Naiintindihan niya na ngayon na hindi ito isang ordinaryong pagtitipon.Umupo si Wilbur sa tabi ni Nancy, tumingin siya ng masama kay Reggie. “Mr. Class President, akala ko ba ay isa itong pagtitipon ng mga classmate. Hindi ko kilala ang lalaking ito. Nasa class ba natin siya?”“Ah, hindi nakarating ang ibang mga classmate natin. Ito si Mr. Wade Lynch, mula sa Youthful Travel Agency. Nagkataon na day off niya ngayon, kaya inimbita ko siya na sumama. Ang travel agency ni Mr. Lynch ay may higit sa sampung branches sa buong bansa. Ito ay may halaga na ilang daang million dollar! Maswerte ako na nakuha ako bilang general manager ng Seechertown branch, kaya wag kayong mahiya na kausapin ako kung may plano kayong mag bakasyon sa darating na panahon.” Walang tigil sa papuri si Reggie.Ang tatlong ibang classmates ay ngumiti ng masaya, nakipag usap sila kay Mr. Lynch.Ang lahat ay isang regular na white-collar worker, at ang ilang hundred million dollars ay parang isang malaking halaga sa
Napuno ng inis ang tingin ni Wade, ngunit mabilis itong napalitan ng isang ngiti habang lumingon siya para tumingin kay Wilbur. “Ano ang itatawag ko sayo, sir?”“Ang apelyido ko ay Penn,” Ang sabi ni Wilbur.Tumango si Wade. “Mr. Penn, nice to meet you. Pwede ko bang itanong kung ano ang trabaho mo?”“Wala akong trabaho.”“Hindi ka pa rin nakakahanap ng trabaho, Wilbur?” Tumawa ang isa sa mga classmate ni Rainie Lark.Ngumiti si Wilbur. “Oo, wala naman akong magagawa tungkol dito.”Tumawa ang ibang mga classmate. Kahit na hindi nila nilalait si Wilbur, halata na hindi mataas ang tingin nila kay Wilbur.Nagbuntong hininga si Nancy. Mawawala sa isip ang mga babaeng ito kapag nalaman nila kung sino talaga si Wilbur.Simple lang ang mga bagay noon. Ang pagkakaibigan nila ay dating puro.Tila ang lahat ay nagbago simula noong pumasok sila sa lipunan, at ang ilang tao ay nagbago na higit pa sa inaasahan ni Nancy.Sa sandaling yun, tinaas ni Reggie ang baso niya at sinabi niya, “Guy
Nataranta si Reggie sa mga salitang yun. Tutal, si Wade ay ang boss niya. Ang kinabukasan ni Reggie ay nasa palad ng lalaking ito.Niyaya niya si Reggie sa pagtitipon na ito upang umakyat ng posisyon, ngunit naging masama lang ito para sa kanya. Ngayon at galit na si Wade, baka mapunta pa sa mas malaking gulo si Reggie.Lumapit si Reggie kay Nancy at binulong niya, “Nancy, pwede bang gawin mo ito para sa akin? Mawawala ang trabaho ko kapag sumama ang loob ni Mr. Lynch.”Nagbuntong hininga si Nancy. Hindi maitatanggi na naging classmates sila, at naisip niya na obligado siyang tumulong. “Sasama rin pala si Wilbur. Hindi ako sasama kung wala siya.”Alam ni Nancy na may mali, ngunit naisip niya na walang dapat katakutan basta’t kasama niya si Wilbur.Desperadong tumingin si Reggie kay Wilbur.Umiling si Wilbur at sinabi niya, “Sige, pumunta na tayong lahat at magsaya tayo.”Hindi niya magawa na tumanggi kay Nancy.Agad na gumaan ang loob ni Reggie. “Sige, tara na! Isang magandang
Ito rin ang unang beses na susubukan ng mga babae na maglaro, at masaya silang tinuturuan kung paano.Nagpatuloy si Reggie sa pagbibigay puri, at nagsasaya si Wade kasama ang tatlong mga babae.Nanatili sina Wilbur at Nancy sa cart, nag uusap ng paminsan minsan. Hindi nila pinansin ang iba.Hindi nagtagal, malakas ang naging swing ni Wade at ang bola ay lumipad ng may kalayuan.Ang lahat ay sumakay sa cart, at ang caddy ay pumunta sa lugar kung saan bumagsak ang bola.Sa oras na yun, sinabi ni Wade kay Nancy, “Bakit hindi mo rin ito subukan? Maganda ito para sa katawan.”“Pasensya na, hindi rin ako marunong maglaro,” Ang mabait na sinabi ni Nancy.Tumawa si Wade. “Walang problema! Nandito ako para turuan ka.”“Ayos lang ako,” Tumanggi si Nancy.Gayunpaman, halata na naiinis si Wade. Interesado siya kay Nancy, ngunit buong gabi na kasama ni Nancy si Wilbur at hindi siya pinapansin ni Nancy.Hindi nagtagal, huminto ang caddy kung saan bumagsak ang bola. Bumaba si Wade para luma
