Share

04

"Zoe, ano nangyayari sa 'yo?!" sabi ni Summer habang kinakatok ang pinto.  

"Buhusan mo 'yan, ah! Kakalinis ko palang ng banyo ko baka mamaya may tira-tira ka pa riyan!" si Zyra.

Summer keeps on knocking the door. It makes me feel irritated but I just ignored her. Naghilamos ako ng mukha, sobrang namumula ito. Buti nalang mabilis akong tumakbo kanina kaya 'di nila ako nakita.

"Nakakahiya ka Zoe," I whispered while jumping and screaming without a sound.

"Hoy, Zoe Essence, buksan mo 'to o gusto mo sirain ko pa 'tong pinto?" pagbabantang sabi ni Summer.

"Subukan mo lang at itatapon kita palabas ng condo ko!" narinig kong buwelta ni Zyra.

Mga ilang minuto pa ang lumipas nang mapagdesisyunan ko na lumabas.

"Oh? Anyare sa 'yo?" bungad nila sa 'kin.

"Wala." matipid ko na sabi at umupo sa sofa. Kumuha ako ng isang can ng San Mig at tinungga ito.

"Wala raw pero kung tumangga akala mo ay na-broken hearted." sabi ni Summer.

I looked at them. I'm not even surprise when they are all staring at me. Mga ilang segundo rin 'ata ako nakatingin sa kanila habang nagtatalo ang left and right brain ko kung sasabihin ko ba sa kanila 'yong tungkol kay Hans.

'Nudaw? Hans? Close kayo girl?' Umiling naman ako sa naisip ko bago huminga ng malalim.

"Doyoustillremebertheguynakinwentokosainyoyungnakisilongsapayongko," tuloy tuloy ko na sabi.

"Ano?!" sabay-sabay din nilang sabi at nakakunot ang noo. Napakamot ako sa ulo ko.

"Yung lalake." panimula ko ulit.

"Sinong lalake?" agad na tanong ni Caitlyn.

"Naalala niyo pa ba?"

"Ang ano?!" halata na ang pagka-irita sa mukha nila.

"Last week," pagkatapos ko sabihin 'yon may bumato sa akin ng unan. "Aray! Parang tanga naman!" Irita kong sabi kay Zyra at ibinato ito pabalik.

"Ikaw 'yong parang tanga. Tang'nang kwento yan paputol-putol, ano ka si budoy?" sabi ni Zyra. Ngumuso ako sa kanila dahil narealize ko na tama siya. "So what's the tea?" sabi niya habang kinuha 'yung piatos sa paper bag. Aba! May pag what's the tea na siya ngayon, ah? Feeling ko talaga kumuha 'to ng english tutor!

"Do you still remember the guy na kinwento ko sainyo last week? 'Yung nakisabay sa 'kin kasi walang payong?" Tumango sila na parang mga tuta. "Nakasabay ko siya sa elevator kanina." pag-amin ko sa kanila.

"Oh? Ano nangyari? Dapat isinama mo rito! Ang hina naman ng aports natin!" sabi ni Zyra na halata sa mukha na naiintriga.

"Hindi pwede, nakakahiya. 'Tsaka kilala niyo 'yon." I said. I bit my lower lip.

"Oh?!" Mas lalong lumakas ang boses nila.

"Gaga sabi ko na! Ito na yon sis mars! Mag papa-BBQ ka na! Malaki-laki na naman ang kikitain ni Aling Pasing!" sabi ni Zyra at nakipag-apir kay Summer at Icia.

"Hindi 'no! 'Tsaka Malabo. Hindi ko type. Masungit." Uminom ako ng beer.

"So, sino na nga? Anong name? You said kilala namin." curious na tanong ni Caitlyn.

"Friend ni Kuya Jacob,"

"Oh?!" ayan nanaman yung 'oh' na 'yan. "Sino doon?" sabay-sabay nilang tanong.

"You know... the weird guy?" nahihiya kong sabi.

Lumaki ang ngiti ni Summer samantalang napa 'oh' nalang ulit si Icia habang si Caitlyn napahawak sa bibig niya na parang 'di makapaniwala at si Zyra naman ay lumapit sa 'kin at bumulong.

"Pump safely bitch..." 'Tsaka kinindatan ako nito. Sinipa ko siya.

"Ang baboy mo!" inis kong sabi. "Wala akong gusto do'n! He's not my type though." maarte kong sabi at tumaray.

"Zoe, jackpot ka na! Ang sabi mo 'di pogi, iba na ba ang definition ng pogi para sa 'yo? My god!" sabi ni Summer habang pinapadyak ang paa, mukhang na eexcite. Nagkibit balikat lang ako.

"Caitlyn, I'm curious. Bakit mo nga pala tinatawag na kuya yung Jacob?" tanong ni Icia.

"Mas matanda siya sa 'kin ng isang taon." 

"Ano 'yon, nag-stop siya? Kasi fourth year palang din siya, e." tanong ko.

"Nope, late lang siya nag-aral."

"May bebe?" biglang sabat ni Zyra.

"Hmm, kaya off-limits na siya, sorry babe." sabi nito at niyakap si Zyra.

