Nang matapos ang call ni Will, huminga siya ng malalim bago siya lumapit ng mabagal kay Wilbur at yumuko siya ng malalim. “Patawad po, Mr. Penn. Wala akong alam at ginalit ko po kayo. Pwede niyo po akong parusahan sa anong gusto niyo.”Nabigla ang lahat sa ginawa ni Will.Si Sammy, Steve, at ang lahat ng mga lalaki sa kwarto ay napanganga.Kahit si Nancy ay nabigla. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari. Bakit biglang nagbago ang pag uugali ni Will?Si Wilbur lang ang may alam kung ano ang nangyari dahil sa pambihirang pandinig niya.Narinig niya ang bawat salita sa pag uusap ni Will at ng tatay nito.Nakita ito ni Wilbur at kumunot ang noo niya. “Hindi na kita papahirapan. Dahil humingi ka ng tawad, pagbibigyan kita.”“Salamat po, sir. Sandali lang po. Pupunta po ang tatay ko dito para personal na humingi ng tawad sa inyo,” Ang maingat na sinabi ni Will.Nabigla ulit ang lahat sa mga sinabi ni Will. Hindi nila maintindihan kung ano ang nangyari para sa isang tao na tulad ni
Nakita ni Gerard si Wilbur at mabilis siyang yumuko sa kanya. “Gerard Torrent, at your service, sir.”Kumaway si Wilbur. “Walang problema.”“Ginalit po ba kayo ni Will, sir? Paparusahan ko po siya,” Ang sabi ni Gerard.Kumunot ang noo ni Wilbur. “Hindi naman ito masyadong masama, kaya hindi mo kailangan itrato ito na malaking problema.”“Will, lumapit ka dito at humingi ka ng tawad,” Ang sabi ni Gerard.Lumapit si Will, opisyal siyang humingi ng tawad. Tumayo si Wilbur. “Sinabi ko na isang maliit na hindi pagkakaunawaan lang ito. Tinatanggap ko ang paghingi mo ng tawad. Gusto ko lang na matapos na ito.”Hindi na ito gustong patagalin ni Wilbur at baka hindi siya umabot sa kanyang cultivation schedule.Tumigil na si Gerard sa pag aalala pagkatapos sabihin ni Wilbur na wag na itong palalain pa. Pagkatapos ay lumingon siya sa anak niya. “Bigyan mo ako ng isang card.”Agad na naintindihan ni Will ang ibig sabihin ng tatay niya at mabilis niyang nilabas ang isang golden card at ipin
Nagpatuloy sa pag uusap ang dalawa tungkol sa oras nila sa school.May nararamdaman na komplikadong mga emosyon si Nancy ngayon.Nagkataon lang na nakasalubong niya si Wilbur. Minsan silang naging magkatabi sa klase, at alam ni Nancy na namatay ang mga magulang ni Wilbur noong bata pa ito. Tumira si Wilbur kasama ang lolo niya at hindi sila mayaman.Ito ang rason kung bakit inalagaan ni Nancy si Wilbur sa school. Masasabi na mayroong konting spark sa pagitan ng dalawa.Ngunit dahil pareho pa silang bata, hindi nila maintindihan kung ano ang nararamdaman nila bago sila nagkahiwalay ng landas.Nang makita ni Nancy si Wilbur pagkatapos ang isang dekada, tila nagbago na si Wilbur na para bang may superpower siya.Hindi isang tanga si Nancy.Alam niya mula sa mga sinabi ni Steve na si Mr. Torrent ay makapangyarihan.Ngunit sa oras na magpakita si Wilbur, naging isang masunurin na kuting si Mr. Torrent. Ibig sabihin ay nasa ibang lebel si Wilbur.Gayunpaman, mukhang ayaw ni Wilbur n
Ang sipa ay mabigat at kasing bilis ng kidlat. Nanginig si Nancy mula sa kotse, tinakpan niya ang bibig niya sa takot.Sa oras na yun, ngumisi ng malamig si Wilbur bago siya umatake ng malakas.Ang parehong atake at tumama ng malakas sa ere.Tumama ng malakas ang atake ni Wilbur sa ibaba ng paa ng lalaki. May malakas na pwersa na tumama sa paa ng lalaki, tumalsik ang dugo sa ere.Umungol sa pag iyak ang umatake, napaatras siya ng isang paa habang tumitig siya kay Wilbur na tila hindi makapaniwala.Tumalikod si Wilbur para tumitig kay Jose. “Sinasabi mo ba sa akin na ang mahinang ito ay sinusbukan kang patayin?”Nahihiya na sinabi ni Jose, “Sir, ang cultivation level ko po ay hindi kasing lakas ng sa kanya. Wala akong laban sa kanya.”Gayunpaman, napagtanto na ni Jose kung gaano kalakas si Wilbur.Ang sariling kakayahan ni Jose ay umabol sa aura blow level, ngunit may spectrum din sa level na ito.Ang aura ni Jose ay hindi kasing lakas ng kay Duran. Ito ang rason kung bakit hin
