Pagkalipas ng ilang araw na pag papahinga ni Katleah sa hospital, sa wakas ay makakauwi na rin siya sa kanilang mansion ni Marco. Bago siya umuwi ay lihim muna siyang kinausap ni Axel, at dito niya mismo nalaman na magpinsan pala sila sa Ina. Hindi nila ito pinaalam kay Marco upang hindi maging komplikado ang kanilang relasyon. Marami pa silang dapat ayusin bilang mag-asawa dahil kapwa pinag tangkaan ang mga buhay nila.Pagdating ng mansion ay agad siyang kinarga ni Marco papasok sa kanilang silid. “Marco, babe ano kaba? Ibaba mo na nga muna ako.'' Ginawaran lang siya nito ng halik sa labi habang namumungay ang mga mata na nakatitig sa kanyang kabuuan."Babe, ano na naman ang pinaplano mong gawin?" kinakabahan bagamat excited na rin niyang tanong kay Marco."Kailangan kong makabawi ng lakas babe." malanding sagot nito sa kanya."Huh? Eh di ba dapat magpahinga ka? kailangan mo ring makabawi ng tulog."Kaya nga sweetheart, ikaw ang lakas ko at pagkatapos nitong gagawin natin sigurado ak
Isang buwan na ang nakalipas, mula nang sinorpresa siya ni Katleah, at ngayon si Marco naman ang nakaisip na sorpresahin ito mamaya.Nag palagay na rin siya ng tattoo sa kanyang kaliwang dibdib, at nakaukit doon ang pangalang Till death do us part My Katleah.For more than 3 years, mas lalong lumalim ang pagmamahal nila sa bawat isa. Mas lalo niyang minahal si Katleah at ganon na rin si Katleah sa kanya. Nakatitig siya sa kumikinang na singsing na sadyang pina customize pa niya para sa araw ng magiging kasal nila. Gusto niyang bigyan ng isang Engrandeng kasal si Katleah."Boss, ang saya-saya niyo ngayon ah? Pangiti-ngiti pa kayo habang nag-iisa," pang-aasar ni James ng pumasok ito sa opisina ni Marco at inilapag ang mga dalang documento sa mesa.Agad namang tinago ni Marco ang singsing sa kanyang bulsa bago tinapunan ng matalim na tingin ang madaldal niyang secretary. Sinira nito ang kanyang masayang imahinasyon sa planong pag sorpresa mamaya sa asawa."Wala ka bang ibang gagawin Jam
SIX HOURS nang naghihintay si Marco sa labas ng Operating Room ngunit hindi parin lumalabas si Axel.. Gusto na niyang pasukin ito sa loob. Another Two hours ulit siyang naghintay, pabalik-balik siyang naglalakad sa hallway, hindi mapakali, at parang nababaliw na sa kakaisip kung ano na ang nangyari kay Katleah sa loob. Ilang sandali pa'y lumabas na si Axel na parang nanlalata ang katawan, bagsak ang mga balikat at parang hindi alam kung paano sabihin sa kanya ang lahat. Niyugyog ni Marco ang balikat ni Axel habang pinipigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha. “Axel, sumagot ka! Ligtas na ba si Katleah ha?” sigaw niya sa kaibigan dahil takot na takot na siya mula pa kanina. Hindi niya kayang mawala si Katleah. Ngunit ang sumunod na sinabi Axel ang tuluyang nag pagunaw sa mundo niya. "I'm sorry. I did everything I could but I couldn't save them". Pareho silang hindi nakaligtas." Nagbabadya ang luha ni Axel habang sinasabi ang lahat ng ito sa kanyang kaibigan. Nagtaka si Marco sa sinabi
Habang nasa biyahe, muling nagising ang ulirat ni Marco. Nang mapagtantong na sa loob siya ng sasakyan muli na naman siyang nag hysterical at gustong bumaba upang bumalik sa puntod ni Katleah. Ngunit agad naman siyang pinigilan nina Axel at Aiden na ngayon nakaupo sa likuran ng kanyang kotse at napapagitnaan siya. Hanggang ngayon, hindi parin niya matanggap sa sarili na wala na ang kanyang asawa. Parang gusto na niyang mamatay.Ilang sandali pa ay dumating na sila sa harap ng Mansion ni Marco. Subalit hindi nila inaasahan na pagbaba ni Marco ng sasakyan ay agad siyang sinalubong sa mukha ng mga galit na suntok ni Raven. Napaawang ang kanilang mga labi ng masaksihan na hindi man lang lumaban ang kanilang kaibigan. Bagkus patuloy parin nitong iniinda ang lahat ng sakit na tinamo ng kanyang katawan. "Ano ha! Lumaban ka hayop ka! Hinayaan kong mapunta sayo si Katleah dahil akala ko minahal mo siya!. Pero ikaw din pala ang papatay sa kanya!"Kahit anong suntok at tadyak ang ginawa ni Rav
