Sa huli, natapos si Joel na ilabas ang galit niya at umupo siya sa sofa habang mabilis ang paghinga.Lumipas ang mahabang sandali, tila huminahon na siya habang nagsindi siya ng sigarilyo at nag isip ng malalim.Sa huli, tinawag niya, “Jar!”Si Jar Wattmen, ang secretary ni Joel, ay mabilis na pumasok mula sa pinagtataguan niya, nanginig siya mula ulo hanggang paa. “Yes, Mr. William? Ano po ang magagawa ko para sa inyo?”“Tawagan mo si Borghetti. Sabihin mo sa kanya na kailangan ko siyang makita. Mahalaga ito,” Ang sabi ni Joel.Nilabas agad ni Jar ang kanyang phone at sinunod ang inutos sa kanya.Maputla ang ekspresyon ni Joel habang galit niyang sinabi, “Walang hiya ka para gawin ito sa akin, Maniac. Hindi rin ako magiging mabait. Wag mo akong sisihin sa gagawin ko.”Sa oras na yun, sa isang building.May grupo ng mga property owner na nagtipon sa harap ng sales department, nagpoprotesta sila at iwinagayway ang mga flag at dinedemanda na ang mga property nila ay ibalik sa kan
Pagkatapos, higit sa sampung libong mga trabahador ang sumugod sa control room. Agad nilang pinigilan ang mga guard at ang supervisor ay binugbog at halos hinagis mula sa top floor.Naganap ito sa bawat factory at kumpanya na pagmamay ari ng Viewspring Corp, at nagkakagulo sila doon.…Nang gabing yun.Ang isang Audi A6 ay nagpark sa tabi ng isang lawa sa bandang labas ng lungsod.May isang Bentley S500 na lumapit dito, at lumabas si Joel William. Lumapit siya sa Audi, yumuko siya sa itim na bintana.Ang bintana ng Audi ay bumaba ng kalahati.Nagsalita agad si Joel, “Mr. Borghetti, sigurado ako na alam niyo ang nangyayari sa kumpanya nitong nakaraan.”“Hindi masyadong klaro ang mga detalye.”“Yung lintik na si Maniac. Kumuha siya ng mga tao para pahirapan tayo. Nagkakagulo na ang kumpanya ko ngayon.”“Pinapahirapan ka? Paano?”“Tungkol sa ilang mga bagay. Humihingi sila ng mga unit na binayaran nila, ang mga trabahador ko ay nasa isang strike, pinipilit nila na itaas ko ang
Tumingin ng nanunuya si Maniac kay Joel. “May isang taong hindi mo pwedeng guluhin. Ito ay isang bagay na hindi mo pwedeng bayaran para makatakas, kaya kalimutan mo na ito.”Tumayo si Joel nang marinig niya ito. Ang tono niya ay madiin habang sinabi niya, “Hindi ako takot sayo, Maniac! Pwede kitang pigilan noon at kaya ko pa rin ito ngayon.”“Totoo na kaya mo akong labanan noon.” Tumayo si Maniac, tumitig siya kay Joel. “Pero lagot ka na ngayon at magbabayad ka gamit ang dugo mo. Naiintindihan mo?”Huminto si Joel bago niya sinabi, “Ito ay tungkol kay Ethan Osborn, hindi ba?”“No comment.” Sumandal si Maniac sa upuan niya, uminom ulit siya ng whiskey.Ngumiti si Joel. “Wag mong kalimutan ang tungkol kay Mr. Taft, Maniac. Isa kang tanga kung sa tingin mo ay pwede mong patakbuhin ang Anya City habang nandito siya.”Tumalikod si Joel para umalis pagkatapos nito. Medyo nagbago ang ekspresyon ni Maniac.Nang mawala na si Joel, mahinang tinanong ni Haley, “Sino si Mr. Taft? Makapangya
Ngunit, ngumiti lang si Wilbur. “Hindi mahalaga kung sino siya. Ang sinumang humadlang sa pagpapabagsak ko kay Joel William at sa paghihiganti para sa pare ko ay magbabayad. Baka ang buhay pa nila ang kabayaran.”Tumango si Maniac. “Gagawin ko po ang makakaya ko. Wag kayong mag alala.”“Pwede ka nang umalis. At wag ka nang mag alala tungkol dito. Sa akin ka na nagtatrabaho ngayon, kaya walang mananakit sayo.”“Salamat po, Sir.”Yumuko si Maniac at umalis siya ng hotel. Tumayo siya sa labas, madilim ang ekspresyon. “Ibinubuwis ko ang buhay ko para dito. Mukhang ito ang tadhana.”Pagkatapos, dumating ang kotse ni Joel sa ibaba ng bundok sa bandang labas ng Anya City.May isang villa na may katamtaman ang laki, nakalagay ang pangalan ng lugar sa pinto.“Pureheart Villa.”Bumaba ng kotse si Joel at bumagsak siya sa tuhod niya sa harap ng villa habang sumigaw siya, “Mr. Taft! Si Joel William po ito. Kailangan ko po kayong kausapin, Sir.”Pagkatapos, may isang lalaki na nasa kanyang
