Mabilis na lumapit si Bernie sa lalaki. “Uncle…. Ah, Mr. Coop! Ang cafe na ito ay nabigo sa kanilang hygiene inspection, kaya pumunta ako para sabihin sa kanila na tumigil sa pagpapatakbo. Pero, hindi nakinig ang may ari sa akin at pinabugbog niya kami sa mga kaibigan niya! Tingnan niyo! Sira ang mga ngipin ko ngayon.”Gumulong ang mga mata ni Harrod Coop, tumingin siya ng masama sa pamangkin niya. Alam niya kung anong klase ng tao ang pamangkin niya, at na hindi nito sinasabi ang katotohanan.Gayunpaman, hindi niya pwedeng hayaan ang pamangkin niya na bugbugin ng wala siyang ginagawa, kung hindi ay ang malupit na nanay ng pamangkin niya ay pahihirapan siya.Kaya naman, tinaas niya ang boses niya na may puno ng awtoridad. “Sino ang nanakit sayo?”Tumuro si Bernie kay Wilbur. “Siya yun!”Lumapit si Harrod kay Wilbur. “Binugbog mo ba ang mga taong ito?”“Yun ang ginawa ko,” Ang kalmadong sinabi ni Wilbur.Si Harrod ay tumingin sa walang pakialam na ekspresyon ni Wilbur at agad siy
Maliban dito,kapag si Mr. Brigado mismo ang nag inspection kay Harrod.. Ang lahat ng mga ginawa niya nitong mga nakaraang taon ay mabubunyag.Nanginig ang mga binti ni Harrod habang iniisip ito.Hindi alam ng mga tauhan niya kung ano ang gagawin nang makita siya na ganito.Ngunit, wala pa ring alam si Bernie. “Mr. Coop, sige na! Kunin niyo na siya!”Walang ibang gustong gawin si Harrod kundi ang sampalin sa mukha ang tanga na pamangkin niya.Gayunpaman, ang mahalaga ngayon ay ang maligtas ang sarili niya.Makalipas ang ilang sandali, nagkaroon siya ng ideya at sumigaw siya, “Bernie Doebrook, ano ang nangyari dito?”Nabigla si Bernie. Tumingin siya kay Harrod at sinabi niya, “Uncle Harrod, sinabi ko na sa inyo ang lahat sa phone.”“Wala kang sinabi sa akin! Sir, kung pwedeng pumunta ka muna dito saglit,” Tinawag ni Harrod ang may ari ng cafe.Nalito ang may ari ng cafe, nanginginig siya habang naglalakad siya patungo kay Harrod.Sinabi ni Harrod ng may mabait na tono, “Sir, sa
Yun ang taong ito!Si Gordon Grayson, ang anak ng isa sa mga bayani ng bansa na si Benjamin Grayson!Sigurado ang lahat na si Gordon ay magiging isa sa pinakamahalagang tao sa bansa sa darating na panahon.Pagkatapos, handa nang mamatay si Harrod. Ang mga binti niya ay nanginig habang bumagsak siya sa sahig.Hindi alam ni Bernie kung ano ang nangyari at mabilis niyang tinulungan ang uncle niya. “Uncle Harrod! Ano ang problema mo?”Ngumiti si Gordon at kinamayan niya si Chase. “May oras ako ngayong araw at nagkataon na nakita ko na ang isa sa mga tao mo ay inaapi ang may ari ng isang maliit na cafe. Hindi ko ito natiis, kaya tumawag ako sayo.Agad na nagbago ang ekspresyon ni Chase.Ang mga tao na tulad ni Gordon ay may tiyak na paraan sa pakikipag usap tungkol sa mga bagay.Kahit na may malaking bagay na nangyari, madalas ay malabo niya itong sinasabi at hinaharap ito sa pribadong lugar upang ang mga tao ay pwede pang magkaroon ng dignidad.Ang sabihin ni Gordon ang ganitong b
“Opo…” Imposible para itanggi ito ni Harrod at tinanggap niya na lang ang kapalaran niya.Dumilim ang ekspresyon ni Chase. “Suspended ka na mula sa posisyon mo simula sa sandaling ito. Kayo ng pamangkin mo ay sasailalim sa imbestigasyon, at ako ang personal na titingin dito at hindi ako magpapakita ng awa.”Halos mahimatay si Harrod sa mga sinabi ni Chase.Nang maisip na malalaman ni Chase ang mga pakana niya noon at ang mga kahihinatnan nito, sobra na ito para kay Harrod. Dahil dito, bumagsak siya at nawalan ng malay.Napagtanto na ni Bernie na isang malaking pagkakamali ang nagawa niya ngayon, at nanginig ang mga binti niya.Isang tao lang ang dala ni Chase, ngunit ang kapangyarihan ng taong ito ay hindi maitatanggi.Sa paraan ng pagtingin ni Harrod, alam ni Bernie na ang pagdating ng lalaking ito ay nagpapahiwatig na tapos na siya ngayon.Pagkatapos, ang secretary sa likod ni Chase ay tumingin sa mga officer na kasama ni Harrod. “Ano pa ang hinihintay niyo? Dalhin niyo na ang
