Share

Chapter 37

“Kampante akong pumasok sa loob ng kabahayan ng may ngiti sa labi ngunit nagulat ako sa biglaang pagsulpot ng aking asawa mula sa puno ng hagdan. Inaasahan ko na bukas pa siya darating ngunit mukhang napaaga yata ang kanyang uwi. Hindi kaya naudlot ang business trip nito kaya maaga siyang bumalik?

Lihim akong napalunok dahil isang nagdududang tingin ang ibinigay niya sa akin, nang mga sandaling ito ay ramdam ko ang matinding tensyon na namamagitan sa amin dalawa.

Pasimple akong nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga upang humupa ang kaba na nararamdaman ko.

Sinikap ko na kumilos ng normal sa harap nito kaya pinanatili ko ang magandang ngiti sa aking mga labi.

“Kailan ka pa dumating?” Tanong ko sa kanya sa pinalambing na tinig habang pumapanhik ng hagdan hanggang sa huminto ako sa mismong tapat niya na may isang dangkal ang aming pagitan. Yumukod ako upang halikan siya sa pisngi.

Akmang lalapat na sana ang labi ko sa kanyang balat ng bigla siyang humarap sa akin kaya naglapat
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status