Share

Chapter 27

Jay POV

Habang nasa loob ako ng kotse ni commander Leo ay palagi niya ako tinutukso dahil sa ginawa ni Lorenzo. Napa pout naman ako dahil sa panunukso niya. Ayaw ko talaga na tinutukso ako lalo na tungkol sa amin ni Lorenzo. Hindi ako sanay.

"Hahahaha hindi ko aakalain na magkaka-boyfried ka. Sa bagay ay malakas ata ang tama ng lalaki na iyon sa iyo," sabi ni commander Leo habang tumatawa. Napailing na lang ako. Kung makatawa siya ay parang hindi nasaktan sa suntok ni Lorenzo.

"So ano ang gagawin natin?" tanong ko sa kanya. Tinawagan niya kasi ako kagabi nang hating gabi.

"Magpapatulong ako sa iyo na maghanap ng ireregalo ko sa kaarawan ni Joyce," sabi niya. Napangiwi naman ako. Bakit magpapatulong pa siya sa akin? Kahit ano ang ibigay niya kay Joyce ay tatanggapin niya ito.

"Commander, you don't need my help. Kahit ano ang ibigay mo kay Joyce basta galing sayo at opinyon mo ay magugustuhan iyan ni Joyce," sabi ko. Napangiti naman siya dahil sa sinabi ko.

"Hahahaha oo nga noh," sabi ni
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status