Share

Kabanata 99

Pinilit ni Wilbur na ngumiti. “Ano ang iniisip mo?”

“Sige, hindi niyo na po kailangan sabihin sa akin. Kayo rin naman ang boss. Wala akong karapatan para alamin ang kahit ano.” Yumuko si Faye at bumalik siya sa pagkain.

Inayos ni Wilbur ang upo niya. Sa huli, sinabi niya, “Isa siyang dating classmate ko. May naging kasintahan siya at sa huli ay naging scammer ang lalaki. Nag aalala ako na baka madamay ang Cape, kaya pina-suspend ko siya sa trabaho niya.”

Tumango si Faye ng nakangiti. “Ganun po ba. Masasabi ko, maganda po talaga si Cindy. Plano niyo po ba na sisanthin lang siya ng basta basta?”

“Ano pa ba ang dapat kong gawin?” Nagpanggap si Wilbur na sumimangot, bigla siyang naging seryoso.

Tumawa si Faye, pagkatapos ay kumain siya.

Hindi nagtagal ay natapos nang kumain ang pares. Iniwan ni Wilbur ang plato niya sa mesa at dumiretso siya sa kwarto niya.

Nagbuntong hininga si Faye, pagkatapos ay tahimik niyang niligpit ang mesa, dinala niya ang mga plato sa kusina.

Naghanda si W
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status