Mahinang sinabi ni Wilbur, “Sagutin mo lang ang tawag at siguraduhin mong irecord mo ito. Kung sino man ang may kinalaman dito ay matatanggap ang kahihinatnan na nararapat para sa kanila.”Hindi na nag dalawang isip si Elsa pagkatapos makita ang kumpiyansa ni Wilbur. Trabaho niya rin ito.Sinagot niya ang call at nagsimula siyang irecord ito.“Captain,” Ang sabi ni Elsa.Tumunog ang isang seryosong boses mula sa phone, “Nasaan ka?”“Nasa Black Dragon Bar po ako.”“Bumalik ka agad ito. Alam mo ba kung ano ang ginagawa mo?”“Captain, natuklasan ko po ang isang gambling operasyon sa Black Dragon Bar. Maraming mga sugarol na may malaking halaga ng pera. Hinuli na ang mga kriminal, at meron na po akong ebidensya,” Ang report ni Elsa.May saglit na katahimikan sa kabilang linya bago sumagot ang caller, “Dyan ka lang. Papunta na ako.”Tinapos ni Elsa ang phone call at tumingin siya kay Wilbur. Sinabi niya, “Papunta na ang captain namin.”Gayunpaman, nakikita ni Wilbur ang pag aalala
“Yes, sir,” Ang sagot nila.Pagkatapos, malamig na inutos ng captain, “Lahat kayo, umakyat sa taas.”“Captain?” Nagdalawang isip si Elsa na umalis. Pakiramdam niya na may kakaiba sa captain.Dumilim agad ang ekspresyon ng captain at tinanong niya ng seryoso, “Baka mo bang suwayin ang mga utos ko?”Gusto makipagtalo ni Elsa, ngunit tumayo si Wilbur mula sa upuan niya at sinabi niya ng kalmado, “Sundan mo ang sinasabi ng captain at umakyat ka.”Kinagat ni Elsa ang ngipin niya at tinanggap niya ito ng nag aatubili.Ngumiti ng maliit si Kenji habang mabagal siyang tumayo sa upuan.Dinala sila sa main hall ng bar. Tumingin ang captain kay Elsa at sinabi niya, “Isuko mo ang baril mo.”“Ano po ang ibig niyong sabihin?” Agad na kinabahan si Elsa. Mahigpit niyang hinawakan ang baril niya gamit ang parehong kamay, ngunit nakatutok ito sa sahig.Kumunot ang noo ng captain, “Hindi mo sinunod ang mga utos ko, suspended ka na ngayon.”“Aamin ako na hindi ako sumunod sa protocol, pero totoo
Nabigla ang lahat sa tunog. Si Wilbur lang ang mahinahon.‘Anong nangyayari?’ Ang lahat ay may katanungan sa isip nila.Ang dose-dosenang mga special forces officer ang bumaba mula sa mga helicopter at pinasok nila ang establishment.May isang heneral na mabilis na sumunod sa kanila. May suot siyang uniporme ng militar na may mga star sa kanyang balikat.Nabigla ang lahat sa biglang pagdating ng special forces. Hindi sila sigurado sa sitwasyon. Bakit biglang dumating ang militar?Ang special forces ay mabilis na pinalibutan ang lahat at sila ang kumontrol ng sitwasyon. Mabagal na pumasok ang heneral.Tumahimik ang lahat sa malaking presensya niya.Tumingin ang lahat sa paligid ang heneral at sinabi niya, “Ito ang operation ng Kardon Province Special Forces Unit. Walang kahit sino ang pwedeng kumilos. Magsisimula na kami sa beripikasyon ng mga pagkakakilanlan niyo.”Kinabahan si Kenji. Nag ipon siya ng lakas ng loob para magtanong, “Kayo ba ang militar? Ano ang karapatan niyo pa
Ngumiti si Wilbur at sinabi niya kay Elsa, “Pwede ka na magsimula.”Bumalik sa sarili si Elsa. Ginawa niya ang lahat para huminahon siya, pagkatapos ay tumingin siya sa captain niya. Mabagal niyang sinabi, “Captain, pabalikin niyo ang team niyo at maghanda kayo para sa imbestigasyon.”Huminga ng malalim ang captain. Halata na magaan ang loob niya at sinabi niya kay Elsa, “Mas mahusay ka sa akin. Congratulation, nakatadhana sayo na maging mahalagang pundasyon ng Kardon Province, hindi tulad ko.”Pagkatapos, tumawa siya at inutusan niya ang kanyang team, “Lahat kayo, babalik na tayo.”Inutusan niya na lumapit ang mga tauhan niya, pati ang dalawang tao na nakapwesto sa ibaba ng hagdan.Ang captain ay tumingin kay Elsa at tumingin siya ng may kumpiyansa habang dinala niya paalis ang team.Napansin ni Elsa ang maraming bagay sa tingin na yun.May pagpapatibay-loob at konting lungkot.Gayunpaman, walang oras si Elsa para pag isipan ito. Agad niyang inutusan si Ken, “Hulihin niyo ang