Tumahimik si Mr. Taft, pagkatapos ay sinabi niya, “Anong problema?”“Mr. Taft, ang kumpanya po na itinayo ng tatay ko ay malapit nang bumagsak. Pakiusap, Mr. Taft. Kailangan ko po ng tulong niyo.”“Hindi ko alam kung paano magpatakbo ng isang negosyo.”“Ipapaliwanag ko po, Mr. Taft. Si Maniac po ang rason. Siya po ang sumasakop sa Anya City at ginagawa niya ang lahat ng gusto niya simula noong umalis kayo para mag cultivate. Ang anak ko po ay binugbog hanggang sa mamatay, kaya pinakulong ko po ang killer niya. Pero, ginagamit po ito ni Maniac bilang rason para atakihin ako, at ngayon po ay malapit na akong ma-bankrupt. Pakiusap, tulungan niyo po ako, Mr. Taft. Marami po silang ginawang mali sa akin.”“Ganun ba?”“Opo. Wala po masyadong kayang gawin si Maniac sa akin noon, pero sa tingin ko po ay may taong palihim na sumusuporta sa kanya ngayon. Kahit po ang mga awtoridad ay hindi nakikialam dito. Gumagawa po ng gulo si Maniac sa lahat ng pinupuntahan niya at pinagsamantalahan niya
“Sanctuary level, huh? Kung ganun, wala akong pakialam. Ang kahit sinong hahadlang sa paghihiganti ko ay babagsak pa rin,” Ang sabi ni Wilbur.Halatang nabawasan ang kumpiyansa ni Maniac ay, medyo duwag pa siya habang nakakunot ang noo. “Sir, sigurado ba kayo na mananalo po kayo laban kay Mr. Taft?”“Ano, natatakot ka ba?” Tumawa si Wilbur.Napabuntong hininga si Maniac. “Nagsisinungaling po ako kung sinabi ko na hindi, Sir. Ang isang Sanctuary level cultivator ay may sapat na kapangyarihan para durugin ang isang Aura level na tulad ko hanggang sa mamatay ako.”“Kung ganun, Maniac, bibigyan kita ng isa pang pagkakataon. Pwede kang magtrabaho para sa akin o sumama kay Mr. Taft. Pero, ikaw ang mananagot sa kahihinatnan nito,” Ang sabi ni Wilbur.Tumahimik si Maniac habang pinag isipan niya ito. Makalipas ang ilang sandali, yumuko siya kay Wilbur. “Sir, wala na akong ibang mapupuntahan. Pinili ko na magtrabaho para sa inyo sa simula pa lang at pananagutan ko ito. Hindi na po ako magd
‘Wala nang lugar para sa kanya sa Anya City ngayon at may kinalaman na si Mr. Taft, hindi ba?’ Iniisip ni Joel.Naisip ni Joel na lamang siya. Baka kaya niya pang patayin si Maniac.Hindi pinansin ng lahat ang lalaking nasa likod ni Maniac, at akala nila ay sidekick niya lang ito.Agad na naging malamig ang tingin ni Joel nang makita si Maniac.Patay na ng maraming beses si Maniac kung kayang pumatay ng tingin.Ngunit, matapang si Maniac. Pumasok siya at tumingin sa paligid bago siya umupo kasama ang sidekick niya. Hindi sila makapaniwala na hindi natatakot si Maniac.Ngumisi ang lahat at naisip nila, ‘Pinipilit ni Maniac na magmukhang mahinahon.’Si Maniac ang nasa tuktok ng Anya City, at may laban sila ni Joel, kaya hindi papayagan ni Mr. Taft na magpatuloy siya sa ginagawa niya sa Anya City. Iniisip nila na matapang si Maniac para magpakita.Tumayo si Zachary sa oras na yun. Tumingin siya sa lahat at sinabi niya, “Mukhang nandito na ang lahat, kaya i-welcome natin si Mr. Taf
Tumayo si Maniac, sumagot siya ng mabagal, “Totoo ito, Mr. Taft.”“Bakit?” Malamig na nagtanong si Chance.Lumapit si Maniac kay Chance, pagkatapos ay yumuko siya. Sinabi niya, “Wala itong kunsento ko, Mr. Taft. May taong pinilit akong gawin ito.”Nabigla ang mga tao na hindi alam ang katotohanan. ‘Ganun ba?’Napabuntong hininga si Wilbur.“Siya po.” Tumuro si Maniac kay Wilbur at sinabi niya ng malakas, “Noong nakaraang araw, itong lalaki na may pangalan na Wilbur Penn ay hinanap ako. Muntik niya na akong patayin dahil isa siyang Ambience level cultivator. Tinakot niya ako para atakihin namin si Joel. Wala akong magawa kundi ang sumunod. Mabuti na lang, bumalik kayo, Mr. Taft. Pakiusap, bigyan niyo po ako ng hustisya, at papayag din po ako na maging inaanak niyo.”Pagkatapos, lumuhod siya sa sahig ng hindi nagpapakita ng intensyon na tatayo siya.Nabigla ang lahat. Hindi nila inaasahan na ito ang gagawin ni Maniac.‘Totoo kaya ito?’ Ang naisip nila.Tumingin ang lahat kay Wi