Walang alam si Faron sa sitwasyon, kaya wala siyang sinabi. Tinulak niya ang mag bun papunta kay Ethan.Nagbuntong hininga si Wilbur dahil walang tigil si Ethan sa pag iyak. Sinabi niya, “Kumain muna tayo at mag usap tayo pagkatapos.”Pinunasan ni Ethan ang mga luha niya at tumango siya ng tahimik. Pagkatapos, nagsimula siyang kumain dahil gutom na gutom siya.Ang ilang mga customer ay tumingin sa kanila ng mapanghusga, “Ano ito? Bakit siya nag imbita ng pulubi para kumain?”Agad na nainis si Wilbur. Tumingin siya ng masama sa babae at sinabi niya, “Tropa ko ito. Hindi isang pulubi. Mag ingat ka sa pananalita mo.”Nabigla sa takot ang babae dahil sa malamig na tingin ni Wilbur. Mabilis siyang tumalikod at tumahimik.Suminghal si Wilbur, at nagpatuloy siyang kumain kasama si Ethan.Nabusog na siya pagkatapos ng ilang sandali. Pinasa sa kanya ni Wilbur ang isang tissue at sinabi, “Ngayon, sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari.”Nagbuntong hininga si Ethan at sinabi niya ang is
Si Ethan ang kapatid niya sa labanan.Malakas na lalaki si Ethan noon, walang takot, at laging nasa pronta.Hindi makapaniwala si Wilbur na ang bully na yun ay trinato si Ethan ng sobrang sama.Walang kahit sino ang nararapat na tiisin ang pagpatay sa mga magulang nila, lalo na ang isang malakas na lalaki na tulad ni Ethan.“Ethan, kasalanan ko ang lahat ng ito. Ipaghihiganti kita,” Ang sabi niya habang kagat ang ngipin.Lumuha si Ethan at sinabi niya, “Boss, hindi niyo ito kasalanan. Masyado akong tanga.”Hindi mapigilan ni Wilbur na magbuntong hininga. Ang mga tropa niya ay mga walang takot na sundalo sa labanan.Gayunpaman, kulang sila sa karanasan sa buhay. Isa itong malupit na lipunan, at masyado siyang walang alam. Iniisip ni Wilbur kung kamusta na ang iba sa buhay nila.Biglang may isang itim na security vehicle na may mga salitang ‘Iron Shield’ sa gilid ang huminto sa harap ng restaurant.May pitong mga lalaki na nakasuot ng itim na security uniform ang lumabas ng sasa
Halatang may pag aakusa sa tono ni Wilbur.Ngumiti ng awkward si Faron at sinabi niya, “Pre, minsan ay ganito lang ang mga bagay. Kapag nagtulungan ang mga taong ito, mahirap para sa mga higher-ups na harapin sila.”“Ito ay para bang umiiwas sila sa away kaysa ang harapin nila ito,” Ang komento niya ng walang pakialam.Alam ni Faron na masama ang loob ni Wilbur, kaya sinabi niya, “Wag kang mag alala, ako ang bahala dito.”Nilabas ni Faron ang phone niya at agad siyang tumawag.Hindi nagtagal, may taong sumagot. “Faron, bakit ka tumatawag sa akin?”“Uncle Chandler, nasa restaurant po ako sa West street ng Castlebury. Ang isang security company ay gusto po akong arestuhin. Pwede po ba kayo pumunta?”Nabigla si Chandler Anderson nang marinig niya ito.Sino ang may lakas ng loob para arestuhin si Faron? Gusto siguro nilang mamatay.Gusto ni Faron na magpakita ng personal si Chandler.Hindi ito matiis ni Chandler nang tawagan siya ng personal ni Faron. Aabalahin siya ni Orin kapag
Agad na natulala si Aaron.Ano ang nangyayari? May mga special agent ba na sa halip ay siya ang target?Gayunpaman, hindi siya kumilos ng basta basta sa harap ng mga taong yun.Kahit na galing siya sa probinsya, alam niya na ang lalaki na nakasuot ng punting siya ay isang taong makapangyarihan.Lumapit siya ng balisa at sinubukan niyang battiin ang mga ito ng maayos. Gayunpaman, may isang special agent na humampas sa kanya papunta sa sahig gamit ang ilalim ng baril nito.“Kumilos ka ulit sa susunod ng basta basta at mamamatay ka agad.”Tumunog ang malamig na boses ng special agent at pinagpawisan si Aaron dahil dito, at mabilis siyang umatras ng ilang hakbang.Si Chandler din, ay isang deputy minister. Kahit na kapangyarihan niya ay hindi kasing taas ng kay Orin Campbell, ang security sa paligid niya ay hindi lang para sa imahe niya. Hindi madali para sa kahit sino na lumapit sa kanya.“Ano ang nangyayari, Faron?” Sa oras na ito, dumating si Chandler sa tabi ni Faron at tinanon
Gayunpaman, sa mga mata ni Chandler, ang taong namumuno sa Municipal Public Security Brigade ay isang biro lang, at pwede niya pabagsakin ang mga ito sa isang utos lang.Lalo na ngayon at may kinalaman si Faron. Kailangan niya imbestigahan ang lahat ng tungkol sa mga taong ito at hahayaan niyang mabulok ang mga ito sa kulungan dahil personal siyang tinawag ni Faron at ginawa ang planong ito.Ang mga special agent ay sinamahan ang nabagabag na si Aaron at ang mga tauhan nito papunta sa kotse. Tumingin si Chandler kay Faron, pagkatapos ay ngumiti siya at sinabi niya, “Wag kang mag alala. Iimbestigahan ko ng mabuti ang problemang ito at bibigyan ko ng mabuting paliwanag ang kaibigan mo.”“Salamat, Uncle Chandler,” Ang sabi ni Faron.Ang sabi ni Chandler, “Hindi mo na kailangan maging mabait. Kapag may kailangan ka sa akin sa susunod, pwede mo lang akong tawagan, lalo na kapag nakakita ka ng mga kasamaan sa sector. Siguradong paparusahan ko sila ng malubha.”“Okay po, Uncle Chandler.