"Oh? Kailan daw magbi-break?"

"Never." sambit ni Caitlyn habang nakangiti. Humawak si Zyra sa dibdib niya na akala mo nasasaktan.

"Mukha kang tanga." pambabasag trip ni Icia. Sinamaan siya ng tingin nito.

"You really know how to ruin my mood huh? I hate you!" Binato niya ito ng unan. Natulala kaming lahat.

"Aba! Sabihin mo nga sa 'min! Nag-enroll ka ba sa English class?" si Summer.

Umiling siya. "Kita ko lang yon sa f*, ginaya ko lang." sagot nito at tumawa.

We spend the night chitchatting to each other. Laughed our ass out, stalking some random handsome guys, sharing chika about their love life and talking about life. We played Monopoly and Uno too and after that we watched Stranger Things, our favorite series on Netflix.

***

Noong Monday, wala kami masyadong ginawa bukod doon sa pag-recite lang sa harapan ng 118 elements ng periodic table. Samantalang nung Tuesday naging busy kaming lahat dahil nalalapit na ang Intrams, nag-assign 'yong adviser namin ng mga players kung sino ang ilalaban sa ibang section.

Kaming lima ay nag-volunteer bilang players sa girls volleyball. Actually kami rin ang lumaban dati pero olats kasi 'yong last serve ko. Hindi umabot sa side ng kalaban. Hanggang ngayon grabe parin yung panghihinayang ko pero lalaban ulit kami... and this time we'll make sure na mananalo na kami.

"SeGa tayo, ayoko kumain sa cafeteria maraming tao." sabi ni Icia habang inaayos ang table ng arm chair niya.

"Tara na! Gutom na ako. Hindi ako nag-almusal kanina." sabi ni Zyra habang hinihimas-himas ang tiyan na.

Summer clung her arms on mine, mannerism niya na ata 'to o masyado lang talaga siyang komportable sa 'kin.

"Hi Caity and friends!" Napahinto kami sa paglalakad ng biglang sumulpot sa likod namin si Kuya Jacob and... his friends.

"Oy, si Hans." Bulong sa 'kin ni Summer kaya kinurot ko siya at sinamaan ng tingin agad naman siyang napaigtad at binigyan ako ng nakakalokong ngiti.

Hindi ako makatingin nang diretso kay Hans kasi awkward parin ako dahil sa nangyari no'ng sabado.

"Oh, Kuya, magla-lunch na rin kayo?" tanong ni Caitlyn. Tumango naman ito. "Sama kayo sa amin sa SeGa, doon tayo kain!" masigla nitong sabi.

"SeGa?" nagtatakang tanong ni Kuya Jacob.

"Secret Garden. Madami kasing tao ngayon sa cafeteria, e." sumagot si Icia kaya nalipat dito ang tingin niya 'tsaka ngumiti. Ang pogi niya lalo kapag ngumingiti, parang ang bait niya, gusto ko siya maging ka-close.

"Sure, but is it okay with your friends?" tanong nito.

"Ay oo naman, Kuya Jacob! Ayos lang! Gusto mo araw-araw pa tayong dalawa sabay kumain," hindi kami makapaniwala sa sobrang kapal ng mukha ni Zyra. "I mean sabay-sabay tayong lahat kakain." pambawi niyang sabi at nagpapabebe.

Ginulo nito ang buhok ni Zyra kaya si gaga hindi mapirmi.

"Kuya, don't do that again. Look at her, mukha siyang bulate na inasinan." sabi ko at iniiling ang ulo.

"Don't call me kuya. I am just a year older than you, guys." Nakangiti nitong sabi.

"Boi, 18 na rin ako boi, baka nakakalimutan mo, boi." sabat ni Sebastian. Natawa kami ni Summer dahil ang redundant niya. Puro siya boi. Umiling si Kuya Jacob at tumingin sa akin, nakangiti.

'Ano ba 'yon, ba't ba siya ngiti ng ngiti nakakainis ang pogi!'

Ang sama ng tingin sa 'kin ni Zyra, 'yong tingin na akala mo'y inaagawan ng jowa! Binigyan ko siya ng isang ngiti na mapang-asar, pambawi ko 'yan sa pang-iimbyerna mo palagi!

Well, Kuya Jacob is my kind of Ideal man. Pero ewan ko, I see him as my brother, though, hindi naman kami close. Kuya lang talaga ang tingin ko sa kanya.

"I heard you almost broke the door of Han's condo unit?" Wala sa sariling nailalag ko ang paper bag na nasa kamay ko. At tinapunan ng tingin si Hans.

"Sinabi mo?"

He just shrugged and started to walked away. Hiyang-hiya ako na naglakad habang papunta kami sa SeGa.

Chismoso rin pala 'to e 'no? Kaya pala no'ng linggo ilang beses kong nakagat ang dila ko kasi may demonyong chinichismis ang katangahan ko.

Nauna kaming pumwesto sa upuan. 'Yung boys kasi dumaan pa ng embrace para bumili ng iskrambol. Nag ki-crave daw kasi si Kuya Jacob no'n kasi matagal na raw siyang 'di nakakatikim dahil sa Australia sila nakatira.

