Share

Chapter 5

" Ay! Tipaklong na walang pakpak! Diyos ko iha, ginugulat mo naman ako. " Gulat na bulalas pa ni Manang Lelia nang muntik ko na siyang hampasin ng baseball bat. Napahawak pa ito sa kanyang dibdib habang ang kaniyang kanang kamay ay may hawak na kutsilyo.

" Manang, naman eh. Akala ko pa naman may multo dito. Muntik na akong atakihin. " Wika ko pa sabay ibanaba ang baseball bat.

Si Manang Lelia ay ang kasambahay ng pamilya ni Jeush. Noon paman ay close na kami simula pa kabataan ko hanggang sa paglaki. Saksi si Manang Lelia sa lahat tungkol sa'kin. Naging nanay-nanayan ko pa ito noon sa tuwing nasa ibang bansa ang mga magulang ko.

" Nako naman, iha. Kaya nga mabilis akong nagtago dito dahil akala ko may nakapasok na magnanakaw."  Aniya bago naglakad papunta sa kusina. Sinundan ko naman ito. " Nga pala, iha. Magkasama kayo ng asawa mo? Kamusta naman ang pagsasama niyo dito kanina?" Sunod-sunod na tanong pa nito.

Kumuha muna ako ng tubig sa ref bago naupo sa high stall paharap sa kanya. I heave a deep sigh before answering her questions.

" 'Yon na nga po, Manang eh. Daig pa ang babaeng may dalaw tapos takot naman sa ipis. Kalalaking tao. " Nakabusangot na pagsusumbong ko pa. Bahagya naman itong natawa.

" Ganiyan talaga 'yan si Kingster. Hayaan mo na. Magiging close din kayo. Kailangan mo lang ng tiyaga at pag-intindi sa batang 'yon. " Wika pa nito sabay lapag ng mga pagkain sa mesa. Bigla naman akong natakam pero gusto kong kumain na kasabay si Jeush.

" Manang, nabanggit po kasi ni Jeush kanina na may girlfriend na po siya. Kilala niyo po ba kung sino?" I curiously asked na nagpatigil kay Manang Lelia. Saglit itong huminto sa ginagawa at humarap sa'kin.

" Alam mo, iha. Mas mabuti siguro na sa kanya mo malalaman ang tungkol don. Masiyado pa kasing presko ang tungkol sa kanila. " Makahulogang wika pa nito.

" What do you mean po? Sige na po, Manang. Promise 'di ko naman sasabihin sa kaniya na tinanong kita. " I insisted.

" Oh siya sige. Ang hirap mo talagang tanggihan bata ka. Kumain ka muna. " Sagot pa nito nga ikinangiti ko.

" Mamaya na po ako kakain pagdating ni Jeush, Manang. Maari niyo na po bang sabihin sa'kin ngayon?" Excited na tanong ko pa. Tumango naman ito bago naupo sa kaharap kong silya.

" Si Rhinaya. Isang sikat na model at fashion designer. 'Yon lang ang alam ko tungkol sa babaeng 'yon, iha. Palaging dinadala ni Jeush iyon sa mansion nila noon pero hindi nagustuhan ng mga magulang niya iyon dahil sa gaspang ng ugali. Pero 'wag kang mag-alala. Mas maganda kapa don kahit walang make up. " Mahabang wika pa ni Manang Lelia. Bahagya naman akong natawa sa huling sinabi niya. Familiar sa akin ang pangalan nito pero 'di ko na matandaan. Siguro nga ay nabasa ko na ito sa mga magazines. Baka naman 'yong babaeng kasama niya kanina ay iyon si Rhinaya.

Bigla naman akong nakaramdam ng panliliit sa sarili. Kung iyon nga si Rhinaya, wala akong laban don. Wala ako sa kalingkingan non. Pati yata alikabok hindi kakapit don. Parang higad nga lang kung makakapit sa asawa ko.

" Gaano na po sila katagal, Manang? Tsaka, nasaan na po ito ngayon?" I curiously asked again.