Umiling si Wilbur at sinabi niya, “Hindi. Wag nating alertuhin ang kalaban. Tayo na mismo ang pupunta.”Pinagdikit ni Faron ang mga kamay niya at sinabi niya, “Naniniwala ako na walang problema na harapin ang mga gangster, pero sa mga taong sumusuporta sa kanila, magiging mahirap para makialam ka. Tutal, mga government official sila at madali lang para sa kanila na gumawa ng gulo para sayo.”Pinag isipan ito ni Wilbur ng ilang sandali, pagkatapos ay sinabi niya, “Tama naman. Ano ang nasa isip mo?”“May isang kaibigan ako. Anak siya ng tropa ng tatay ko. Nagtatrabaho siya ngayon sa Municipal Commission for Discipline Inspection ng Seechertown. Pwede natin siyang isama. Basta’t ang problemang ito ay nakuha ng atensyon mula sa mga local officials, sila na ang bahalang umaksyon. Masisiguro ko na walang kahit sino ang makakatakas sa batas,” Ang sabi ni Faron.Tumango ng mabagal si Wilbur. Marami ang karanasan ni Faron tungkol dito.“Gawin na lang pala natin ang sinabi mo.”Nang makita
Idinagdag ni Faron, “Mga walang hiya sila. Akala nila ay pwede nilang gawin ang kahit ano sa mga rural na lugar at walang mananagot. Lintik na!”Kumunot ang noo ni Wilbur at nanatili siyang tahimik.Noong una, wala sa lugar si Faron para sabihin ang mga bagay na ito. Gayunpaman, iniisip niya ang nangyari kay Ethan, hindi niya pa rin mapigilan na magsalita.Hindi pa rin alam ni Nicholas ang pagkakakilanlan ni Wilbur, ngunit naiintindihan ni Faron na si Wilbur ay karapatan na magsalita ng masama dahil sinusuportahan siya ni Mr. Grayson.Si Mr. Grayson ay nabuhay ng istrikto at kinamumuhian niya ang kahit anong kasamaan. Agad siyang magagalit kapag nalaman niya na may nangyari na ganito. Ang sinabi ni Wilbur kanina ay hindi sobra.Lumipas ang dalawang oras bago sila nakalabas sa highway ng Harvest County.“Saan muna tayo dapat pumunta?” Ang tanong ni Faron.Mahinang sinabi ni Wilbur, “Pumunta muna tayo sa bahay ni Ethan para tumingin.”Nag navigate si Ethan habang nagmamaneho si N
Nang marinig ni Faron ang malakas na tunog ng paghampas sa pinto, ngumisi din siya at sinabi niya, “Mabilis makakuha ng balita ang mga taong ito. Hinanap agad nila si Ethan nang makabalik na siya. Mukhang alam nila ang lahat ng nangyayari sa Harvest County.”Sinabi ni Nicholas, “Dapat ba akong magtawag ng mga tao? Sinabi ko sa superior ko na nag-arrange na ng task, at naghanda sila ng isang squadron ng mga special agent para sa akin. Handa na silang kumilos sa anumang oras.”“Makinig tayo sa masasabi ni Wilbur,” Tumingin si Faron kay Wilbur.Simpleng sinabi ni Wilbur, “Wag kayong mag alala. Mahuhuli natin silang lahat kapag nagpakita silang lahat. Kailangan nating siguraduhin na walang kahit sino sa kanila ang makakatakas.”Tumango ng sabay sina Faron at Nicholas, ngunit medyo nalito si Wendy. Ano ang pinag uusapan ng mga taong ito? Sapat ba ang kapangyarihan nila para labanan ang kabilang partido?Hindi sila mukhang matanda. Gaano kalaki ba ang kapangyarihan ng mga taong ito at p