Natulala si Stanley. Matagal bago niya naproseso ang sinabi ni Wilbur at tumawa siya ng malakas.Tumingin siya ng malupit kay Wilbur. “Bata, alam mo ba kung sino ang lalaking ito? Siya si Lightning Hank, ang pinuno ng Black Tiger Gang! Sila ang pagpapatakbo ng underground ng Seechertown. Sa tingin ko ay naiintindihan mo ang nangyayari ngayon.”“Ang Black Tiger Gang? Lightning Hank?” Ang kalmadong tanong ni Wilbur. Pagkatapos ay idinagdag niya, “Hindi ko sila kilala.”Nawalan ng kontrol si Stanley. Sa oras na sisigaw na siya kay Wilbur, sinabi ni Lightning Hank, “Matigas ang ulo mo! Kilala mo ba kung sino ako? Mukhang kailangan ko ipakita sayo ngayon.”Mabilis na sinabi ni Faye, “Sir, pakiusap, wag! Gusto niyo ng pera, hindi ba? Pwede kong ibigay ang kahit gaano kalaki. Pakiusap, wag niyo lang kaming saktan. Pwede natin itong pag usapan.”Sumagot ng malamig si Lightning Hank. “Bakit natin kailangan pag usapan ito? Sa tingin mo ba ay makapangyarihan ang Cape Consortium? Nasa Seecher
Ngumiti si Wilbur. “Sapat na ang sampung minuto. Ako na mismo ang tatapos kapag hindi siya pumunta.”Nagpatuloy si Lightning Hank sa pagkain, tila wala siyang pakialam.Bilang ang pinakamalaking gang sa Seechertown at ang pinuno ng underground ng halos dalawampung taon, may kumpiyansa siya sa sarili niya.Bukod pa dito, hindi siya mag isa. Ang gang leader ng isa sa pinakamalaking gang ay gustong ambushin siya ngunit napatumba ito ng backer ni Hank ng hindi napapansin. Naisip ni Hank na hindi niya na kailangan matakot sa kahit ano simula noon.Ngayon naman, plano niya na masaksihan ng Cape Consortium ang kapangyarihan niya upang maging mabait sila sa darating na panahon.Mabilis na lumipas ang sampung minuto. Mabilis na pumunta si Gordon suot ang normal na damit.“Mr. Penn, ayos ka lang ba?” Ang tanong ni Gordon.Tumingin si Wilbur sa oras at ngumiti siya. “Maaga ka dumating.”Yumuko si Gordon bilang respeto bago siya lumingon para tumingin kay Lightning Hank at sa mga tauhan ni
Suminghal ng malamig si Wilbur at sinipa niya si Stanley sa dibdib.Dumura ng dugo si Stanley habang lumipad siya, tumama siya ng malakas sa sahig at nawalan siya ng malay.Pagkatapos nito, lumapit si Wilbur kay Lightning Hank. “Nakipag tulungan para kidnapin si Faye at turuan ako ng leksyon, tama ba?”“Si Stanley ang may ideya nito! Ginagawa ko lang ito para sa pera! Wala tayong problema sa isa’t isa,” Nagmamakaawa si Lightning Hank. Nawala na rin ang lahat ng kayabangan niya.Binuhat ni Wilbur si Lightning Hank mula sa kwelyo at lumapit siya sa mukha ng lalaki, nagbabala siya, “Wala akong pakialam kung sino ka. Wag mong hawakan ang kahit sinong malapit sa akin. Guluhin mo sila, at magbabayad ka.”Bago pa sumagot si Lightning Hank, sinuntok siya ni Wilbur sa tiyan sa sandali na bitawan siya nito.Umungol sa sakit si Lightning Hank, gumulong siya sa sahig habang dumudura ng dugo. Tila may parte ng laman loob niya na sumama sa dugo.Halata na hindi na siya mabubuhay.Nakita ni G
Inobserbahan ni Wilbur si Ian ng mabuti. Tila naalala niya ang apelyido na ito na binanggit ni Lightning Hank kanina.“Pwede ba tayong mag usap sa labas?” Ang mabait na sinabi ni Ian.Ngumiti si Wilbur at pagkatapos ay tumingin siya sa likod niya. Nakaupo si Faye habang may blanket sa mga binti.Yumuko siya ng konti. “Pasok ka.”Mabagal na pumasok si Ian sa sala, umupo siya sa sulok ng sofa. Umupo si Wilbur sa tabi ni Faye at nagsindi siya ng sigarilyo. “Ano ang maitutulong ko sayo?”Tumingin si Ian kay Wilbur at sinabi niya, “Patay na si Lightning Hank.”“Ganun ba? Nararapat ito sa kanya,” Ang kalmadong sinabi ni Wilbur.Kumunot ang noo ni Ian. “Ang mga Owen ay nagsimula bilang maliit na escort business bago lumipat sa corporate noong mabuo ang new Dasha. Pero, dati pa kami magaling na mga manlalaban sa nakalipas na mga siglo.”“Ano ang kinalaman nito sa akin?” Ang kalmadong tanong ni Wilbur.Hindi sumagot si Ian sa katanungan ni Wilbur, ngunit sinabi niya, “Ang mga clan na t