Wala sa mood si Wilbur para makialam sa problemang ito at ngumiti lang siya. “Wala ito. May naisip lang akong isang nakakatawang bagay.”Galit na galit din si Wade, dahil hindi pa siya sinigawan ng ganito noon. “Walang hiya ka! Tingnan natin kung ano ang kaya mo para patalsikin ako mula dito.”Mabilis na lumapit ang manager para bumulong sa tainga ni Wade, “Mr. Lynch, ito po si James Chuke mula sa Woodstown. Nasa oil at gas industry po siya, at ang net worth niya ay nasa billions.”“Walang hiya ang isang hindi taga-dito na isipin na pwede niya gawin ang kahit ano sa Seechertown? Ano ngayon kung may pera siya?”Kahit na ang lalaking ito ay may mas mataas na net worth kaysa kay Wade, hindi aatras si Wade. Tutal, nasa Seechertown sila, hindi sa Woodstown.Gayunpaman, nagpatuloy ang manager, “Mr. Lynch, hindi niyo po ito dapat ituloy. Makapangyarihan po an mga bodyguard ng lalaking ito. Lagi niya po sinasabi sa akin na ibigay ang lugar sa kanya kapag nandito siya at binubugbog niya po
Sinasabi lang ito ni Wilbur upang matapos na sa pagtatalo ang parehong partido.Bukod pa dito, ang mga classmate niya ay karaniwang mga tao lang. Ayaw ni Wilbur na madamay sila sa walang kwentang away ng mga mayaman.Ang isang karaniwang tao ay magkakaroon ng malaking takot at imahinasyon kapag nasaksihan nila ito, at baka makaapekto pa ito sa buhay nila pagkatapos nito.Sa kasamaang palad, narinig ni Wade ang mga sinabi ni Wilbur at lumingon siya ng mabilis, “Hoy, pwede ka nang lumayas kung takot ka. Walang kahit ano sa Seechertown ang hindi ko kayang harapin.”Nagkibit balikat si Reggie. Wala na siyang magagawa.Nagbuntong hininga si Wilbur, bumalik siya sa cart niya habang tumingin siya sa mga bodyguard ni James.Ang dalawang lalaki ay may magandang katawan, at sila rin ay mga Aura level cultivator. May isa pang mas payat na lalaki, at ito siguro ang secretary ni James.Ngunit ang dalawang bodyguard ay may sapat na kapangyarihan para ituring na isang panganib. Kung wala sa mg
Pinanood ni Nancy at tinanong ni Wilbur, “Pwede ka ba makialam? Takot ang mga classmate natin.”Nagbuntong hininga si Wilbur at sumagot siya, “Tingnan mo sila. Sino ang makakapigil sa kanila? Natatakot ako na hindi matatapos ito kapag hindi sila nakabawi.”“Ano bang dapat nating gawin?” Medyo nag aalala si Nancy.Sumagot si Wilbur, “Wag kang mag alala. Pangako ko na hindi masasaktan ang classmates natin. Para naman kay Wade, hayaan mo lang siya na gumawa ng eksena.”Tumango siya ng tahimik. Hindi mahalaga para sa kanya basta’t ligtas ang mga classmates niya. Hindi niya rin naman gusto sina Wade at James.Tumawag ulit si James sa tabi at binaba niya ito pagkatapos makipag usap.Tinanong ng secretary niya sa tabi niya, “Mr. Chuke, gusto niyo po bang papuntahin si Mr. Lilith? Hindi ba’t sobra na po ang sitwasyon?”Malamig na sumagot si James, “Ano ang alam mo? Isang pagsubok din ito. Hindi natin kailangan makipag cooperate kung hindi niya kaya harapin itong maliit na bagay. Ang rea
“Yes, sir,” Ang sagot ng secretary at agad siya lumapit para sabihin ng mabait, “Mr. Chuke, gusto po kayong kausapin ni Mr. Young.”“Sinong Mr. Young?” Ang tanong ni James na tila walang pakialam.Sinagot ng secretary, “Ang taong namamahala sa East City District.”“Sabihin mo sa kanya na siya ang pumunta dito. Namamahala lang siya ng isang district. Maliit na bagay,” Ang malamig na sinabi ni James.Natulala ang secretary. Hindi siya makapaniwala na ayaw sumunod ni James.Isang district official si Declan Young, at sila ay nasa teritoryo niya. Paano nagawang kausapin ni James si Mr. Young ng ganito kahit na ganito ang financial status ni Mr. Young?“Pag isipan niyo po ito. Si Mr. Young ang namumuno sa East City District,” Ang secretary ay sinabi ulit ang pagkakakilanlan ni Declan.Gayunpaman, tumawa si James at sinabi niya, “Sinabi ko na sayo na papuntahin siya. Hindi pa ba ako klaro?”Kumunot ang noo ng secretary at sinabi niya ng malamig, “Kailangan mo harapin ang kahihinatnan