kami naniniwala.

Napailing ako sa sinabi ng pinsan ko. Hindi ako in love sa kaniya at malabong mangyari iyon. Habang iniisip ko pa lang ang maamong mukha ni Calli ay tinitigasan na ako sa kaniya. It's lust and not love.

CALLISTA SANDOVAL

"BAKIT MO sinusundan ng tingin si Logan, Calli?" Tanong sa akin ni Nanay Fely, ang yaya ko simula noong bata pa lamang ako. Pinasama siya sa akin ni daddy ngayon para bantayan daw ako.

Hanggang ngayon ay umaasa pa rin siya na baka magbago pa ang desisyon ko na pumasok ako sa pagmamadre.

Pauwi na kami ngayon ni Nanay Fely sa bahay. Inabutan na kami ng gabi dahil sobrang nag-enjoy ang mga bata. Nagpadala ulit sina Logan ng mga pagkain at laruan pagkaalis nila kanina. Sayang nga lang at hindi na sila nagtagal pa dahil may importanteng gagawin si Trace. May mga pakakainin pa raw ito sa ibang Isla na pupuntahan nila.

"Huh? H-indi naman po, Nanay Fely. Natutuwa lang ako sa magpinsan. Mababait kasi silang dalawa. Sino ba ang mag-aakala na may mga gano'ng lalaki pa pala ang naglalaan ng oras para makatulong sa iba? Isa pa, hindi naman sila politiko."

"Baka may balak sundan ang yapak ng kaniyang ama. Nagpapabango, gano'n."

"No, I don't think so, Nana Fely. Tita Dorcy told me everything about Logan. He's a nice guy, at mukhang mabait din ang pinsan niya. Makulit nga lang."

"Sus! Mukha ngang adik. Tingnan mo naman ang buhok, mahaba at kulot-kulot pa. Parang pugad ng ibon. Ang pantalon ay butas-butas."

"Nanay Fely! Hindi mo dapat hinuhusgahan si Trace dahil lang sa panlabas niya. Alam kong mabuti siyang tao, silang dalawa ni Logan. Nakita mo naman kung paano nina Logan napasaya ang mga bata kanina."

"Duda pa rin ako, Callista lalo na diyan kay Logan. Mukha siyang manyakis. Nakita mo ba kanina kung paano ka niya tingnan? Para kang hinuhubaran sa paraan nang pagkakatitig niya."

"Nanay Fely, please? Stop saying bad words about them. Hindi ganoon ang tingin ko sa kanilang dalawa."

Napansin ko naman ang paraan ng pagkakatitig sa akin ni Logan. Para niyang hinihigop ang lakas ko na hindi ako basta-basta na makaiwas sa kaniyang tingin. Sa tuwing nagtatama ang paningin namin ay para akong kinukuryente. Kakaiba rin ang naramdaman ko sa pagkakadikit ng palad naman. Hindi ko na lang binibigyan pa ng ibang kahulugan ang pagtitig niya at pagkilos dahil mali na pag-isipan ko siya ng ibang bagay.

"Nagsasabi lang ako nang totoo. Hindi mapagkakatiwalaan iyang Logan na iyan at lalo iyang pinsan niya. Mukhang hindi gumagawa nang mabuti. May mga iniingatan lang iyan na imahe kaya ganiyan sila kung may ibang tao. Kaya huwag kang magpapaniwala sa pinapakita ng dalawa sa iyo, lalo na iyang Logan na iyan. Gusto ka lang i-kama ng mukhang manyakis na iyon."

I heaved a deep sigh. Nasasaktan ako sa naririnig ko mula kay Nanay Fely. Hinuhusgahan niya agad ang ibang tao base lang sa panlabas. Wala akong nakikitang hindi maganda sa dalawa. Para sa akin naman ay mabait talaga sila. "Nanay, Fely sobra naman po yata ang iniisip niyo kay Logan. Hindi siya gano'ng klaseng lalaki. Maayos siyang pinalaki nina Tita Dorcy. Nakakhiya iyang mga iniisip mo sa kanila."

"Ewan ko lang, Callista. Sana nga ay mali lang ako ng iniisip sa kanilang dalawa. Basta ako ay sinasabi ko lang sa iyo ang iniisip ko sa kanila. Nasa iyo naman iyon kung makikipagkaibigan ka pa rin diyan kay Logan. Kung nasaan ka ay nandoon din. Mukhang sinusundan ka nga."

Muli ako napahinga nang malalim. "Mali iyang ginagawa mo, Nanay Fely. Hindi tama ang husgahan ang ibang tao o pag-isipan ng hindi maganda. Ayaw ko na po na marinig ulit ang mga hindi kanais-nais na sinabi niyo sa kanila. Nakakalungkot lang na ganiyan ang iniisip mo sa kabila ng kabutihan na ginawa nila kanina."

Hinawakan ni Nanay Fely ang kamay ko at lumambot na rin ang expression ng mukha niya. "Pasensiya na, Calli. Hayaan mo at hindi ko na uulitin. Kahit mukha silang bait-baitan, reresputihin ko ang sinabi mo."

Tipid kong nginitian si Nanay Fely at tumango lang dahil alam kong napipilitan lang siya na gawin iyon dahil sa akin. Hindi ko lang maintindihan kung bakit ganoon ang iniisip niya sa dalawa?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status