Ganun nalang ang pagkagulat ni Sandra, ng makita ang madilim na anyo ni Marco habang nakatitig sa kanya. Bagama't may nakalagay na busal ang kanyang bibig, kahit gusto niyang sumigaw ay hindi niya magawa. Nasa loob siya ng abandonadong building na hindi niya alam kung saang gubat naroroon. Pero umaasa siyang hindi magtatagal ay matutunton na rin siya ng mga tauhan ni madam Mia upang tulungang makatakas. Natatakot siya sa maaring gawin ngayon ni Marco sa kanya. Mas lalo siyang nanginginig ng makitang papalapit si Marco, kaya impit siyang pumikit habang hinihintay ang katapusan niya. Ngunit ilang minuto na ang nakalipas ay wala paring kahit anong masasakit na bagay ang dumapo sa kanyang balat. Nagdilat siya ng mga mata para lamang masindak ng kanyang makita na hawak-hawak na ni Marco ang maliit na hairclip na kanina lang ay nakaipit at nakatago sa buhok niya. "Sa tingin mo ba hindi ko alam kung anong klaseng hairclip to? Kaya pala, hindi ka mahuli-huli ng mga tauhan ko dahil dito huh? K
Agad na niyang tinapos ang pag-uusap nila ni James, dahil wala naman itong impormasyon na maibibigay sa kanya. Isang tao lang ang gusto niyang makausap ngayon para magpaliwanag sa kanya ng lahat. Mabilis siyang nagbihis at umalis ng isla.Samantala sa loob ng sasakyan, kampanting nakaupo si Amarah sa panlikurang upuan ng kanilang kotse habang kumakain ng buto ng pakwan. Katabi niya ang dalawa niyang kambal na eaglets, na busy sa pagkukuwentuhan."Kuya Allaric, sa tingin mo kaya, makikilala kaagad tayo ni Daddy?" tanong ni Adira sa kapatid. Kuya ang tawag niya dito dahil ito daw ang unang lumabas kaysa sa kanya. Kahit sa New York sila lumaki, pilipino parin ang kanilang pananalita kapag nag-uusap sila, dahil ito ang tinuro ni Amarah sa kanila."Malamang. Eh inubos na natin ang mukha ni daddy eh. Walang natira kay mommy." seryosong sagot naman ni Allaric sa kapatid."Kaya lang, sinaktan niya si Mommy, magkakabalikan pa kaya sila? pabulong niyang tanong kay Allaric, ngunit naririnig pa r
Nanlalambot ang mga paa ni Katleah, habang naglalakad papalayo sa kanyang asawa. Gustong gusto na niyang yakapin ito kanina, pero pinigilan niya ang sarili, dahil ayaw na niyang maulit pa ang nangyari sa nakaraan. Pitong taon na ang nakalipas, ngunit hanggang ngayon, ramdam na ramdam parin niya ang sakit na parang nangyari ito kahapon lang. Sinubukan niyang kalimutan si Marco, ngunit bakit hindi pa rin niya magawa? Bakit hanggang ngayon, sariwa parin sa puso niya ang lahat ng kanilang mga ala-ala? Pinahid niya ang mga luha sa kanyang mga mata, atsaka taas ang noo na naglakad papunta sa opisina ng pinsan niya. Kailangan niyang maging matatag at matapang ngayon para sa mga anak niya. Hindi pwedeng maging malambot ang kanyang puso dahil lang sa lalaking minahal niya, lalo na ngayon, marami pa siyang dapat harapin at pagtu-unan muna ng pansin, lalo na't malapit na niyang matapos ang kaso sa pagkamatay ng kanyang mga magulang. Pumasok na siya sa opisina ni Axel at kinuha ang mga documenton
Nanlalabo na ang mga mata ni Marco, at parang nilalamon na nang lamig ang kanyang buong sistema. Bumaba siya nang sasakyan at pinipilit niya ang kanyang mga hakbang para makapasok sa loob ng bahay. Ngunit nasa kalagitnaan pa lang siya ay nawalan na siya ng malay at agad na bumagsak sa lupa. ILANG ORAS PA ANG LUMIPAS, dumating si James sa pribadong isla na binili ng boss niya. Nagbabakasakali siyang bumalik na ito ngayon, dahil wala ito kanina nang pumunta siya. Malamang andito na yon, kasi nakita niya ang kotse ng kanyang boss na naka park sa labas. Tinatawagan niya ito kanina, ngunit hindi naman ito sumasagot, kaya naisip niyang puntahan na lang ulit ito. Gabi na kaya medyo madilim na rin ang daanan at malakas pa rin ang ulan.. Tila ba wala na itong ganang tumila sa kakabuhos mula pa kanina. Nasa kalagitnaan na siya nang kanyang paglalakad nang mapatid ang kanyang paa sa kung anong malaking bagay na nakaharang sa kanyang daanan. Nang pinailawan niya ito mula sa flashlight ng kanyang