Share

Alamat

San Juan de Buenavista. Isang maliit na bayan sa kalayuan ng ciudad de Maynila sa may bahagi ng timog nito. Ang baying ipinangalan sa isang santo na siyang nagbinyag sa Panginoong Hesukristo sa ilog ng Jordan.

Ang baying ito ay ang bayan ng aking kapanganakan. Ngunit ganunpaman, hindi ako dito namulat.

Dalawang oras ang gugugulin kung tutungo ka papunta sa San Juan de Buenavista mula sa sentro ng Maynila. Madadaanan mo ang limang comunidad bago marating ang isa pang kilalang bayan, ang bayan ng Santa Lucia. Mula sa Santa Lucia, tatlo pang comunidad ang madadaanan mo bago ka makarating sa San Juan de Buenavista.

At sa unang pagkakataon sa aking buhay ay nakatapak ako sa baying palaging naririnig ko lamang sa mga kuwento ng aking buthing ina.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status