Pagkatapos, sumipa ulit si Wilbur sa tiyan ni Duran.May malakas na tunog habang tumalsik ulit si Duran sa ere. Umubo siya ng maraming dugo bago siya bumagsak sa sahig, walang malay.Habang bumagsak siya sa sahig, may isang token na kasing laki ng isang palad na bumagsak mula sa damit niya at gumulong papunta sa paa ni Wilbur.Kumaway si Wilbur, at ang token ay lumipad papunta sa kamay niya.Mukhang ancient ang token. Ang token ay itim at may mga nakaukit na ulap, may blood-red sword sa gitna nito.Tila may kakaibang energy na lumalabas sa token, sinusubukan nitong pumasok sa katawan ni Wilbur.Ngunit ang tanging kailangan na gawin ni Wilbur ay gumamit ng maliit na pwersa, at nasilya ang token, ang lahat ng energy ay naipit sa loob nito.Pagkatapos itong pag isipan, itinabi ni Wilbur ang token.Tila may kakaiba dito, kaya plano niya na dalhin ito pauwi at aralin ito.Ang lahat ng ito ay nangyari sa isang iglap, at kakabalik lang ni Jose sa sarili niya.Hindi siya makapaniwala
Tumingin ng malapit si Wilbur at kumunot ang noo niya. “Yvonne? Ano ang ginagawa mo dito?”Ang taong nakaluhod sa pinto ay walang iba kundi ang ex-wife ni Wilbur, si Yvonne.Lumingon si Yvonne. Ang leeg niya ay ngawit na dahil sa tagal ng pwesto niya sa ganitong posisyon. Nakita niya na ito ay si Wilbur at agad na tumulo ang kanyang mga luha. “Wilbur, nagkamali ako. Tatanggapin ko ang lahat ng kahihinatnan nito. Pakiusap, maawa ka sa mga Willow! Pakiusap!”“Ano ang sinasabi mo? Wala akong ginawa sa mga Willow,” Ang sabi ni Wilbur, nalilito.Umiyak si Yvonne, “Wala kang ginawa mismo, pero dahil sa kapangyarihan ng Cape, sapat na ito para mapunta ang mga Willow sa bankruptcy. Pwede akong umalis. Aalis na ako ng pamilya Willow at tatangapin ko ang kahit anong parusa na gusto mo. Pero, ang pamilya ko ay nagsikap sa Willow Corp ng tatlong henerasyon para mapunta ito sa kinatatayuan nito ngayon. Pakiusap, nagmamakaawa ako.”Kumunot ang noo ni Wilbur at tinulungan niyang tumayo si Yvonne.
Isa itong masamang bagay, at nabunyag ito dahil lang nagtiwala si Wilbur sa katarungan ni Timothy.Makalipas ang ilang sandali, sinabi ni Wilbur, “Sige. Masusunod ito na tulad ng sinasabi mo. Faye, hindi mo na kailangan ituloy ang ginagawa mo.”Naiintindihan din ni Wilbur na walang iba kundi si Faye ang rason ng pagbagsak ni Yvonne.Nadismaya siya sa mga Willow, ngunit pinahahalagahan niya pa rin kahit papaano si Chelsea.Tutal, si Chelsea lang ang nagpahalaga talaga kay Wilbur nitong nakaraang tatlong taon.Tumango ng tahimik si Faye, ngunit hindi niya mapigilan na ipakita ang lamig sa kanyang ngiti.Agad na tumayo si Yvonne, yumuko siya ng malalim kela Wilbur at Faye upang ipakita ang pagpapasalamat niya.Ito ang pinakamabuting bagay na resulta nito, at kuntento na si Yvonne dito.Sinabi ni Faye, ‘Nandoon ang pinto. Pwede ka nang umalis ngayon.”Tumango ng tahimik si Yvonne pagkatapos itong marinig, nagquit na siya ng walang sinasabi na ibang bagay.Pinanood ni Wilbur haban
Halos walang reaksyon si Wilbur sa boses. “Salamat sa babala, pero enjoy ko pa ang mabuhay.”“Kinuha mo ang kumpanya ko at halos dalhin mo ako sa kulungan. Babagsak ang isa sa atin. Maghintay ka lang,” Ang malupit na sinabi ng boses.Tumawa ng mahina si Wilbur. “Kung ganun, ipakita mo ang lahat ng meron ka.”Pagkatapos itong sabihin, binaba niya agad ang phone. Noong nasa militar siya, sanay na siya sa mga pananakit sa harap ng baril mula sa mga pinaka makapangyarihang manlalaban sa mundo. Ang isang tawag na ganito ay wala lang sa kanya.Ang ganitong klaseng pananakot ay walang laman para sa kanya.Alam ni Faye an may mali, kaya tinanong niya, “Ano po ang nangyari?”“Ah, wala. Sa tingin ko ay pinakawalan sa kulungan si Blake,” Ang kalmadong sinabi ni Wilbur.Tila naging seryoso ang tono ni Faye. “Tinakot niya po ba kayo?”“Wala naman siyang magagawa para takutin ako. Wag kang mag alala,” Ang sabi ni Wilbur.Pinag isipan ito ni Faye, pagkatapos ay tumanog siya ng tahimik.Sa k