Halos magkaroon ng heart attack si Matt dahil kay Wilbur.Alam niya na makapangyarihan talaga si Wilbur.Si Wilbur ay parang isang diyos para kay Matt. Kaya siyang durugin nito na parang isang langgam kung ginusto nito. Ang impluwensya ng three big clans ay isang biro lang para kay Wilbur.Hindi nagsinungaling si Matt kay Wilbur. Agad siyang sumagot, “Sir, nakatanggap po ako ng distress call mula sa isang miyembro namin na hindi mahalaga. Sinabi niya na nasaktan siya, kaya pumunta po ako para tingnan ang sitwasyon.”“Isang miyembro na hindi mahalaga?” Tumingin si Wilbur kay Kenji. Pagkatapos, tinanong niya, “Bakit ka nandito dahil sa isang miyembro ng hindi mahalaga?”Pawis na pawis si Matt. Mabilis siyang nagpaliwanag, “Sir, binanggit niya po na ang pangyayaring ito ay maaaaring may kinalaman sa isang mahalagang miyembro ng clan namin. Yun ang rason at mabilis akong pumunta. Hindi ko po alam ang nangyari.”“Ah, at sino ang mahalagang miyembro ng clan niyo?” Ang kaswal niyang tin
“Dalhin mo na ang lahat sa headquarters para sa interrogation. Siguraduhin mo na walang problema sa crime scene, at wag mo hayaan ang kahit sino na pumasok,” Ang utos ni Elsa.“Masusunod po,” Ang sagot ni Ken, pagkatapos ay agad niyang inutusan ang mga tauhan niya na kumilos.Nawalan ng malay si Kenji dahil sa sobrang gulat.…Umuwi si Wilbur. Bumaba ng hagdan si Faye para pumunta sa trabaho nang mapansin niya si Wilbur na mabilis niyang sinabi, “Bakit late na kayo umuwi?”“May hinarap akong problema. Naging busy ako buong gabi dahil doon,” Ang maingat na sagot ni Wilbur.Mahinang sinabi ni Faye, “Wag niyong pagurin ang sarili niyo. Magpahinga na kayo.”Tumango si Wilbur. Ngumiti ng maliit si Faye, pagkatapos ay naglakad siya palabas ng mansyon.Matagal na nagpalipas ng oras si Wilbur sa sala habang nag iisip. Pagkatapos, nag unat siya at humikab bago siya pumunta sa kwarto niya para matulog ng matagal.Sa huli ay natulog siya ng hanggang alas tres ng hapon.Naligo siya at du
“Anong nangyari?”Agad na sumama ang loob ni Wilbur nang marinig niya ito.HIndi maiiwasan ang kompetensya sa industriya, ngunit ang sinumang mag target sa kanila ay nagkakamali ng sobra.Kumunot ang noo ni Faye at sinabi niya, “Si Nancy ang nagsabi kay Chelsea tungkol dito. Ito ang rason kung bakit alam natin. Ang Joy Corp ay kumuha mula sa isang headhunting company para lumapit kay Nancy. Nag alok sila ng mataas na presyo para mag leak ng data mula sa Willow Corp. Nag alok din sila ng magandang kasunduan para magtrabaho ng undercover. Ang dapat nila gawin ay ang magkalat ng tsismis sa loob ng Willow Corp at gawing CEO si Nancy.”Nag isip si Wilbur.Hindi legal ang ganitong mga bagay, ngunit hindi ito bago.Gusto nila mag utos sa tao sa loob mula sa loob upang magtrabaho ng undercover at magkalat ng tsismis. Sinusubukan nilang gumawa ng panic mula sa loob at ipressure sila mula sa labas. Ang target ay madali rin kumbinsihin upang ibenta. Pagkatapos, kukunin nila ang target na ku
“Sigurado ba kayo, Boss?” Kumunot ang noo ni Faye.Tinanong ni Wilbur, “Anong problema? May mga problema ba?”“Matagal ito at kailangan nito ng pera,” Ang sagot ni Faye.Sinabi ni Wilbur ng may mahinang boses, “Hindi natin kailangan magmadali, kaya pwede mo ito gawin ng matagal. Mag aapply ako sa headquarters kapag hindi sapat ang pera natin. May lakas ng loob ang Joy Corp para itarget ang Cape Consortium. Ipapakita ko sa kanila kung bakit matagumpay tayo.”“Sige. Sisiguraduhin ko na mananalo ako sa laban na itio dahil inutos niyo ito,” Ang sabi ni Faye habang nakangiti ng may kumpiyansa.Kaya niyang labanan ang Pentagon Corp kung kailangan niya ito, dahil may awtorisasyon siya mula kay Wilbur.Tumayo siya at tumingin siya kay Chelsea, sinabi niya, “Naniniwala ako na marami pa kayong pag uusapan. Hindi ko na kayo aabalahin.” Pagkatapos, umalis na siya.Umiling si Chelsea at sinabi niya, “Wow, umalis siya ng ganun lang.”Tumingin si Faye sa pinto at ngumiti siya, sinabi niya, “K