“Anong regalo?” Lumapit si Faye kay Wilbur. Nakita niya na gumamit si Wilbur ng ilang piraso ng papel, ngunit hindi malaman ni Faye kung ano ang sinusulat ni Wilbur.Sinabi ni Wilbur, “Wag kang tumingin, hindi mo rin ito maiiintindihan. Hindi ako kakain ng hapunan sa tahanan. Kailangan mo mag dinner ng mag isa. Pupunta ako sa mga Grayson.”“Tahanan.” Ngumiti si Faye sa mga salitang ito, at bumilis ang tibok ng puso niya.Ngunit, hindi naiintindihan ni Wilbur ang kahihinatnan ng sinabi niya kay Faye at mabilis siyang pumunta sa pinto habang hawak ang mga piraso ng papel.Kasabay nito.Sa bahay ng mga Grayson, ang chef ay naghanda ng isang mesa ng mga pagkain, at si Benjamin ay nilabas din ang kanyang pinakamagandang wine.Sina Benjamin, Gordon, at Susie ay nakaupo sa sofa, naghihintay siya ng tahimik para sa bisita nila.Pagkatapos, nag ring ang doorbell. Mabilis na pumunta si Susie sa pinto.“Nandito na kayo, Sir! Pumasok po kayo.” Tila nagbago ang pagtrato ni Susie kay Wilbur
Sa recommendation ni Benjamin, ang pagpasok sa national system ay madali lang.Ngumiti ngumiti lang si Wilbur at sinabi niya, “Master Grayson, sanay na po ako sa tahimik na buhay ngayon. May mga sariling problema po ako na kailangan harapin. Sana ay wag niyo po akong ipilit dito.”Nagbuntong hininga ng mahina si Benjamin. “Ang bawat tao ay may kanyang layunin, at hindi kita papahirapan. Sana lang ay ang puso mo ay maging tapat sa bayan.”Kumunot ang noo ni Wilbur, at naiintindihan niya ang pahiwatig sa mga salita ni Benjamin. “Wag po kayong mag alala, Master Benjamin. Lagi po akong tapat sa bayan.”Pagkatapos ay lumingon siya para umalis, naglakad siya patungo sa sarili niyang bahay. Pinanood ni Benjamin na umalis si Wilbur habang naglaho ito sa paningin niya bago siya tumalikod at bumalik sa loob.Bumalik sa bahay si Wilbur nang makita niya na nakasandal si Faye sa sofa na may suot na seki na nightgown. Nakatulog na si Faye.Ang neckline ng nightgown ay nakabukas, at masyado ito
Agad na sinabi ni Nancy, “Hoy, mag ingat ka sa tono mo.”“Ano? Mali ba ako?” Ang sagot ni Cindy, nagalit siya. “Isang walang kwentang lalaki siya na walang trabaho! Diyos ko, sana ay hindi ka niya iscam.”Umiling si Nancy. Mukhang wala pa ring alam si Cindy kung gaano kalaki ang kapangyarihan ni Wilbur mula sa paraan ng pagsasalita niya tungkol kay Wilbur.“Siya? Iscam ako? Imposible yun. Hindi mo alam ang tinutukoy mo,” Ang tanging sinabi ni Nancy.Gayunpaman, umupo si Cindy sa tabi ni Nancy. “Nabalitaan ko na isa ka nang general manager sa Willow Corp?”“Uh, ako lang ang general manager ng isa sa mga department doon.”Tumawa si Cindy. “Yun lang ang kailangan ko malaman. Isang manager ka na ngayon, ang tangang si Wilbur ay wala man lang trabaho! Ginagamit niya ang relasyon niyo bilang dating classmate para mapunta kayo sa isang relasyon. Hindi ba’t halata ito?”Natulala si Nancy. Hindi niya maintindihan kung paano tumakbo ang utak ni Cindy para tumingin ng mababa sa isang tao.
Klaro na pinapahiwatig niya na oras na para umalis si Cindy.Gayunpaman, tila hindi naiintindihan ni Cindy ang kahulugan ng tingin ni Nancy. Sa halip, pinaupo din ni Cindy ang boyfriend niya. “Dahil nagkataon lang na nagkasalubong tayo, kumain tayo ng tanghalian ng magkasama.”“Uhm… Ayaw kong abalahin kayo ng kaibigan mo,” Ang sabi ni Nancy ng may mahinang boses.Tumawa si Cindy. “Ah, hindi ito abala! Mas masaya kapag mas marami!”Hindi alam ni Nancy kung ano ang sasabihin niya, yumuko siya ng tahimik.Sa katotohanan, ayaw niya makita si Cindy o makasama itong kumain.Gayunpaman, hindi niya magawa na tumanggi.Sinabi lang ni Wilbur, “Sige. Mukhang kakaiba talaga ang tadhana.”Sumingit si Cindy. “Wilbur, nabalitaan ko na inimbita ka ni Nancy para mag tanghalian dito?”“Oo, inimbita niya ako,” Ang sabi ni Wilbur.Tumawa ng mapanglait si Cindy. “Alam mo ba kung gaano kamahal ang mga pagkain dito?”“Hindi ko alam. Minsan lang ako kumain sa mga ganitong lugar.”Ito ang katotohan