Share

Chapter 19

Halos isang oras na ang lumipas ay nanatili pa rin sa loob ng conference room si Alistair, namumula na ng husto ang buong mukha nito dahil sa matinding galit. Labis siyang nasaktan sa naging pahayag ni Marco dahil sinampal siya nito ng isang malaking katotohanan na wala na siyang kakayahan na magkaroon ng anak.

“Iho, huwag mong pansinin ang sinabi ni Marco dahil alam naman natin na sa una palang ay mainit na ang dugo ninyo sa isa’t-isa...” malumanay na pahayag ng kanyang ama bago idinantay ang isang kamay nito sa kanang balikat niya.

“Totoo naman ang sinabi niya, Papa, maaaring mawala ang lahat sa akin, dahil wala na akong kakayahan na magkaroon ng anak. Kilala ko si Lolo, apo rin niya si Marco at batid ko na may tsansa na mapunta kay Marco ang kumpanya.” Walang gana kong saad habang nakatitig sa kawalan. Ngayon ko nararamdaman ang pagiging inutil ko. Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ni Papa bago ito nagsalita.

“Kung anuman ang maging desisyon ng iyong Lolo ay tanggapin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status