Share

Paghahanap

Ito na marahil ang katapusan. Nawalan na ako ng pag-asa. Hindi ko na magagawang patayin ang aking ama. Hindi ko nahanap ang batong Fuego. Wala ito sa itinurong pinagtaguan ni Carmela sa hardin ng mga Agoncillo.

Naalala ko ang aking kaibigang si Carmela. Hindi ko alam kung buhay pa ba siya o tuluyan ng pinaslang buhat sa nangyari kagabi. Ako ang dahilan, at hindi ko kailanman matatanggap, kung bakit siya napahamak. Iniligtas niya ako. Iniligtas niya ako upang magawa kong tapusin ang lahat ng ito. Pero, bigo ako. Binigo ko ang aking kaibigan. Binigo ko rin ang aking sarili.

Dahan dahan pa rin akong naglalakad dahil sa iniindang sakit buhat na natamong sugat sa aking tagiliran at likuran. Kahit unti unti ng nanghehelom ang mga sugat na ito, nariyan pa rin ang taglay na sakit nito.

Napadpad ako sa mercado. Dahil sa marumi at mabaho kung kasuotan, dagdag pa ang magulo kong buhok ay tinataboy ako ng mga nanininda sa pag akalang ako ay isang nababaliw na taong grasa. N

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status