" Isang taon itong naging kasintahan ni Kingster pero noong anniversary sana nila ay hindi ito sumipot. Magpo-propose sana siya don sa babae kaso ang balita ko umalis na ito ng bansa. Iyon ang dahilan kung bakit nagkakaganyan ang alaga ko. Hanggang ngayon umaasa parin na babalikan pa siya non. " Sagot pa ni Manang Lelia.

Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga bago muling nagtanong.

" Bakit 'di niya sinundan, Manang? I mean, may pera naman siya. Kaya niyang gawin lahat ng gusto niya. " I asked.

Aktong sasagot na sana si Manang nang may pumutol sa usapan namin. Napalingon naman ako sa may bukana ng kusina at sabay na napalunok nang makita doon si Jeush na nakatayo habang nakabukas pa ang tatlong butones ng kanyang pulo. Namumungay ang mga mata nito at magulo rin ang buhok.

" Pinakaayaw ko sa lahat ang pinag-uusapan ang buhay ko! Anong ginagawa ng babaeng 'yan dito, Manang?" Napayuko naman ako nang matalim ang mga matang tumingin ito sa gawi ko. He's so scary. Para siyang kakain ng buhay.

" Iho, n-nandiyan ka na pala. Kanina ka pa namin inaantay." Wika ko pa ni Manang Lelia at nilapitan ito. Sumenyas naman ito kay Manang Lelia na huwag siyang lapitan kaya agad akong tumayo.

" I'm sorry. I...I was hit by my curiously. " Nakayukong paumanhin ko pa. " M-maupo ka muna. Kanina pa kita inaantay para sabay tayong kumain. " Pag-iiba ko pa sa atmosphere.

Hindi ito umimik at nanatiling nakatingin lang sa'kin kaya bahagya pa akong lumapit sa kanya para sana alalayan siya papunta sa mesa kaso bigla akong nakaamoy ng alak mula sa kanya.

" Don't come closer or you'll regret it. " Walang emosyon na wika pa nito.

" L-lasing ka. " I said. Bigla naman akong napa-igtad nang magtaas ito ng boses.

" And it's none of your business, Leal! You're so desperate bitch to please me!" Aniya at agad na tumalikod. I wasn't inform that his words would hit me so hard.

Pinagmamasdan ko lang ang bulto nito na paakyat sa silid. Bigla naman akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib kaya mabilis akong nilapitan ni Manang at inabutan ng tubig. Tinungga ko naman agad ito.

"Ayos ka lang, iha? " Nag-aalalang tanong pa ni Manang. Mapait naman akong ngumiti sa kanya at tumango.

" Pakiligpit nalang po ng pagkain, Manang. Hindi na po ako kakain. " I said bago nagpaalam dito na umakyat na sa kwarto ko.

Lalagpasan ko na sana ang kwarto ni Jeush nang makarinig ako ng sunod-sunod na pagmura mula sa loob. Lumapit naman ako ng kaunti at idinikit ang tainga ko sa pinto.

" Rhinaya, I miss you. " Para akong natuod sa kinatatayuan ng marinig ito. Nakarinig pa ako ng munting hikbi na mas lalong nagpapiga ng puso ko. Is he always like this? Hindi ko alam kong matutuwa ba akong nawala na ito sa kanya o maaawa. Alam kong sa kabila ng ugali niya ay may mabuti siyang puso at isa sa mga misyon ko ang tulungan siyang makaahon. He deserve to be happy.

Paulit-ulit akong bumuga ng hangin bago buong tapang na kumatok sa pinto nito. Hindi ko kayang iiwan siya sa ganitong sitwasyon na mag-isa. He needs someone to lean on. Hindi ko ugali ang talikuran ang isang tao lalo na kapag nasa ganitong sitwasyon. Para ko na rin tinalikuran ang pangako ko noon.

" W-who's there?" Sagot pa nito sa kabilang linya.

" Ako ito si Lael. Lael ng buhay mo. " Sagot ko pa. Hindi ko alam kung nagha-hallucinate lang ba ako na narinig ko itong mahinang tumawa or he really did.

Hindi ito sumagot kaya nagpasya akong buksan ang pinto. Nagtagumpay naman ako. Hindi man lang nito ni-lock.