Tumabi ako kay Zyra para magkakatabi kaming lahat.

"Alis ka! Ayaw kita katabi." Tinulak niya ako nang bahagya.

"At sino gusto mo katabi? Si Kuya Jacob? May girlfriend na siya remember? Kaya hindi mo siya malalandi." mataray kong sabi.

"Aray ko ha? Kahit kailan talaga napaka-straightforward mo magsalita 'no? Buti nalang matagal na kitang kilala kundi baka na-elbow na kita ng wala sa oras!" she said it in a high pitch tone.

Lumipat nalang ako ng upuan. This time kaharap ko na sila pero sa dulo ako umupo para hindi ako mahirapan lumabas. Gusto kong matawa kay Zyra dahil sobrang inaalagaan niya 'yung space sa tabi niya. Parang anytime maninipa siya kapag may umupo roon.

Mga ilang minuto pa ang nakalipas nag si-datingan na ang boys. Nauuna si Sebastian sa kanila at masayang umupo sa tabi ni Zyra. Nawala naman 'yong malaking ngiti niya.

"Hoy, alis!" mataray nitong sabi.

"H-Ha?" nagtatakang tanong ni Sebastian na halatang nagulat sa sinabi ni Zyra.

"Sabi ko, tumabi ka! Hindi ikaw ang gusto ko katabi." Nawala yung ngiti ni Sebastian sa sinabi ni Zyra at kumunot ang noo nito.

"Hindi rin kita gusto katabi 'no! 'Kala mo naman ang ganda." sabi nito at umupo sa kabilang dulo ng upuan kung saan ako umuupo. Natawa kami sa itsura ni Zyra, halatang napikon sa sinabi nito.

"Ang kapal naman ng mukha mo! Bakit anong akala mo, gwapo ka? Dahil friend ka ni Kuya Jacob? Ha! Asa ka! Hanggang ingrown kalang niya. You ugly fat asshole!"

"Body shamer!"

"Oh, kalma, baka mamaya kayo magkatuluyan niyan." sumabat si Icia. Natawa kami nila Caitlyn.

"Yuck!"

"Hindi na, boi, salamat nalang."

Hindi naman talaga mataba si Sebastian. Malaman lang katawan niya, ang exaggerated lang talaga nito ni Zyra.

Napatigil ang dalawa sa pagbabangayan nang dumating na sila Kuya Jacob kasama si Joseph at Hans.

"Kuya Jacob, dito ka." Sabi ni Zyra at ang laki ng ngiti, 'yong tipong kita na gilagid. Ngumiti sa kanya si Jacob at umupo ito.

Aware naman yata siya na trip siya ni Zyra pero hindi man lang ito na aw-awkward lalo pa't may girlfriend siya according to Caitlyn o baka nakikita niya lang si Zyra as his little sister na gusto lang palagi ng atensyon. Natawa ako sa naisip ko. Kawawa naman ang kaibigan ko. Binuksan ko ang lunch box ko at nagsimula na kumain.

Nag-uusap sila tungkol sa kung anong kukunin nilang strand sa Senior High. 'Tsaka pinag-usapan din nila 'yong about sa intrams. Kasali raw sila sa basketball.

Naramdaman ko na may sumisipa sa paa ko. Tiningnan ko kung kaninong sapatos 'yon atsaka inangat ang tingin kay Summer at Icia.

Ngumuso si Summer, sinundan ko ng tingin kung saan ito nakaturo. Napasinghap ako dahil katabi ko na pala si Hans. Para akong na-estatwa sa kinauupuan ko. I am not aware that he's sitting beside me! Gusto kong batuhin ng kutsara't tinidor ang dalawang impakta sa harapan ko. Nginingitian nila ako at nakakaasar dahil baka mahalata ni Hans!

E, ano naman? Wala naman akong gusto rito—bakit ba ako mahihiya? Umusog ako ng konti dahil halos magkadikit na ang braso namin.

Ang bango niya. Nahiya naman ako. Feeling ko amoy araw na ako dahil naaarawan ako rito sa pwesto ko. Shems! Bawal ako maarawan kasi gumagamit ako ng Kojic! Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at ipinangharang ito sa mukha.

Naramdaman kong tumingin sa 'kin si Hans pero hindi ko 'to pinansin. Pinunasan ko 'yong pawis na tumutulo sa noo ko.

Naramdaman kong biglang tumayo si Hans kaya tinapunan ko siya ng tingin.

"Palit tayo," sabi niya. Naagaw namin ang atensyon nilang lahat.

"H-Ha?" nahihiya kong sabi.

"Palit tayo ng upuan,"

"Wag na mainit dito." sabi ko.

Kumunot ang noo niya at sa hindi malamang dahilan agad naman akong lumipat ng upuan at saka siya umupo sa dati kong pwesto na parang wala lang sa kanya ang init ng araw.

"Grabe, ang nostalgic! Naalala ko 'yong kwento ng mama ko, ganiyan daw nagsimula ang lolo't lola ko." narinig kong sabi ni Sebastian.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status