“Gusto mong sumama ako sayo?”“Opo, medyo natatakot ako.”Nagbuntong hininga si Wilbur. Ang babaeng yun ay mahirap harapin.Hindi tama para sabihin na pinepeke ito ni Faye, ngunit mukhang kalmado siya kagabi sa harap ng maraming kriminal.Gayunpaman, nang makita ang nakakaawa na ekspresyon ni Faye, walang ibang magawa si Wilbur kundi ang pumayag.Kuminang ang mga mata ni Faye. “Sige po. Pupuntahan po kita ng gabi. Kayo po pala ang magiging driver at bodyguard ko. Bye!”Nang hindi naghihintay ng sagot, umalis na siya ng bahay.Umiling si Wilbur at pumunta siya sa central garden para magsanay ng kanyang martial arts.…Hindi nagtagal, lumipas ang isang araw. Naghihintay na si Wilbur sa sala para kay Faye nang dumating ito sa bahay.“Sandali lang po, Boss.” Umakyat ng hagdan si Faye at nasuot siya ng black evening gown.Kita ang cleavage niya suot ang V-neck dress. May suot din siya na pearl necklace. Ang gown ay umabot sa paa niya at may nakakaakit na maturity ito na nakakabig
Kumunot ang noo ni Wilbur. Suot niya nga lang ang kaswal na damit at hindi siya tugma sa iba. Gayunpaman, ang lalaking yun ay hindi magalang sa kanyang pananalita.Tumingin si Wilbur kay Faye, inaasahan niya na magbigay ito ng paliwanag, ngunit si Faye ay nakikipag usap sa isang lalaki at isang babae, at silang tatlo ay paakyat ng hagdan. Klaro na may pag uusapan sila.Sinabi ni Wilbur sa lalaki, “Ako ang driver ni Ms. Yves.”“Wala akong pakialam kung kaninong driver ka. Wala kaming lugar para sa mga taong may suot ng ganyan dito! Lumabas ka na ngayon,” Ang sabi ng lalaki.Dumilim ang ekspresyon ni Wilbur. “At sino ka naman?”Tumawa ng mayabang ang lalaki, “Ako? Tandaan mo ito. Ang pangalan ko ay Mike Cannon, at ako ang may ari ng lugar na ito. Ang mga upper-class guests lang ang welcome dito. Ang mga driver ay dapat lumugar kasama ang mga driver.”Sa sandaling ito, may maskuladong lalaki na nasa thirties na may suot na suit ang lumapit.Sa likod niya ay may dalawang magandang b
“Talagang maganda ito. May nasaksihan akong bagong bagay ngayong araw. Isa itong malaking pagbubunyag para sa akin!”Kasabay nito, ang mga madla ay nagkagulo sa papuri.Ang gamit na ito ay kumuha rin ng atensyon ni Wilbur. Ibinaba niya ang pagkain at nagconcentrate siya sa kanyang spiritual energy, nagsimula siyang mag imbestiga.Pagkatapos, si John at ang iba ay nakatingin sa incense holder, naramdaman nila ang misteryosong aura ng may seryosong mga ekspreyson.Makalipas ang ilang sandali, sinabi ni John ng may malalim na boses, “Master Jose, ano ang gagawin niyo para dito?”Ngumiti si Master Jose. “Gawin natin itong auction. Nabalitaan ko na ang club nito ay isang magandang auction hal sa Seechertown.”Pagkatapos, sumingit is Mike. “Tama. Ako na po ang bahala sa auction, Master Jose.”“Ano po ang starting price?” Ang tanong ni John.Pinag isipan ito ni Master Jose bago niya sinabi ng mabagal, “Sa katotohanan lang, hindi ito masyadong mahalaga para sa akin. Pero, isa talaga i
Ang lahat ng mga tao na nagbibigay ng presyo at tumingin ng sabay sabay kay Wilbur.Alam nila na ang mga sinabi ni Wilbur ay isang seryosong akusasyon, at malubha ang kahihinatnan nito.Kapag hindi nagbigay ng paliwanag si Wilbur, hindi siya makakaalis ng lugar na ito.Sa katotohanan, kailangan din ni Wilbur ang mga ganitong bagay. Masasabi na mas kailangan niya ito kaysa sa kahit sino sa kwartong ito.Ito ang rason kung bakit nagpokus siya sa kanyang spirit energy para imbestigahan ang incense holder.Gayunpaman, pagkatapos ng konting imbestigasyon, nalaman niya agad na peke ito. Nadismaya siya ng sobra dahil dito.Ngunit natawa siya dahil sa lahat ng mga taong ito na nag aagawan sa isang peke, ngunit napunta lang siya sa gulo dahil dito.Gayunpaman, hindi siya natatakot.Mabagal na naglakad si Wilbur patungo sa madla at tumingin siya kay Master Jose. “Pwede niyo ba sabihin ang pangalan mo, at saan kayo nakatira, o ating Great Master?”“Ang pangalan ko ay Jose Smithson. Mula