" What do you want? " Cold na tanong pa nito. Hindi ko maaninag ang mukha nito dahil sa dilim ng silid. Sinubukan ko munang kapahan ang switch sa gilid pero tila wala ito.

" P-pwede bang buksan mo muna ang ilaw? N-natatakot ako. " I commanded at napalunok habang mahigpit na nakahawak sa pinto. Hindi kasi ako sa sanay sa madidilim na lugar dahil madalas akong nakakakita ng mga imahe ng batang babae sa gitna ng dilim.

" I don't remember letting you in. You may leave." Imbes na wika nito.

Huminga muna ako ng malalim at pilit na pinapakalma ang sarili. Sumandal ako pader sabay na pumikit upang labanan ang takot.

" Alam kong ayaw mo sa'kin at napipilitan ka lang. I am not here to ask you kun'di upang damayan ka. Hindi ko kayang iiwan kang mag-isa dito sa madilim mong kwarto. Malay mo mamaya may ipis na palang gumagapang diyan sa tabi mo, 'di mo lang namamalayan. " Mahabang wika ko pa dahilan upang mapamura ito at mabilis pa sa alas kwatrong binuksan ang ilaw. Tumambad naman ito sa'kin na nakatayo sa kanyang kama at 'di na maipinta ang mukha dahilan upang bumulwak ako sa tawa.

" Seriously? Lalaki ka ba talaga? " Pang-aasar ko pa. Blangko lang ako nitong tiningnan bago muling umayos sa kama niya. Hindi man lang ito nagbihis.

" If you're just here to tease me, makakaalis ka na. " Aniya.

" Ang sungit mo naman, langga, nilalambing ka na nga ng pinakamaganda mong asawa pinapaalis mo pa. " Naka-pout na wika ko pa sabay na nagpapaawa effect sa kanya. Nakita ko namang napalunok ito at nag-iwas ng tingin kaya napangiti ako. " Kinikilig ka ba, langga?" I teasingly added. Napasinghap naman ito sabay bumaba ng kama at naglakad papalapit sa'kin. Napalunok naman ako at dahan-dahang umatras papunta sa kabilang sulok.

" Don't test my patience, Lael. You won't like it. " Aniya na nagpakaba sa'kin.

" Tumigil ka nga! Puputulin ko talaga 'yang ano mo. " Pagbabanta ko pa sabay taas ng kamao ko. Hindi man lang ito natinag at patuloy parin sa paghakbang.

Iginala ko ang paningin ko sa buong silid upang makahanap ng bagay na maari kong pang depensa sa kanya. Napangiti naman ako nang makakita ng isang guitar sa gilid ng kama.

Mabilis akong tumakbo papalapit dito and was about to grab it nang hilahin niya ako dahilan upang pareho kaming na-out balance. Ipinikit ko pa ang aking mga mata at ihinanda ang aking sarili sa pagbagsak.

Lumipas ang ilang segundo ay hindi ko man lang naramdaman ang pagbagsak ko kaya dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Halos mahigit ko pa ang aking paghinga nang mapagtantong nakapatong pala ako sa kanya. Paulit-ulit naman akong napalunok nang may naramdaman ako sa kaliwang kamay ko na bukol. Dahan-dahan akong tumingin sa ibabang parte kung nasaan ang kaliwa kong kamay ngunit hindi iyon natuloy nang biglang magsalita si Jeush.

" Eyes up, woman. Don't ever dare to move. You're waking it." Aniya kaya napalunok ako ng paulit-ulit.

" Ay! Susmaryusep! S-sige tuloy niyo lang 'yan. P-pasensiya na sa esturbo. " Pareho kaming napatingin sa may pinto nang biglang marinig ang boses ni Manang Lelia. Bigla namang nag-init ang pisngi ko at aktong lilinawin ito sa kanya nang nagmamadali na itong umalis.

Mabilis akong umalis sa ibabaw ni Jeush at tumayo. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya dahil sa subrang hiya.

" P-pasensiya na. " I said at nagmamadaling tumakbo palabas at pumasok sa silid ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status